Music #20

1.8K 129 19
                                    

Yoongi's Music

Music #20



Present time...


Yoongi's POV:



"Hyung, ano ba yang isinusulat mo ha?" ang takang tanong sa akin ni Jungkook.

Nasa isang coffee shop kaming lahat noon dahil napagpasyahan naming mamasyal para i-spend ang one day na rest day namin.

"Aisssh...hyung, rest day natin ngayon kaya iwan mo muna ang mga trabaho mo" ang reklamo naman ni Rapmon na nasa harapan ko. "I-enjoy nalang natin ang magandang panahon ngayon"

Pero nanatili lang akong nakatutok sa tissue na naisipan kong sulatan ng lyrics ng kanta.

Nakangiti namang tinapik ni J-hope ang braso ko.

"Ayyyy! Para namang hindi na kayo nasanay sa hyung na'to! Kapag nakakaisip sya ng lyrics ng kanta ay hindi nya mapigilang magsulat! Hahahaha!" ang tumatawa pang tapik nya sa balikat ko.

"Aish, Yoongi" si Jin hyung na nasa tabi ni Rapmon. "Kahit ba naman sa coffee shop ay maiisipan mo pang magsulat ng kanta? Aish..."

Pero hindi ako sumagot.

Nanatili lang akong nakayuko at tahimik na isinusulat ang mga lyrics na tumatakbo sa isipan ko.

"Nakakabigla lang na pumayag na lumabas ngayon si Suga hyung" ang natatawang sabi ni Jimin. "Nakakapanibago ito...lalo na't pumayag syang pumasok sa isang coffee shop. Hahahaha"

"Oo nga hyung" si Taehyung. "Ngayon ka lang pumayag na pumasok sa isang coffee shop kaya naninibago talaga kami"

"Oh! Oh!" ang parang naka-realize na sigaw ni J-hope. "Hindi kaya allergic sa coffee shop si Suga hyung kaya ngayon lang sya pumayag na sumama sa atin? Aigoo..."

"Tumahimik nga kayo" ang sambit ko habang ipinapapatuloy ang pagsulat ng kanta. "Libreng kape na 'to kaya pumayag akong sumama sa inyo"

Nagtataka naman silang nagkatinginan.

"Libre?" si Jimin.

Agad na nanlaki ang mga mata ni J-hope habang nakatingin parin sa iba.

"Kung ganun..." ang simula ni J-hope at doon na lumabas ang pilyong ngiti na iyon sa labi nya. "...ANG MAHULI ANG MAGBABAYAD! WAAAAAAAHHHH!!"

Saka sya mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng coffee shop.

"WAAAAAAAAAHHH!!!" ang tilian din ng lima saka sila nagmamadaling lumabas ng coffee shop.

Kaya ang ending ay naiwan akong mag-isa sa mesa namin habang hawak ko parin ang tissue na sinulatan ko ng lyrics at isang ballpen.

"Psh. Mga tarantado" ang naibulong ko nalang sa sarili.

Hayyy...kung ganun, ako ang magbabayad ng lahat ng kinuha ng mga hayup na iyon.

Tang-ina, ngayon ko lang na-realize na naka-limang cake pala si Taehyung kanina.

Bwiset. Ubos ang pera ko nito.

Tumayo nalang ako at nagbayad na sa cashier.

"Is that all sir?" ang tanong sa akin ng babae sa cashier nang mai-punch na lahat ng kinain ng mga hayup na iyon. "May gusto pa po ba kayong idagdag?"

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now