Music #42

1.6K 104 152
                                    

AN: Sorry talaga kung ngayon lang. At thank you sa mga bumaha ng comment sa last chapter. Thank you and enjoy reading! Birthday ni baby J-hope noong Feb. 18 pero hindi man lang ako naka-update. Huhu...mianhe~



Yoongi's Music

Music #42



"Yah! Aish...this kid!" yan lang ang lumabas sa bibig ko nang bigla akong yakapin ni Sujin habang papasok kami ng agency nila.

Pinagtitinginan narin kami ng mga taong nakakakita sa amin na kasabay naming pumapasok pero wala ata talagang balak na bumitaw sa akin ang batang ito.

Napalingon nalang ako sa kanya habang para syang bata na nakayakap sa bewang ko at patuloy parin kaming naglalakad papasok.

"Yah, bitiwan mo ako. Pinagtitinginan na tayo o" ang sabi ko.

Pero ngumiti lang sya sa akin ng napakatamis bago sya nagsalita.

"Ayoko~~" she sang. "Mahal ni Sujin si Oppa~kaya hindi bibitiwan ni Sujin si oppa~"

Aish, this kid. Minsan talaga ay hindi na sya marunong pumili ng tamang lugar kung saan pwede nya akong lambingin. But I can't help but to smile at the thought na ganito sya ka-sweet sa akin kahit nasa harapan na kami ng ibang tao. It's like she's announcing to the whole world that I'm already hers and that's the sweetest thing.

Alam din naming dalawa na matagal ng mainit ang usapin na talagang nagdi-date kami pero mas pinili nalang naming wag munang magsalita dito. We still have our private life that we needed to keep afterall. And I don't give a shit to all those netizens.

"Aish" ang kunyaring naasar kong sambit but I can't no longer hide that smile into my face.

God, this girl is too sweet that I can't even...

She's grinning playfully at alam kong kahit anong sabihin ko sa kanya ay hindi na nya ako bibitiwan kaya hinayaan ko nalang sya. Kahit na nagmumukha na kaming mga tanga na naglalakad sa gitna ng lobby at patuloy naming nakukuha ang atensyon ng lahat.

Damn. I'm too close.

Too close to fall in love with her. If she continued being like this, one of this days ay baka tuluyan na akong mahulog sa kanya. And that's a good thing. Yun naman talaga ang hinihintay naming dalawa and she's not making it hard for the both of us.

Tumigil lang kami sa paglalakad nang makarating na kaming dalawa sa harapan ng elevator. Tumayo lang kaming dalawa doon habang hinihintay na bumukas ito. Nangingiti nalang akong napabulsa ng dalawang kamay sa loob ng pants ko habang nakayakap parin sya sa akin ng mahigpit. Aishh...ang batang ito.

Nasa ganoon kaming posisyon nang bigla syang lumingon sa likod at masayang nagsalita.

"Sunny unnie!" she exclaimed.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong natigilan nang marinig ko ang pangalan na yun.

"Sunny unnie! Nandito ako!" ang patuloy nyang tawag at binitiwan nya pa ako para kumuway.

Dahan-dahan naman akong napalingon sa likuran naming dalawa para tignan ang babaing kinukuwayan nya.

And there she is.

Standing all alone in the entrance of the lobby.

Oo, ang babaing inilibing ko na sa nakaraan ko. Ang babaing pinili kong palayain para maging masaya na ako.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now