Music #32

1.6K 108 103
                                    

Yoongi's Music

Music #32




Broken glasses.

Scattered broken chairs.

The whole room is in big mess.

Basag pa ang malaking salamin na nasa harapan ng practice room na iyon.

But what shocked me the most ay nang makita ko ang babaing yun na mag-isang nakatayo sa harapan ng mga nakayuko na mga taong iyon.

She's trembling with rage.

Habang umiiyak naman ang iba sa mga nakayukong mga taong iyon at kung hindi ako nagkakamali ay mga trainee palang sila.

But what startled me the most...

"MGA WALA KAYONG KWENTA!!!" she roared in the middle of that room.

Agad akong nanigas mula sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwalang napatingin uli sa kabuuan ng buong kwarto na yun.

Kung ganun...

Sya ang...

Sya ang gumawa ng lahat ng ito?

Talaga bang...ang Yuseon ko...ang gumawa ng lahat ng ito?

Saka ako hindi makapaniwalang napataas ng mukha at napatitig sa galit na galit na mukha nya.

Talaga bang...sya si Yuseon?

Dahil habang nakatingin ako sa kanya ngayon ay pakiramdam ko ay ibang babae na ang nakatayo ngayon sa harapan ko.

Habang nakatingin ako sa kanya ngayon ay parang hindi na si Yuseon ang nakikita ko.

I can see nothing but a monster.

For a moment ay walang makagalaw sa amin.

Pero naputol lang ang katahimikan na yun nang biglang pumasok sa kwarto si J-hope at masayang nilapitan ang babaing yun.

"Aigoo...!" ang masaya at nakangiti pang sabi nya. "Nagagalit na naman ang Sunny ko...!"

Agad namang napalingon sa direksyon nya ang babaing yun at agad na gumuhit sa mga mata nya ang pagkabigla nang makita si J-hope.

"O-oppa..." she whispered.

Pero ang pinaka hindi ko mapaniwalaan sa eksenang ito ay nang makita ko ang unti-unting pag-amo ng mukha nya nang makita na si J-hope.

J-hope cupped both of her cheeks at masayang nagsalita.

"Wag ng magalit ang jagiya ko, neh?" ang masaya pang sabi nya saka niyakap ng mahigpit ang babaing yun. "Diba ang sabi ko naman sayo ay mas lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka? Aigoo...ang jagiya ko talaga na 'to oh. Aigoo...mahal na mahal ka ni oppa..."

Sinasabi yun ni J-hope habang sine-senyasan ang mga trainee na nandoon na umalis na gamit ang kamay nya na nakayakap kay Sunny. Agad namang tumalima ang mga trainees na halatang takot na takot sa mga oras na ito.

Wala akong ibang magawa kundi ang mapaawang ng bibig ng dahil sa eksenang nakikita ko ngayon.

Teka.

Comedy ba 'to ha?

Ito na ba ang segment na tatawa na ako?

Huh.

At ito ba ang bagay na ayaw ipakita sa akin ni J-hope ha?

Kung gaano kasama ang girlfriend nya?

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now