Music #12

1.9K 135 78
                                    

Yoongi's Music

Music #12



Nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba sa kanya ito ngayong araw na 'to o hindi but in the end ay...

Inilapag ko sa harapan nya ang lunchbox na ginawa ko para sa kanya kaninang umaga.

"G-ginawan kita ng lunch dahil baka nakalimutan ka na namang gawan ng Mama mo" ang hindi ko makatingin at namumulang sabi.

Nasa cafeteria kami ngayon at katulad kahapon ay magkaharap na naman kaming nakaupo sa mesa na iyon. At katulad din kahapon ay nakatingin na naman sa amin ang lahat.

Hindi sya nagsalita.

At dahil wala akong natanggap na sagot ay dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nya para makita ang reaksyon nya.

Pero...

Nakita kong nakatingin lang sya doon. At hindi ko mabasa ang ekspresyon nya dahil blangko lang yun at wala rin syang sinasabi.

Kaya napalunok ako.

"P-pasensya ka na kung ganyan---"

Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay napakurap ako nang walang salita nyang sinimulang kainin yun. Hindi na sya nagsalita after nyang kainin yun samantalang nakatingin lang ako sa kanya at pilit na binabasa ang ekspresyon nya.

Hanggang sa naubos na nya ang lahat ng iyon pero hindi parin sya nagsasalita.

Kinuha nya lang ang tubig na katabi nya at gamit ang inaantok na mukha na iyon ay tumingin sya sa akin.

Samantalang naghihintay naman ako ng sasabihin nya.

"Well...?" ang tanong ko.

Then his bored and sleepy eyes looked at me.

"Ang pangit" he said saka uminom ng tubig.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng disappointment sa sinabi nya.

"Overcooked ang gulay, sunog ang kanin, hilaw ang karne" ang sabi pa nya gamit ang blangkong mukha na iyon saka tumitig sa akin. "Yah, babae ka ba talaga? Mas masarap pang magluto ang nanay ko sayo eh"

That's it.

Walang salita akong tumayo at binitbit ang bag ko at naglakad palabas ng cafeteria.

Oo. Alam kong hindi ako marunong magluto.

Pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para malutuan sya ng masarap na lunch. Kahit sabihin man lang nya na 'okay lang' o kahit magsinungaling nalang sana sya na 'masarap naman'. Pero tinanong nya pa ako kung babae ba ako at sinabi pa nyang mas masarap magluto ang nanay nya.

Ano bang klaseng kaibigan sya ha?

Ano bang klaseng kaibigan ang sasabihan ka ng ganun ka-harsh at ka-rude na words?

O nasanay lang ba talaga ako na simula ng maging kaibigan ko sya ay naging mabait lang sya sa akin kaya nasasaktan ako sa rude na ugali nya?

"Yuseonie"

Nabigla ako nang marinig ko ang pagtawag nya sa akin.

Hinabol pala nya ako.

Pero hindi ako lumingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Yah, Yuseonie"

Hindi ako lumingon.

"Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~" ang pagkanta nya ng pangalan ko.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now