Music #17

2K 146 49
                                    

Yoongi's Music

Music #17



Back to the Past...

Yuseon's POV:


"Oh! Yuseon-ah! Nandito ka ba para bisitahin ang anak ko ha?" ang masayang salubong ng mama nya sa akin sa may pinto ng bahay nila. "Halika! Halika! Pasok ka!"

Ngumiti naman ako sa Mama nya at nahihiyang pumasok.

Ito kasi ang unang beses na nakapasok ako ng bahay nila simula nang magsimula kaming mag-date na dalawa.

And it's been one month now.

Hindi ko ring maiwasang mahiya sa Mama nya na sobrang boto sa relasyon naming dalawa.

"Naku, pasensya ka na kay Yoongi anak ha. Kanina ko pa ginigising pero ayaw gumising eh. Naku, ang batang iyon" ang sabi pa nya.

Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Naku, okay lang po yun. Nandito lang naman po ako dahil nagpapaturo sya sa akin ng isang assignment nya" ang nakangiting sabi ko.

"Ah sige anak, ikaw nalang ang gumising sa kanya ha. Puntahan mo nalang sya sa kwarto nya dahil sumuko na ako sa pag-gising sa batang iyon" she said. "Nasa itaas lang ang kwarto nya. Yung unang kwarto"

"Ah sige po"

Saka ako yumuko at naglakad nalang paakyat ng hagdan na nanduon.

Nang makarating ako sa itaas ay agad na akong lumiko sa unang pinto. Alam kong sa kanya ang kwartong iyon dahil may nakasulat pa sa pinto na...

"DISTURB MY SLEEP AND I'LL KILL YOU"

Hindi ko mapigilang mapangiti.

Kahit na nagdi-date na kami ay hindi parin talaga sya nagbabago.

Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot.

Kumatok ako uli pero wala parin.

Kaya naisipan kong buksan nalang iyon at nabigla ako nang bumukas nga.

Sumilip muna ako sa loob at hindi na ako nabigla na makita syang nakahiga sa kama nya at mahimbing na natutulog.

"Yoongi-ah..." I called him.

Pero hindi sya tuminag.

I sigh.

Pumasok nalang ako sa loob at isinara ang pinto.

Doon ko lang din napansin ang mga nagkalat na mga papel sa paligid. Pinulot ko ang isang papel doon at binasa ang laman.

I smiled.

Mukhang nagco-compose na naman sya ng bagong kanta.

Inilapag ko nalang ang papel sa mesa na katabi ko at naglakad palapit sa kama nya.

"Yoongi-ah..." I called him again.

Pero nanatili lang syang nakapikit.

Napahinga nalang ako ng malalim at this time ay inalog ko na ang braso nya.

"Yoongi-ah..."

Medyo gumalaw naman sya.

"Hmm..." he answered pero hindi parin sya nagbukas ng mata.

"Yoongi-ah, gumising ka na...diba gagawin pa natin yung assignment mo?"

"Hmm..." he murmured. "Mamaya na...inaantok pa ako..."

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now