Music #13

1.8K 120 83
                                    

Yoongi's Music

Music #13




Nagpapasalamat ako na agad din kaming nakarating sa pupuntahan namin.

Dahil pakiramdam ko ay sa bawat minuto na nanatili akong hawak-hawak ni Yoongi ay pakiramdam ko ay nababawasan ang buhay ko ng dahil sa sobrang kaba.

"Oh! Nandito na pala si Motionless Min!" ang natatawang salubong sa amin ng isang grupo ng kalalakihan nang makarating kami sa basketball ring na iyon.

Nasa tabing daanan din yun kaya kitang-kita rin dito ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada.

"Mga gago, tigilan nyo nga ang pagtawag sa akin ng ganyan" ang inaantok nyang sabi saka nakipag-fist bump sa mga ito.

Napansin ko rin na iba't-ibang uniform ang suot nila kaya alam kong galing sila sa iba't ibang school. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit wala akong nakikitang kasama o kaibigan sa school namin si Yoongi. Dahil taga-ibang school pala ang mga kaibigan nya.

Agad namang napunta sa akin ang atensyon nilang lahat at nang makita nila ako ay isang masigabong hiyawan ang nangyari.

"KATAPUSAN NA NG MUNDO! MAY GIRLFRIEND NA SI YOONGI!!!" ang sigaw ng isa sa kanila.

"Yiheee...! Ikaw Yoongi ha, may girlfriend ka na pala pero ngayon mo lang dinala dito. Yiheee...!" ang kinikilig pa na tudyo ng isa.

"Congratz pare! May pumatol na sa isang batugang katulad mo!" ang sigaw naman ng isa.

Girlfriend?

Girlfriend ako ni Yoongi?

Hindi ko mapigilang mamula at mapayuko ng dahil sa sinabi nila.

Isa-isa naman silang binatukan ni Yoongi kaya natahimik sila.

"Mga gago, tumahimik nga kayo" ang banta nya sa inaantok na boses na iyon. "Kapag naging uncomfortable si Yuseonie dito nang dahil sa mga sinasabi ninyo, malilintikan kayo sa akin"

"Aray naman Yoongi! Bakit? Sino ba sya ha?" ang tanong ng isa habang kinakamot ang nabatukan na ulo.

"Oo nga, ngayon ka lang nagdala ng chicks dito eh kaya ano pa ba ang iisipin namin?" ang sabi naman ng isa.

Pero nabigla ako nang bigla akong akbayan ni Yoongi at doon ko na nakita ang matamis na ngiting iyon sa labi nya bago tumingin sa mga kaibigan.

"Sya si Yuseon, ang bagong kaibigan ko" ang nakangiting sabi nya habang namumula naman akong napayuko.

"Ahhh...so kaibigan lang pala..." ang sabay-sabay pa nilang sabi.

Lumingon sa akin ang isa at sobrang tamis ng ngiti nyang inilahad sa akin ang kamay nya.

"Ah, hi Yuseon! Ako nga pala si Mino! Nice meeting you!"

Namumula naman akong tumingin sa kanya at aabutin ko na sana ang kamay nya pero nabigla ako nang paluin sya ng coat ni Yoongi sa mukha.

"Yah! Wag kayong magkakamaling manyakin si Yuseonie kung ayaw nyong makatikim ng tadyak mula sa akin" ang banta nya sa mga ito.

"Aray! Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya eh!" ang naiiyak namang sabi ni Mino habang hinahaplos ang napalo na mukha then he murmured. "Hmp. Bina-bakuran mo lang eh"

Pero hindi na sya pinansin ni Yoongi at nagsalita na sya uli.

"Oh, nasaan na ang iba para makapagsimula na tayo ng game?" ang tanong nya sa mga kasamahan.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now