Music #28

1.5K 105 88
                                    

Yoongi's Music

Music #28




Suga's POV:



"Aigoo...! Jagiya! Kain ka lang ng marami ha!" ang masayang sabi ni J-hope saka sinalinan ng pagkain ang plato ng babaing katabi nya. "Maraming niluto ngayon si Jin hyung kaya kumain ka lang ng marami!"

Yes.

Nandito ako sa pinaka-worst na lugar na pwede kong mapuntahan sa tanang buhay ko.

At yun ay sa harapan ng dalawang ito.

While looking at them ay pinagsisihan ko kaagad na nagpahuli ako sa hapag-kainan.

Wala naman talaga akong balak na lumabas ng kwarto ko ngayon at panuorin ang lampungan nila pero wala na akong nagawa nang guyurin ako palabas ni Jin hyung palabas ng kwarto ko kanina. At halos itali nya ako gamit ang mga masasamang titig nya na yun sa upuan na kinauupuan ko ngayon.

Kaya ang ending ay dito ako napaupo sa harapan nilang dalawa.

At kahit anong pilit kong ilayo ang mga mata ko mula sa magandang babaing yun ay hindi ko parin maiwasang mapatitig sa kanya. Nakakagago. Ang sarap itapon ng mesang kaharap namin ngayon.

"Naku, pasensya na po talaga. Nag-abala pa po kayo" ang nakangiting sabi nya kay Jin hyung.

Agad namang ngumiti sa kanya si Jin hyung na noon ay naglalagay parin ng mga pagkain na niluto nya sa mesa na kaharap namin.

"Aish, wag mo ng isipin yun" ang masayang sabi ni Jin hyung. "Minsan lang kami magkaroon ng bisita kaya excited talaga ako sa paghahanda ng mga pagkain. Kumain ka lang ng marami"

Napatingin nalang ako sa dami ng mga pagkain na niluto nya. Punong-puno na ang mesa na kaharap namin na halos wala ng space para sa mga plato na gagamitin namin.

I smirk.

"Ano ba 'to ha? Fiesta?"

Instantly, I received that deadly glare from him.

"Behave Yoongi" he warned saka nya nakangiting nilingon uli ang babaing yun. "Don't mind him. Kumain ka lang ng kumain ha? May dessert pa akong idadagdag dito mamaya"

Agad namang kuminang ang mga mata ni Taehyung matapos marinig yun.

"WAAAAAAAAHHH...! TALAGA HYUNG?!" ang hyper na tanong nya mula sa tabi ko. "HINDI BA PWEDENG DESSERT MUNA ANG UNANG KAININ NATIN NGAYON HA?!" *0*

But Jin hyung just glared at him.

"Wala ka ng parte doon dahil inubos mo ang raisins" he said.

Agad namang nawala ang ngiti sa labi nya at napalitan yun ng usual na blangkong mukha nya.

"Okay lang" he said then shrug. "Nanakawin ko nalang mamaya ang dessert nina maknae at Jiminie babo. Wahehehehe...!"

Pero hindi na sya pinansin ni Jin hyung at nilingon nalang uli ang babaing yun.

"Pagpasensyahan mo na ang mga batang ito ha" ang nakangiting sabi nya. "Minsan sa sobrang kakulitan nila ay parang gusto ko silang ipasok sa drum at ihulog sa han river"

She just gave her usual sweet smile at nagsalita.

"Okay lang naman po" she said. "Atsaka mukhang masaya naman po dito sa dorm nyo eh"

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now