Music #48

1.7K 121 177
                                    

Yoongi's Music
Music #48

Sujin's POV:

Aissssh...nakakainis naman eh!

Nasaan na kaya si Suga oppa? Aish! Lagot talaga sya sa akin kapag nagkita kami uli! Talagang makakatikim sya sa akin dahil hindi nya ako sinipot kagabi! Esh, excited pa naman akong makita sya! Aish!

Naka-pout lang ako habang nakapatong ang ulo ko sa mesa na nasa kusina noong umagang iyon. Ang aga-aga pero naaasar na ako dahil hindi ako sinipot ni oppa kagabi. Dagdag pa na hanggang ngayon ay hindi parin sya nagpaparamdam sa akin.

Napahinga nalang ako ng malalim at napatingin sa cellphone ko na ipinatong ko sa harapan ko para makita ko kaagad kapag tatawag na sya.

Hayy...Suga oppa, nasaan ka na ba ha?

Nasa ganoon akong posisyon nang biglang pumasok si Hani unnie sa loob ng kusina.

"Good morning" she greeted saka sya dumiretso sa ref.

"Good morning din unnie" ang malungkot at walang kabuhay-buhay na sagot ko habang nakapatong parin ang ulo ko sa mesa.

Nakita kong kumuha sya ng tubig mula doon at humarap sa akin.

"O? Hindi parin ba sya tumatawag?"

Oo. Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko na napigilang maglabas ng sama ng loob sa ibang ka-myembro ko kagabi. Nakakainis naman kasi eh. Excited pa naman sana ako sa date namin pero hindi nya ako sinipot.

Naiiyak lang ako na napailing mula sa pagkakapatong ng ulo ko sa mesa.

I heard her sigh kaya napatingin ako sa kanya.

"Aish...boys" she said sarcastically. "Don't tell me na kagaya din ng ibang lalaki ang boyfriend mo?"

Napakurap naman ako mula sa kinauupuan ko at nagtatakang napatitig sa kanya.

"Ano naman ang ibig mong sabihin doon unnie?"

Nangingiti nalang nalang nyang naibaba ang baso na hawak nya sa lababo na katabi nya at naiiling na napalingon sa akin. Then she crossed her arms and with a smirk on her face, she turned to me.

"Don't tell me..." she started and what she said next stunned me. "...na may ibang babae ang boyfriend mo at maaaring magkasama sila ngayon?"

Hindi ako makapagsalita.

Just by hearing that thing ay bigla nalang ay pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas na magsalita.

Anong...

Anong sabi nya?

May...

May babae si Suga oppa?

Pero mabilis parin akong naka-recover at mabilis na napatayo mula sa kinauupuan ko. Muntik pang matumba ang silya na inupuan ko ng dahil sa lakas ng pagtayo ko.

Hindi ko lang matanggap ang bagay na sinabi nya tungkol sa boyfriend ko.

Saka ako seryoso na lumingon sa kanya.

"Yah unnie..." ang seryosong simula ko. "...hindi magagawa ng boyfriend ko yun! Mahal nya ako kaya wag kang magsalita ng masama tungkol sa kanya!"

Nakita ko naman na napakurap sya mula sa kinatatayuan nya at mukhang nabigla din sya sa biglang pag-seryoso ko.

Yes. I know.

Minsan lang akong mag-seryoso pero sa minsan na yun ay talagang natatahimik sila.

But how could she say something so ridiculous like that?

How can my boyfriend cheat on me?

He loves me. I know that. At wala akong pakikinggan na iba kundi sya lang. Wala akong paniniwalaan na iba kundi sya lang.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now