Music #67

640 43 43
                                    

AN: Red Velvet Joy as Kang Jana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AN: Red Velvet Joy as Kang Jana



Yoongi's Music

Music #67



Sujin's POV:


Hindi ako makapaniwala.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

How could everything end like this?

Matapos akong umalis mula sa hospital ay hindi ko na matandaan kung paano pa ba ako napunta dito. Basta't natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatulala at umiiyak na nakaupo sa sala ng apartment ni Jana unnie. Siguro dahil sa wala akong mapuntahan kaya sa apartment nya ako napunta.

Gusto ko sanang tawagan si Suga oppa para magpaliwanag pero ang sabi ni Jimin oppa ay mas mabuting hayaan ko muna sya sa mga oras na ito.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa sobrang galit nakabaha sa mukha ni Suga oppa habang ipinagtatabuyan ako.

But why?

Why does he care so much for that bitch?

Why does it have to be always her?

Pakiramdam ko ay punong-puno ng sakit ang dibdib ko habang mag-isa parin akong umiiyak doon. Kanina ko parin hinihintay si Jana unnie para humingi ng tulong sa kanya. Gusto kong humingi ng tulong kung paano ko ba maibabalik ang loob sa akin ni Suga oppa.

It's her own idea anyway to send those pictures and hospital documents to the media.

Ang sabi nya ay kapag ginawa ko yun ay mandidiri na sa kanya si Suga oppa at mamahalin na nya ako ng buo.

Pero bakit?

Bakit ganito ang nangyari?

I've never saw Suga oppa to be that mad.

At ngayon ay hindi ko na alam kung paano ko pa ba sya maibabalik sa akin.

Umiiyak lang ako doon ng mag-isa nang bigla kong mapansin ang brown envelope na iyon na nakapatong sa mesa.

Huh?

Bahagyang nakabukas yun at nakita ko na nakalabas pa ang ibang bahagi ng papel.

But something caught my attention.

Parang may pictures na nakaipit sa papel na nasa loob nun.

Out of curiosity ay kinuha ko ang envelope na yun at tinignan ang laman.

Pero hindi ko inaasahan ang mga makikita at malalaman ko sa araw na iyon na tuluyang nagpagunaw ng mundo ko.


Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now