Music #52

2.2K 106 146
                                    

AN: Hello! Gusto ko sanang magdedicate pero walang dedication button sa app ko..Huhu mianhe~saka nalang kapag nakahawak na ako uli ng laptop. Kamsahmnida~♡♡♡

Yoongi's MusicMusic #52

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yoongi's Music
Music #52

5 years ago...

J-hope's POV:

"Waaaaaaaaaaahhh...!!!" ang tili ko habang binubuhusan ng alcohol ang sugat na nasa tuhod ko. "Aray ko! Aray ko! AAAAAAHHH...!"

Doon naman ako biglang sinapak ni Jaehyun, ang kaibigan ko na kasama ko ngayon dito sa hospital.

"Gago! Galos lang yan pero kung makatili ka pare para kang manganganak!" ang asar nyang sigaw sa akin.

Naiiyak naman akong napatingin sa kanya.

"Eh kung ikaw kaya ang masugatan at buhusan ng alcohol ha?! Gusto mong ma-try?!" ang naiiyak ko na talagang sigaw. Ang sakit-sakit kaya. Ang gagong 'to.

Oo. Nandito kami ngayon ng kaibigan ko sa hospital dahil pina-dressing ko ang tuhod ko na nasugatan mula sa dance practice namin kanina.

Matapos kasi ang audition namin sa Seoul ay bumalik din kami kaagad dito sa Daegu para magbakasyon.

Pero kanina ay nagkayayaan kaming mag-practice kaya ang ending ay nasugatan ko ang tuhod ko. At ngayon ay nandito kami sa Emergency Room ng hospital.

Aish, kailangan ko muna sigurong ipahinga ang katawan ko. Ang hirap lang kasing lumayo mula sa pagsasayaw. It's my passion afterall.

"Aish! Ang bading mo talaga dude!" ang sigaw nya.

Agad ko namang kinuha ang form na hindi ko pa tapos fill-upan at yun ang pinangpapalo ko sa mukha nya.

"Sinong bading ha?" ang asar na sabi ko habang pinapalo parin sya sa mukha. "Yah! Gusto mo ng mamatay ha? Gusto mo ng mamatay?"

Natatawa naman syang lumayo mula sa akin at natatawa ko narin syang binato ng papel na hawak ko.

And we were just playfully laughing nang bigla nalang namin narinig ang biglang pagdating ng maingay na ambulansya mula sa labas.

At bago pa man kami maka-react ay bigla nalang bumukas ang pinto at mabilis na itinakbo papasok ang stretcher na may sakay na tao.

My brows met.

Ano kaya ang nangyayari?

At sino yang itinakbo nila dito?

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now