Music #33

1.8K 117 107
                                    

AN: Twice's Dahyun as Sujin at the top. Hihi. Vote or comment lang ha? Thank you for reading! XD



Yoongi's Music

Music #33



Suga's POV:



I don't have time for this.

Oo, alam kong malaki ang eskandalong kinasasangkutan naming dalawa ngayon pero ayoko munang isipin yun lalo na't magulo pa ang utak ko.

Kaya hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad sa hallway na iyon.

"Yah!" ang biglang lingon nya sa akin. "Ganyan ba dapat ang pagtrato mo sa girlfriend mo ha?!"

That stopped me from walking.

Wala talaga ako sa mood na makipag-usap sa kanya ngayon pero hindi ko ata mapapalampas ang pag-trato nyang iyon sa akin.

Kaya nilingon ko sya at hindi makapaniwalang napatitig sa nakataas na kilay nya.

"Anong sabi mo?" ang medyo napipikon kong tanong. "Yah? Did you just 'Yah' me?!"

Yes.

I had enough bullshits from Yuseon. And I can't take another bullshit right now. Pakiramdam ko ay isa-isang binabasag ng mga babaing ito ang mahabang linya ng jars of patience ko.

Pero nag-cross arms lang sya at mabilis na nag-marcha palapit sa akin.

At napaatras pa ako at napakurap nang ilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Eh ano naman ngayon?" she said sarcastically. "Girlfriend mo ako kaya may karapatan akong i-'yah' ka"

Hindi ko mapigilang mapaawang ng bibig nang dahil sa sinabi nya.

Saka ako hindi makapaniwalang napatitig sa nakakapikon nyang mukha.

"Yah!" ang pikon kong sigaw sa mukha nya. "Hindi mo ba nakikilala kung sino ako ha?!"

But she just raised a brow.

"Oo, kilala kita" she said at ngayon ay salubong-kilay na syang nagsalita. "Ikaw lang naman ang walang modong lalaking nagnakaw ng first kiss ko kagabi kaya panagutan mo ako---hmp!"

Agad ko ng tinakpan ang bibig nya dahil naririnig na kami ng mga taong dumadaan sa hallway na iyon.

"Hmmmp! Hmmmp!" ang pagwawala nya pero agad ko na syang hinila paalis sa maraming taong nakatingin na sa amin ngayon.

Hinila ko sya hanggang sa dulo ng walang katao-taong hallway na iyon at agad syang itinulak sa pader na nanduon.

"Yah!" ang naisigaw nya.

Pero agad ko na syang nilingon at hindi makapaniwalang nagsalita.

"Yah?" ang ulit ko sa sinabi nya. "Yan ba talaga ang itinuturo sa inyo ng agency na ito ha? At yun ay ang kung paano ninyo i-disrespect ang mga sunbae ninyo?!"

Pero naningkit lang ang mga mata nya sa sinabi ko at napaawang pa sya ng bibig.

"Hah!" she said sarcastically. "Sorry sunbae-nim~~nakalimutan ko nga pala na sunbae-nim pala ang nakita ko na lasing kagabi at nagnakaw pa ng first kiss ko~~sorry sunbae-nim~~nakakahiya naman po pala sa inyo---"

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now