Music #18

1.7K 110 29
                                    

Yoongi's Music

Music #18



Yuseon's POV:



"Hayy...excited na talaga ako para sa audition" ang nakangiting sabi nya sa harapan ko gamit ang usual na inaantok na boses nya. "Sa tingin mo Music, makakapasa kaya ako?"

Nasa isang coffee shop kami ngayon dahil dito nya ako niyayang pumunta matapos ang klase namin noong hapung iyon.

At katulad ng mga nakalipas na araw ay wala syang ibang bukambibig kundi ang nalalapit na audition nya sa isang agency sa Seoul.

At katulad din ng dati, sa tuwing binabanggit nya ang audition na yun ay may bahagi sa dibdib ko ang humahapdi.

Pero nagtaas parin ako ng mukha at nakangiting nagsalita.

"Oo naman..." ang sagot. "Magaling ka kaya alam kong makakapasa ka"

He gave me that sweet smile.

"Hayyy..." he sigh saka nya ipinatong ang mukha nya sa kamay nya at nakangiting tinitigan ako.

His eyes is sparkling with the beautiful rays of the orange sunset at nakadagdag yun sa kakaibang emosyon na nakikita ko sa mga mata nya sa tuwing tinititigan nya ako.

At sa tuwing ginagawa nya yun ay hindi ko maiwasang mamula.

Pero bago pa man ako maka-react ay nagsalita na sya habang nakatitig parin sya sa akin.

"Alam mo bang sa tuwing tinititigan kita...ay ang daming lyrics na pumapasok sa utak ko?" he said. "At sa sobrang dami nun, hindi ko na alam kung paano pa sila pagdudugtungin para gumawa ng isang kanta"

I felt my cheeks burning.

"Music..." he called me again while his beautiful eyes are staring at me. "...ano bang inilagay mo sa pagkain ko at sobrang mahal kita ha? Siguro ginayuma mo ako noh? Feeling ko scam lang ang lahat ng ito eh. Umamin ka"

Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa sinabi nya.

"Ambisyoso" ang nakangiting sabi ko saka ko kinurot ang ilong nya.

"Aray! Aray!" ang sigaw nya.

"Hindi ka ganun kagwapo para gayumahin ko"

"Music! Ang ilong ko! Aaaah!"

Doon ko na binitiwan ang ilong nya at agad naman syang humarap sa akin.

"Yah!" ang nakangiting sigaw nya. "Ano bang klaseng girlfriend ka ha? Bakit mo sinasaktan? Gusto mo ba akong patayin ha?"

"Psh. Parang namang nakakapatay ang pagkurot sa ilong"

"Yah! Paano pag nagka-nose cancer ako ha?"

I rolled my eyes.

"Ang kulit mo" ang nakangiting sabi ko.

"Ang ganda mo" he said almost whispering.

Agad akong namula pero nag-iwas nalang ako ng tingin.

Tamang-tama naman na dumating na ang inorder naming kape.

Ibinaba na yun ng waiter sa harapan namin at nagpasalamat naman kami.

"Caramel macchiato na naman ba ang inorder ng Music ko?" ang nakangiting sabi nya habang tinitignan ang kape ko. "Hayyy...minsan pakiramdam ko ay mas mahal mo pa ang kape na yan kesa sa akin"

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now