Music #34

1.3K 90 51
                                    

Yoongi's Music

Music #34



[TRENDING] BTS Suga and Black Muses Sujin was caught on a date for the very first time.


Two weeks.

Two weeks akong hindi pinalabas ng manager namin nang dahil sa laki ng issue na yan.

I was forcefully grounded for two weeks at wala akong ibang magawa kundi ang magkulong sa kwarto ko at tumunganga sa kama ko.

Puta.

Kasalanan 'to ng Sujin na yun eh. Nagatungan lang ang mainit na issue na yun nang dahil sa may nanguha ng pictures namin na magkasama noong araw na yun at idagdag pa na maraming nakakita sa amin. Bwisit.

Napatingin nalang ako sa cellphone ko at nagbukas ng facebook.

At mukhang hanggang ngayon ay hindi parin mamatay-matay ang issue na yun. Napabuntong-hininga nalang ako nang makita ang mga nagkalat na pictures na yun sa SNS na magkaharap kami sa coffee shop at magkasama pa kaming namimili sa loob ng boutique shop.

How can netizens be so stupid?

Paano ba sila napapaniwala na nagdi-date nga kami by just looking at those pictures? Ang sarap ipakain sa kanila ang mga pictures na yun para manahimik na sila.

Napahinga nalang ako ng malalim habang nakaupo sa harapan ng malaking salamin na nasa loob ng private room ng Music show na iyon. Habang busy naman ang lahat ng tao sa paligid ko sa pag-aayos at paghahanda sa akin sa isang show na aattenan ko.

Yes. After two boring weeks ay pinayagan narin akong lumabas ng manager namin dahil na-invite ako bilang isang judge sa isang Rap Contest na ipapalabas sa TV.

"Aish" ang naiinis ko nalang na naibuntong-hininga habang nagbabasa ng mga comments sa site na yun sa facebook.


"They look good together"

"Noooo...!!! SUGA OPPA IS MINE!!!!"

"Suga is too good for her. Tbh"


Pero ito ang pinaka-hindi ko ma-take sa lahat...


"They could make lots of beautiful babies together"


Puta.

Paano naman ako magkakaroon ng baby sa ugaling tuko na babaing yun? Kung makakapit yun sa akin ay parang wala ng bukas eh. Kayo nalang ang pumatol sa brat na iyon. Sa inyo na. Lamunin nyo.

Pero natigilan ako nang makita ko ang isang username na nandoon...


Park Sunny: Suga oppa is so handsome in this pic.


Hindi ko mapigilang mapangiti.

Puta.

Kahit na alam kong username lang iyon at maaaring isang fan ko lang ang gumagamit ng account na yun ay hindi ko parin mapigilang kiligin.

Pero come to think of it, nasaan na kaya sya?

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now