Music #40

1.7K 119 149
                                    

Yoongi's Music

Music #40



Suga's POV


I was right.

Matapos mangyari ang bagay na iyon sa aming dalawa ni Sujin ay kaagad ko ding pinagsisihan yun. I feel like I'm the worst person in the world for doing that to her.

Fuck.

Hinalikan ko lang naman sya dahil nasasaktan ako.

And what kind of a reason is that? Diba dapat hinahalikan mo ang isang tao dahil mahal mo sya? Pero ano yung halik na yun? Kagaguhan?

But either way, she doesn't deserve this.

She doesn't deserve to be treated like an option by me. Fuck, we are not even friends to begin with. And it is just so wrong.

Kaya heto ako ngayon at parang gago na mag-isang naghihintay sa kanya sa may dulo ng daanan na iyon. Nang makita ko sya kanina na papunta sa direksyon ko ay agad na akong nagtago. Maybe because nahihiya ako sa ginawa ko at isa pa ay alam kong hindi ako magiging komportable na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit nandoon ako sa lugar na iyon.

Nakasuot ako ng mask at sombrero para hindi ako makilala ng mga taong dumadaan sa daanan na iyon.

At ilang minuto nga ay nakita ko na syang naglalakad pabalik sa daanan na iyon.

She looked so sad habang tahimik na naglalakad.

Teka, pinuntahan nya rin ba si Sunny?

Nakikita kong napapahugot pa sya ng malalim na paghinga na para bang ang lalim ng iniisip nya.

And while looking at her cute face right now ay hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong napapangiti.

She's just too cute that it's hard to keep a normal face while looking at her.

Agad akong umalis sa tabi ng daanan na iyon na pinagtataguan ko at tumayo sa harapan nya.

Natigil naman sya sa paglalakad nang mapansin nyang may nakatayo sa harapan nya at dahan-dahan na nagtaas ng mukha.

At inihahanda ko na ang sarili ko sa susunod nyang gagawin kapag nakita nya ako.

Ready na akong masampal o mamura.

I think I deserve that kind of treatment for being such an ass.

Pero...

"Oppa!" ang masayang sigaw nya saka sya napangiti ng napakalaki.

I blink.

Teka, hindi yun ang ini-expect ko.

Paano pa nya nagagawang ngumiti sa akin matapos ang lahat ng kagaguhan na nagawa ko sa kanya?

Hindi ako makapagsalita.

Nanatili lang akong nakatitig sa masayang mukha nya at dahil doon kaya mas nadadagdagan ang guilt na nararamdaman ko sa dibdib ko.

How can she smile at me like this? I was expecting na sasaktan nya ako at mumurahin dahil ginamit ko sya.

Nahihiya ako. At sa totoo lang ay nakakaramdam narin ako ng awkwardness sa dibdib ko habang nakangiti parin sya sa akin.

Shit. I'm not ready for this.

Mukhang napansin naman nya ang pananahimik ko at ang pag-iwas ko ng tingin sa kanya. And just in a snap of a finger ay mukhang na-realize narin nya kung bakit.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now