Music #46

1.2K 96 43
                                    

AN: Another fanvid was made by Chae-sa for Yoongi's Music. Omo. Na-touch talaga ako sa fanvid na 'to lalong-lalo na sa ending. Thank you talaga girl for the great effort na ginagawa mo para sa mga stories ko. Ini-upload ko narin 'to sa intro para makita din ng mga bagong readers. Thank you din sa ibang nagbibigay ng mga artworks nila para sa mga stories ko. Really. Sobrang napapasaya nyo ako sa mga efforts ninyo. Thank you talaga sa support. Sa lahat ng readers at sa lahat ng mga loyal supporters ng mga stories ko. Maraming-maraming salamat po talaga. I hope maging friends tayong lahat.Parang naiiyak ako sa sobrang saya. Sobrang napapasaya nyo ako. Thank you talaga and God bless you all. Mwa mwa.


Yoongi's Music

Music #46



Suga's POV:



"Oh? Neh?" ang sagot ko sa phone ko habang katawagan ko si Sujin. "Wait for me kitten, susunduin kita sa practice room ninyo then we could have dinner together"

Nandito ako ngayon sa agency nila dahil susunduin ko sya para sa dinner date namin ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung bakit kahit gabing-gabi na ay nagpa-practice parin sila. God, mas malala pa ata sila sa amin eh. Pero hindi ko sila masisisi. They were just rookies so they have to work harder.

Lumabas na ako ng kotse ko at mabilis na nagtuloy-tuloy papasok ng agency nila.

"O sige na, papasok na ako ng elevator kaya hintayin mo ako dyan okay?" ang nakangiting sagot ko pa habang papasok na ng elevator.

At nang makapasok ako ay agad ko ng pinindot ang floor kung nasaan ang practice room nila.

"Neh! Maliligo lang ako oppa at pagkatapos ay mag-date na tayo okay?" ang excited na sabi nya sa kabilang linya.

And by just hearing her excited voice ay hindi ko mapigilang mapangiti.

"Neh, basta bilisan mo lang okay? Don't make oppa wait that long" ang nakangiting sagot ko.

"Neh oppa. I love you! Bye!" ang excited na sabi nya.

I smiled.

"As I love you, bye" ang sagot ko lang at doon na nga nya ibinaba ang phone.

Kaya napahinga nalang ako ng malalim at nangingiting inayos ang polo ko. We have a plan to eat dinner tonight at plano ko syang dalhin sa isang mamahaling restaurant.

Ngayon lang kami uli nagkaroon ng chance na mag-date na katulad nito kaya hindi ko na palalampasin pa ang chance na ma-treat sya ng dinner sa labas. I want this date to be special. When I started dating her ay wala na syang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako so she deserve this kind of date.

She deserves to be treated special.

Nang bumukas ang elevator ay agad na akong lumabas at dali-daling naglakad sa hallway na iyon.

Pero agad din akong natigil nang may bigla akong naalala.

Shit.

Naiwan ko ang mga red roses na binili ko para sa kanya sa loob ng kotse ko. Urgh.

Kaya asar na asar akong tumalikod at naglakad pabalik ng elevator. Tinatamad na akong bumalik pero gusto ko talagang ibigay yun sa kanya paglabas nya ng practice room nila. I don't do romantic things. But I don't mind enduring a little bit just for her happiness.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now