Music #14

1.6K 135 79
                                    

Yoongi's Music

Music #14



"Yuseon-ah! Okay ka lang ba anak? May nangyari ba sa school ninyo?"

Yan ang naririnig kong katok ni Tita sa pinto ng kwarto ko habang nakaupo lang ako sa sahig sa loob ng kwarto ko.

Basta't pagkatapos naming mag-usap kanina ni Jana ay sumakay na ako ng bus at umuwi na ng bahay. At pagkarating ko ng bahay ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko at ini-lock ang sarili ko. Ini-off ko rin ang cellphone ko para hindi ako matawagan ni Yoongi. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko syang kausapin.

Madilim din ang buong kwarto ko dahil hindi ko binuksan ang ilaw. Dahilan para mas mag-alala si Tita na nasa labas.

"Yah, kausapin mo naman ang tita mo. May nangyari ba sa school ninyo ha kaya hindi mo ako kinakausap ngayon?" ang nag-aalalang katok parin nya.

I didn't respond.

Niyakap ko nalang ang mga binti ko at napasubsob ng mukha doon.

Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba ako nasasaktan?

Bakit ba ako nalulungkot?

Bakit ko ba nararamdaman ang lahat ng ito matapos sabihin ni Jana na magkakabalikan na sila ni Yoongi? Ano naman yun sa akin kung magkakabalikan na sila? Afterall ay kaibigan lang ako ni Yoongi para maramdaman ang lahat ng ito...

"Aigoo...this kid...arasseo, basta mamaya kausapin mo ako okay? Aigoo..." she gave up. At doon ko narinig ang mga papalayong yabag ng mga paa nya.

Samantalang mas hinigpitan ko nalang ang pagyakap sa mga binti ko.

Sobrang hapdi ng dibdib ko ngayon at hindi ko rin alam kung bakit...

"Yuseon-ah!"

Nabigla ako nang biglang bumalik si Tita at kumatok uli sa pinto ko.

"Yuseon-ah, may naghahanap sayo sa labas. Ang sabi nya kaibigan mo daw sya" ang sabi nya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Oo...

Sino pa ba ang nag-iisang kaibigan ko sa buong mundo?

At teka...kung totoo ngang sya ang nasa labas ay bakit sya nagpunta sa bahay namin?

At paano nya nalaman kung saan ako nakatira?

"Yuseon-ah..." ang katok parin ni Tita sa pinto. "Ano? Sasabihin ko bang bukas ka nalang kausapin dahil gabi na?"

Pero doon na ako mabilis na napatayo mula sa sahig at mabilis na sumagot.

"H-hindi tita! K-kakausapin ko sya!" ang parang natataranta ko pang sagot at binuksan ko ang pinto.

And without looking at her ay mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan papunta sa sala.

Narinig ko pa ang sinabi nya.

"Aigoo...this kid really..." all she could say.

Hindi ko rin alam.

Pero excited akong makita sya kahit na may bahagi sa akin ang ayaw syang makita ngayon nang dahil sa mga nalaman ko.

Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng bahay at patakbo pang lumabas ng bahay.

At nang makarating ako sa gate ay doon na ako napatigil sa pagtakbo at hinihingal na napatayo mula sa kinatatayuan ko.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now