Music #30

1.6K 98 61
                                    

Yoongi's Music

Music #30



I hate you Park Yuseon.

I hate you.

I hate you.

I hate you.

Hindi na kita mahal.

Hindi na kita mahal.

Hindi na kita mahal.

Yan lang ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang mag-isa akong nakaupo sa maliit na mesa na iyon at kaharap ang limang bote ng soju na naubos ko na.

Itinatanong nyo siguro kung nasaan ako ngayon. Nasa isang tent lang naman ako ng inuman na nasa gilid ng may kalsada at nilulunod ang sarili ko sa alak. Itinaas ko ang hood ng jacket ko para hindi ako makilala ng mga taong nasa paligid ko.

Huh.

Sigurado akong magpi-pyesta ang mga tao ng Koreaboo, Allkpop, Soompi, at ng ibang kpop news site kapag nalaman nilang naglalasing ngayon ang isang Suga ng BTS.

But I don't give a damn anymore.

Right now, wala na akong pakialam sa masisira kong reputasyon.

All that I'm feeling right now is the so much pain and hatred that I'm feeling towards that stupid girl.

Ang sabi nila, kapag uminom ka ng alak ay makakalimutan mo ang lahat.

Pero puta.

Sino ba ang nagsabi nyan ha at papatayin ko na ngayon na mismo.

Dahil nakalimang bote na ako pero hindi ko parin makalimutan ang mukha ng babaing yun habang sinasabi nya sa akin na ako na ang pinaka-nakakasukang tao sa buong mundo.

Hindi ko parin makalimutan kung gaano sya kasaya habang kasama ang kaibigan ko.

"Ahjummah!" ang medyo nahihilo ko ng tawag sa babaing nagbabantay. "Limang soju pa nga dito!"

Saka ko tinungga ang maliit na basong hawak ko habang nakasabunot sa buhok ko.

Puta. Limang bote na ang nauubos ko pero hindi parin ako nalalasing.

Gusto ko ng malasing para makatulog na ako at makalimutan ko na ang lahat ng kagaguhan na ito. I know that if I go home right now, there is no way that I can go to sleep. Lalo na't maaalala ko lang ang lahat ng mga pinagsasabi ng babaing iyon.

"Para sa akin...ay hindi kinakaya ng sikmura ko at nasusuka ako sa tuwing nakikita kita"

It keeps on resounding into my head na para bang gusto ko nalang iuntog ang ulo ko sa semento para makalimutan ko na iyon.

Agad namang dumating ang order ko at ibinaba na ng babae ang limang bote na yun sa harapan ko.

"Ang time na nakilala kita noon...ang buong existence mo...ang buong oras na sinayang ko sayo...sa tuwing naaalala ko ang lahat ng yun ay bumabaliktad ang sikmura ko at hindi ko kinakaya at nasusuka ako."

Kinuha ko ang unang bote at nahihilong ibinuhos yun sa kaharap kong baso. Sa sobrang pagkahilo ko ay nabubuhos na ito sa mesa. Saka ko pinulot yun at mabilis na tinungga.

"Huh" I smirk at parang tangang dinuro ang kaharap kong bote. "Bakit? Ikaw lang ba ang nasusuka sa akin ha?"

Saka ako parang tangang tumawa ng mag-isa doon at napatingin uli sa boteng kaharap ko.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now