Music #53

1.4K 91 79
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Yoongi's Music

Music #53



Park Yuseon's POV:

5 years ago...


Walang nagsasalita sa aming dalawa habang tahimik lang kaming nakaupo sa mesa na kinauupuan naming dalawa. Ramdam ko na ang pagsisimulang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko pero pinigil ko ang sarili ko. Nanginginig din ang mga kamay ko sa ilalam ng mesa pero hindi ako nagpatalo sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Oo, tanggap ko sa sarili ko na mahina ako.

Pero hindi.

Hindi ko matatanggap na may babae si Yoongi.

Hindi ko matatanggap na ng dahil sa babaing ito kaya nasasaktan ako ngayon.

Hindi ko matatanggap na ng dahil sa babaing ito kaya masisira ang relasyon naming dalawa.

Yoongi is the only one I've got.

Sya lang ang meron ako.

Wala akong ina.

Wala akong ama.

Wala akong pamilya.

Wala akong kaibigan.

Pero mayroon akong isang Yoongi.

Mayroon akong nag-iisang Yoongi at para sa akin ay as long as mayroon sya ay kakayanin ko. Kakayanin ko paring huminga knowing that I have him.

Kaya ngayon ay natagpuan ko ang sarili ko na nanginginig at nagtitimpi na nakatitig sa mukha ng babaing nakita kong kahalikan nya sa isang restaurant kanina. I can feel the tears that slowly building into my eyes as I looked at her pero pinipigil ko ang sarili ko.

Oo, nang dahil sa hindi ko matanggap ang lahat ng ito ay natagpuan ko ang sarili ko na sinugod ang bar na ito kung saan narinig ko na laging nagpupunta si Jana. At ngayon ay pareho kaming nakatitig sa isa't isa habang hindi parin natatanggal ang pang-uuyam na nakaguhit sa labi nya.

Kailangan ko lang liwanagin ang lahat.

"I-ikaw ba ang nagpadala ng text sa akin?" ang sambit ko at napalunok nalang ako para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

She raised a brow habang nakahawak parin sya sa baso ng alak na hawak nya.

And with just a sarcastic smirk, she just looked at me and answered.

"Eh ano ngayon?"

Nararamdaman ko na ang paghapdi ng sulok ng mga mata ko pero pinigil ko parin ang sarili ko.

"Ah" she suddenly said then looked at me. "Alam mo bang balak ng pumunta ni Yoongi sa Seoul bukas?"

Agad akong napataas ng tingin at nanlalamig na napatitig sa mukha nya.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now