Music #16

2K 119 106
                                    

Yoongi's Music

Music #16




Present time...


Suga's POV:



"TAEHYUNG!!!! SUMMER!!!" ang galit na galit na sigaw ko saka ako lumabas ng kwarto ko papunta ng may sala. "KAYO NA NAMAN BANG DALAWA ANG NAG-DRAWING NG SPONGEBOB SA MUSIC SHEETS KO HA?! AISH! THIS KIDS REALLY! AISSSSHH...!"

At doon ko narinig ang hagikgikan na iyon sa likuran ng sofa.

"Hihihihihi...! Oppa! Baka makita tayo ni Suga oppa dito! Hihihihi!" ang narinig kong hagikgik ni Summer.

Oo, nag-effort pa silang magtago eh rinig na rinig ko naman silang dalawa mula dito sa kinatatayuan ko. -___-

"Hihihihi! Wag kang mag-alala Summer, sigurado ako na hindi nya malalaman na nandito tayo" si Taehyung naman at tinawag pa ako. "Diba Suga hyung?! Diba wala kang ide-ideya na nagtatago kami ngayon ni Summer sa likuran ng sofa?! Hihihihi!"

"Oo nga Suga oppa!" si Summer naman. "Wala kami dito sa likuran ng sofa! Kanina pa kami nakalabas ni Taehyung oppa sa apartment at kumakain kami ngayon ng ice cream sa labas! Hihihihihi!"

Tang-ina.

Nakakagago talaga kapag itong dalawang alien na naman na ito ang nagsama sa apartment.

Idagdag pa na...

"Sugarcoatedcakeicecreamsweetvanillapie bebe ko! Mag-date naman tayo ngayon sa labas! Mamaya mo na kunan ng pictures si Jin hyung!" ang sigaw ni Jimin na paparating galing kusina kasama ang girlfriend na si Cheska.

Pero hindi sya nilingon ng girlfriend at nanatili lang itong nakatingin sa Polaroid camera na bitbit nito.

"Manahimik ka" si Cheska gamit ang usual na walang emosyon na boses nya. "Mabenta ang pictures ni Jin oppa kaya kailangan kong makakuha ng marami ngayon"

"Teka! Cheska sugarcoatedcakeicecreamsweetvanillapie bebe ko! Bakit tinatawag mo syang oppa ha pero ako hindi mo ako tinatawag ng ganun?! Yah! Sino ba ang boyfriend mo sa aming dalawa ha?!" si Jimin na nakabuntot parin.

At mukhang hindi na nila ako napansin at sabay na silang pumasok sa kwarto ni Jin.

Pero narinig ko pa ang isinagot ni Cheska.

"Dahil mas gwapo si Jin oppa kesa sayo"

"Aissh! This girl really! Aish! Mas gwapo nga ako sa baklang hyung na yun eh! Mas macho pa ako!" ang iyak naman ni Jimin at doon na nila isinara ang pinto.

Tang-ina.

Nakakasakit na ng ulo ang apartment na 'to.

At akala ko ay matatapos na ang kalbaryo ko sa mga nakakadiring mga eksenang ito ay...

"So anong gustong kainin ng sarang ko ngayon ha? Gusto mo bang lutuan ka ni oppa ng masarap na pagkain ngayon ha?" ang narinig kong tanong ni Jungkook sa girlfriend nyang si Snow sa may kusina.

Bwiset.

Sa kanilang tatlo ay ang pares na ito ang hindi ko kinakaya sa sobrang ka-sweetan.

"Ah eh...kahit ano..." ang narinig ko namang tipid na sagot ni Snow.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now