Music #44

1.6K 119 166
                                    

AN: Ang cute-cute ni J-hope oppa sa pic na nasa itaas. Imagine waking up in the morning and seeing his face, OH MY GOD...MY HEART IS...! XD



Yoongi's Music

Music #44



Close na ang clinic ng hotel at malayo pa ang hospital mula dito kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang dalhin sya sa loob ng hotel room nya.

Mabuti nalang at may dalang first aid kit si Sujin at nakinig ako sa first aid training na mayroon kami noong highschool.

Nakaupo sya ngayon sa kama nya habang nakaupo naman ako sa sofa na nasa harapan nya at nakapatong sa hita ko ang mga binti nya. May mga sugat sa tuhod at sa binti nya pero mabuti nalang at hindi naman malalim ang mga yun.

I started cleaning her wounds habang nakatingin lang sa amin si Sujin mula sa tabi.

Pero ngayon ko lang naalala.

Agad akong nagtaas ng mukha at napatingin kay Sujin.

"Kitten, pwede mo bang puntahan si J-hope oppa mo sa kwarto namin para ipaalam ang nangyari sa kanya?"

Nakita kong napakurap sya pero agad din syang napangiti at nakangiting nagsalita.

"N-neh!" ang masayang sabi nya saka sya mabilis na tumalikod at tumakbo paalis.

Kaya ngayon ay naiwan na naman kaming dalawa ng babaing ito.

But I'm cool with it. I guess all I need to do is to put an extra jar of patience for her and we will be okay.

Napalingon nalang ako uli sa mga binti nya at sinimulan kong linisin ang mga sugat nya gamit ang cotton na may alcohol. Every now and then ay lumilingon ako sa kanya para tignan kung nasasaktan ba sya.

But I see nothing.

Nakatingin lang sya sa sugat nya na para bang wala lang yun. And God, kanina pa dumudugo ito which means na kanina pa 'to sumasakit. How can she be so emotionless?

At nang hindi ko na kinaya pa ay asar ko na syang nilingon.

"Yah" ang asar na sambit ko. "Alam mo, okay lang umiyak kung gusto mo"

Her cold and emotionless eyes just looked at me at hindi ko alam kung bakit natigilan ako nang magtama ang mga mata naming dalawa.

"Bakit? Kapag umiyak ba ako...mawawala ba ang sakit?" she asked in that cold voice.

Hindi ko mapigilang mapaawang ng bibig habang nakatitig sa kanya.

"You're drunk" ang naiiling lang na sagot ko saka sinimulang punasan uli ang mga sugat sa tuhod nya.

Then I looked up again and looked at her face.

Pero katulad kanina ay wala parin akong makitang emosyon doon habang pinupunasan ko parin ng alcohol ang mga sugat nya.

"Sabihin mo kung masakit, hindi yung nagpapakamanhid ka---"

"Umalis ka na" she suddenly cut me off.

And actually, I was already expecting that kaya hindi na ako napikon. I'm just too tired to get mad at her. Or maybe I'm already used to her new personality.

I just shrug at parang wala akong narinig na nagpatuloy sa pagpunas ng mga sugat nya.

"Hindi mo ba ako narinig?" she asked. "Ang sabi ko, umalis ka---"

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now