Chapter 32 Million Reasons

Start from the beginning
                                    

dumiretso na agad ako sa parking lot para kunin ang bike ko at saktong umuulan buti nalang lagi akong handa.

Inilabas ko ang jacket ko at saka sinuot.

Aalis na sana ako ng meron akong makitang tao sa waiting shed.

Krystal

Mag isa lang ito at mukang nilalamig na dahil niyayapos na nito ang sarili nya.

Mabilis akong pumunta doon habang akay-akay ang bike ko.

Walang sabi-sabing isinuot ko sakanya ang jacket at umupo hindi gaano kalayo sa tabi nya.

Hihintayin ko na masundo sya bago ako umalis.

Patak lang ng malakas na ulan at mga sasakyang nadaanan ang naririnig ko kaya nagulat ako ng biglang magsalita si Krystal kahit na pabulong lang ito.

"W-why"

"Ha?" Pakiramdam ko kasi na bingi ako at patak lang ng ulan ang naririnig ko.

"Why me?" Mula sa pagkakatingin nya sa kalsada tumingin sya saakin.

Napangiti nalang ako ng malungkot kasi Hindi rin ako sigurado kung bakit nga ba sya pa.

"Hindi ko rin alam... basta ang alam ko lang hindi kita minahal kasi mayaman o maganda ka—"

"Wait minahal?— Mahal mo ako?"  Nagda-dalawang isip na sabi nito.

"Hindi ka ba naniniwala?" Nakakalungkot lang na hindi pa rin pala sapat ang ginagawa ko para maparamdam sakanya kung gaano ko sya kamahal.

Pero wala akong nakuhang sagot dahilan para mapatawa nalang ako ng mapait.

"Paano kung ako ang mag sabi na mahal kita, maniniwala ka ba?" Sya naman ang nag salita at ako naman ang napatahimik.

Wag kang ngi-ngiti...

Wag kang ngi-ngiti...

Kainis hindi ko mapigilan.

"Oo naman, kahit sabihin mo pa na nakakalipad ang aso maniniwala ako, alam mo kung bakit?"

"B-bakit?" Nagugulohang tanong nito.

"Kasi handa akong magpakatanga para sayo" kung hindi ako nagkakamali nakita ko ang napakaganda nyang ngiti at ang nakakamatay nyang dimples na napakalalim.

Kahit sandali lang gumaan ang pakiramdam ko.

"Alam mo ba na walang-wala ka sa mga manililigaw ko?" Sabi nito dahilan para mapayuko ako.

"A-alam ko" simula palang nung una alam na alam ko na.

"Kung ganun, bakit mo pa ako niligawan?"

"Bakit naman kasi hindi?" Sagot ko dito habang nakayuko parin at tinitiganan ang semento na unti-unting nababasa.

"Eh si Rain, Ano sya sa buhay mo?" Tanong ulit nito.
"Si Rain?... Sya yung babaeng laging nandya-dyan para saakin tuwing malungkot ako" sabi ko dito.

"Eh ako, A-ano ako sayo?" Tumingin ako sakanya para lang mahuli na nakatitig sya saakin at masyado ng Malapit ang muka nya saakin.

"Ikaw? Ikaw ang babaeng dahilan ng bawat pag ngiti at pagtawa ko, ang babaeng dahilan din kung bakit ako nasasaktan at nalulungkot, Ikaw. Ikaw lang ang babaeng nakakapagparamdam saakin ng ganito. Dahil Ikaw lang ang babaeng mahal ko." Sabi ko dito at saka ngumiti.

Nakita ko na namula ang pisnge nya dahilan para mas lalo pa akong mapangiti.

"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi nito para matanggal na naman ang ngiti ko.

Ilang minuto pa ang dumaan pero mukang wala na syang balak mag salita.

Tumayo na ako at akma ng aalis ng biglang merong yumapos sa likod ko.

"Pero ikaw lang ang lalaking na nagpaparamdam saakin ng ganito. Ikaw lang ang lalaking pinili ng puso ko at siguro sapat na dahilan na 'yon para mawala ang napaka daming rason para hindi ka mahalin"  sabi nito saakin.

Ramdam ko na umagos ang mga luha ko galing sa mata ko.

"T-teka bakit ka umiiyak?! Hindi mo ba gusto na mahal din kita? —"  sabi nito at mukang natataranta na.

"Gusto! Gustong-gusto naiiyak lang ako kasi parang pakiramdam ko na hindi ko deserve ang sinabi mo" sabi ko dahilan para matawa sya ng mahina.

"Para kang bata" sabi nito at saka pinunasan ang luha na tumutulo sa mata ko.

"I don't deserve someone like you Krystal" yan napapa-english na tuloy ako.

She caress my face and smile.

She's beautiful...

"But you deserve to be loved by the someone you Love Mr. Seven Luciel" sabi nito at saka pinisil ang ilong ko.

Weird...

Kapag sya ang nagsasabi ng pangalan ko pakiramdam ko napaka-ganda ng pangalan ko.

"Kaya Tumigil ka na sa pag iyak, bahala ka baka magbago ang isip ko at bawiin ko lahat ng sinabi ko" banta nito dahilan para mabilis ko na pinahid ang mga luha.

"Sino ba kasing naghihiwa ng sibuyas?" Sabi ko dahilan para matawa kami.

I swear, this is one of my favorite day in my entire life.

Hindi man masyadong romantic ang confession naming dalawa.

Kasi nababasa kami ng ulan.

Wala man lang romantic music.

Kasi puro patak lang ng ulan ang naririnig namin.

Pero kung papipiliin ako kung gusto ko mangyari ang expectation ko o hindi.

Pipiliin ko ay hindi, kasi kung hindi lang rin naman sya ang babaeng kasama ko wala ding kwenta.

**********************************************

A/Na hindi ko alam kung magpapasalamat ako o hindi sa mga nangungulit saakin pero—sige na nga salamat dahil kayo ang dahilan para mawala ang katamaran ko sa katawan ngayong araw😙😂

P. S alam nyo na kung sino kayo.

Another P.S tinatamad ako mag mention 😂





Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now