Chapter Forty One

1.5K 53 7
                                    

Chapter Forty One

As long as you are...

"Are you okay?"

Napatingin ako kay Van at nakangiting tumango. Kasalukuyan kaming nasa beach. Madaling araw na at ang mga teammates niya ay tulog na din.

"Hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari. Lahat ng 'to tila isang panaginip. Nakakatakot. Nakakatakot dahil baka magising na lang ako bigla at wala ka na." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kalangitan.

"Wala kang dapat ikatakot Jeda. Dahil hindi ako mawawala. Gusto mo ba maconfirm na totoo ang lahat ng ito?"

Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka. "Paano?"

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Napapikit na lamang ako ngunit naramdaman ko na lang ang labi niya sa noo ko. Dumilat ako at napangiti.

"Hindi ka ba nadisappoint?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang sagot. "Ay sayang! Akala ko hihirit ka ng lips eh."

Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Pinalo ko siya ng malakas at agad na umalis palayo sa kanya.

"Bwisit ka!" asar na sabi ko sa kanya.

Rinig ko naman ang tawa niya na mas lalo kong kinainis. Kahit kailan talaga, lakas ng tama ng lalaking 'yon. Okay na eh. Perfect na ang lahat tapos biglang sisirain.

Malapit na ako sa may pintuan ng kwarto ko ng biglang may yumakap sa akin.

''Hey, I'm just joking." sabi niya habang ang kanyang ulo ay nakadantay sa aking braso.

"Kainis kasi eh." tanging nasabi ko na lang. Kung hindi ko lang mahal 'tong lalaking ito, iniwan ko na 'to eh.

"Waahhh! My eyes! My innocent eyes!" nagulat ako nang may sumigaw kaya napalayo ako kay Van.

Nakita ko si Pierre na nakangising nakatingin sa amin. Ang iba naman sa Xtreme ay nagising at dali daling pumunta kung nasaan kaming tatlo. Nagpapasalamat ako dahil patay ang ilaw kung hindi makikita nila kung gaano kapula ang mukha ko. Tiningnan ko si Van at masama siyang nakatingin kay Pierre.

"Oh anong nangyayari dito?" pupungas pungas na tanong ni Vince.

"Iinom kasi ako dapat ng tubig bro kaso may naaninag akong mga tao. Hindi ko naman akalain na may ginagawa na palang milagro." malokong sabi ni Pierre.

"Hoy, wala kaming ginagawang milagro ah!" pag-alma ko sa kanya.

Napailing na lang si Frost sa nasaksihan.

"Pabayaan mo na sila Pierre. Ngayon na lang ulit nagkagirlfriend si captain. Sinisira mo pa diskarte." inaantok na sabi ni Rex at dumiretso na sa kwarto niya.

Gano'n na din ang ginawa ng iba dahil halatang napagod sila sa paglalaro at pagswiswimming.

"You'll pay for this." inis na sabi ni Van kay Pierre at inaya na akong pumasok sa kwarto ko at matulog.

Kinabukasan ay wala akong makitang tao. Ni isa sa mga Xtreme ay wala sa resort. Ano kayang ginawa ng mga 'yon?

Napagdesisyunan ko nalang bumaba na at pumunta sa dining area. Hindi naman siguro ako iiwan ni Van na walang pagkain eh.

Nakakita ako ng nakatakip na food sa table at sa taas nito ay may nakadikit na sticky note.

'I'm just giving these guys the punishment that they deserve. Eat well, my mate.'

Hindi ko napigilang mapangiti dahil dito. Kahit kailan talaga. Ang lakas magpakilig.

Matapos kong kumain ay naglibot libot muna ako dito sa bahay. Nakakita ako ng isang album kung saan punong puno ng pictures ng Xtreme kasama si Nami. Kitang kita ang closeness nilang lahat. I wonder, kumusta na kaya si Nami ngayon.

"Jeda!"

Napatingin ako kay Frost na hingal na hingal. Kitang kita din na tila ay natataranta siya dahilan para ako'y balutin ng kaba.

"A-anong nangyari? Nasaan sila?"

"Ikaw lang ang makakapigil kay Van. Halos bugbugin na niya ang kapatid ko. Kailangan ko ng tulong mo." sabi niya habang pilit umiiwas ng tingin sa akin.

"Ano?! Nasaan sila?" agad na akong tumakbo palabas nang makita ko si Frost na nandoon pa rin at may amuse na reaction. "Ano pang hinihintay mo diyan?! Baka bangkay na lang natin maabutan si Pierre niyan?"

Tila nagising naman siya at tumakbo na rin. Pagkarating namin doon ay wala akong nakita kung hindi ang isang bangka kung saan naroroon si Van.

"Sorry, Captain's order." bulong ni Frost at umalis na rin.

"H-how did you prepare all of these?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Well, tinulungan ako nila Pierre since this is his punishment." nakangiti niyang sabi habang inaalalayan niya ako. "You like it?"

"Are you serious? I love it!" natutuwa kong sabi.

Sumakay na kami ng bangka. Noong una ay natatakot pa ako pero nang kalaunan ay naenjoy ko na din.

"Sana kapag kinasal tayo beach wedding noh." sabi ko sa kanya habang inaappreciate ang view."Ikaw? Saan mo ba gustong ikasal?"

"As long as you are my bride, the location will never be a problem to me."

Napatingin naman ako sa kanya dahilan para magtama ang mga mata namin.

"Jeda kahit saan lugar pa tayo ikasal. Kahit pa sinong guests ang pumunta. Kahit ano pa ang pagkain na ihahanda as long as ikaw ang bride ko wala akong problema."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Unti unting lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magtagpo ang mga labi namin. He started to move passionately na aking sinabayan. Hanggang sa ang halik niya ay bumaba sa leeg ko.

"Hanggang dito muna tayo. I respect you, Jeda. At may mangyayari lang sa atin sa oras na Delgado na ang surname mo." with matching wink niyang sabi.

Operation: Make him straightOn viuen les histories. Descobreix ara