Chapter Fifteen

3.7K 170 23
                                    

Chapter Fifteen

Cry

Sabay sa paglakad ko papalayo sa kanya ay ang pagbuhos ng luha ko. Luhang kanina pang gustong kumawala. Meron puwang sa puso ko na sana... Sana habulin niya ako pero wala eh. Ako nga pala ang humahabol sa kanya. Ako nga pala ang nagpapakatanga sa kanya.

Dismissal na rin kaya marami ng tao paglabas ko ng park at halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Papaano ba naman ay punong puno ang mukha ko ng luha ngunit wala na muna akong pake. Wala akong pake sa kung ano ang iniisip nila sa akin dahil sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Pagdating ko ng gate ay tinawagan ko si Harley. Sa ngayon siya lang ang kailangan ko.

'Si Harley to as in yung pinakagwapo mong knight and shining armor.'

'Knight and shining armor?'

'Oo, hindi mo ba napapansin sa tuwing napapatrouble o may problema ka ako yung laging to the rescue sayo.'

Tama siya.  Tama siya na sa ganitong sitwasyon, siya lagi ang to the rescue sa akin. Patuloy ko siyang tinatawagan pero wala pa ring sumasagot. "Harley please naman sumagot ka na oh." naiiyak kong sabi.

'Miss Jaydiah Louisse Decena huwag kang matakot umiyak kasi nandito lang naman ako para sandalan mo. Huwag kang matakot masaktan kasi nandito lang ako para damayan ka. Huwag kang matakot dahil kahit ano man ang mangyari kasama mo ako. Hindi ba? Ako ang knight and shining armor mo.'

"Harley please naman oh." desperada ko nang sambit. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi pa din siya sumasagot. Mas lalo akong naiyak kaya umupo na lang ako sa tabi ng gate at naghintay.

'Kung sakit ang ibinibigay ng prince charming mo, nandito naman akong knight and shining armor mo. Ang magbabalik ng ngiti sa mukha mo.'

Nagulat ako nang may kotseng tumapat sa akin. Biglang nagliwanag ang mukha ko at nagbakasakali na si Harley na iyon ngunit napasimangot ako nang makita si Shawn na lumabas.

"Sakay." maikling sambit lang nito.

"Nasaan si Harley?"tanong ko sa kanya.

"Sakay mamaya ko na sasabihin sayo."

Agad naman akong sumunod sa kanya.   Siya ang pinakatatakutan kong miyembro sa lahat. Paano ba naman kasi lagi siyang seryoso. Ni hindi ko pa nga ata 'to nakitang ngumiti maliban na lang sa mga pictures para sa album nila eh.

Sumakay na ako sa kotse niya at agad na niya itong pinaandar kaya dali dali kong sinuot yung seat belt. Walang hiya magkaibigan nga sila, mga walang pakundangan magmaneho ng sasakyan. "Pinatawag ni Witch si Harley kaya hindi siya nakapunta at tinawagan niya ako."

"Gano'n ba? Sige ibaba mo na lang ako sa apartment ko."  sabi ko sa kanya.  Pero mukha atang wala siyang narinig dahil hindi ko na alam kung saan niya ako balak dalhin.

Kanina pa kami paikot ikot at halos wala ng sasakyan na dumadaan. Hala? Hindi kaya may lihim na pagnanasa sa akin itong lalaking kasama ko?

"Pwede ba wala akong gusto sayo kaya safe ka." aniya.

Bigla akong namula sa sinabi niya. Nakakabasa ba ito ng isip?

"Hindi ako nakakabasa ng isipan. Sadyang madali ka lang talagang basahin."

Napadpad kami sa isang mataas na lugar kung saan kitang kita mo ang buong siyudad. Meron pa lang ganito dito?

"Paano mo natagpuan ang lugar na to?" tanong ko sa dito habang hindi inaalis ang tingin sa napakagandang view.

"Ayoko sa maingay na paligid. Pero hindi ko 'yun maiiwasan dahil nasa Manila ako kaya naghanap ako ng lugar na malapit lang sa Manila na pwede kong puntahan." tumango tango naman ako.

May kung anong kinuha siya sa sasakyan niya. Pagpunta niya ay may dala-dala na siyang basket at blanket. "Magpipicnic tayo?" tanong ko sa kanya. Nilatag naman niya yung blanket at umupo na doon ako naman tong parang ewan na sumunod nalang.

Inabutan niya na ako ng isaw kaya tiningnan ko siya. "Sabi ni Harley nung pumunta kayo sa ihawan ni manang eto daw ang paborito mo." tumango naman ako at kinuha ito. "Bakit umiiyak ang tao kapag tayo malungkot, nasasaktan at naiwan?"

Bigla akong napaisip sa tanong niya. Bakit nga ba? Hindi kaya nature lang natin na umiyak kapag ganoon. Hindi na niya ako hinintay sumagot dahil sinagot niya din ang sarili niyang tanong. "Because after every cry you feel a sense of relief. It ease the pain and sorrow and it will make you a stronger person. The more you cry the stronger you get." tumingin siya sa akin. "Kaya saludo ako sa mga katulad niyong walang takot magpakita ng emosyon."

"Bakit ba ang lalim mo lagi magsalita? Dala ba yan ng pagbabasa ng libro?" Napangiti naman siya sa sinabi ko kaya nagkusot ako ng mata. "Panaginip ba to? Talaga bang ngumiti ka?"

Napailing na lang siya sa sinabi ko. "Tara na. Maggagabi na oh. Umuwi na tayo." Sus, umiiwas lang naman siya sa tanong ko eh.

Nagfacebook muna ako bago matulog kahit papaano naman ay gumaan na ang pakiramdam ko thanks to Shawn. May kabutihan din pala yun itinatago. Nagring naman bigla yung phone kaya sinagot ko yung tawag.

"Hello?"

"Hello Jeda, sorry ah pinatawag kasi ako ni Witch eh hindi tuloy kita nasundo." bakas sa boses niya ang pagsisisi. Napangiti naman ako.

"Okay lang, sinundo naman ako ni Shawn eh. By the way sino ba si witch? Pangalan niya ba talaga yun?" Natawa naman siya bigla sa sinabi ko. "Anong nakakatawa?"

"Yung manager namin yun. Witch kasi ang tawag namin sa kanya dahil alam mo na mataray, istrikto at kung ano ano pang kasamaan ang ginagawa niya."

"Ahhh, ganoon ba?" Hindi ko na mapigilang mapahikab dahil inaantok na din ako.

"Ohhh mukhang inaantok ka na ah? Tulog ka na."

"Huh? Hindi ah guni guni mo lang yun" pagtanggi ko. Nakakahiya naman kung tutulugan ko siya. "Kantahan mo na lang ako para makabawi ka naman." pabiro kong sabi dito.

"Hmmm.. Sige ano bang gusto mong kanta?"

"Ikaw na bahala. Basta ako makikinig lang." panandalian naman siyang tumahimik at nag isip ng kakantahin.

"I change my mind. Abangan mo na lang yung performance namin bukas. Kami naman ang mags'special number."

"Ang daya mo." natatawa ako sa inaasal ko. Masyado kasi akong spoiled sa kanya kaya hindi ko minsan mapigilan mag-asa bata kapag kasama siya.

"Goodnight. Sweet dreams."

"Ikaw din." sabi ko sa kanya at pinatay na yung tawag.

Isasara ko na sana yung laptop nang may bigla akong nakitang status ni Van. Missing someone hurts, but what hurts even more is knowing that you're the reason why they're gone...

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now