Chapter Thirty

2.2K 65 7
                                    

Chapter Thirty

Surrender

"Good morning Mate!" masiglang bati ni Van sa akin. Simula kahapon ay 'yan na ang naging tawag niya sa akin.

Isinara ko na lang ang pinto at hindi siya pinansin. Maya maya ay kumatok na naman siya pero hindi ko pa rin pinagbuksan. Sakto namang kalalabas lang ni Astro sa C.R. at nagpupunas pa ng buhok.

"Sino yun?"

"Si Van." maikli kong sagot at bigla namang may sumilay na kakaibang ngiti sa kanya.

"Ikaw ah. May hindi ka nakwekwento sa akin. Kailan pa kayo naging couple?"

"Hindi pa kami."

"Hindi PA? Ibig sabihin may pag-asa." pangungulit niya.

"Astro pwede ba tigil tigilan mo nga ako. Asar na nga ako kay Van, dadagdag ka pa."

"Sus parang dati ikaw ang naghahabol. Ngayon ikaw na ,tong hinahabol, ikaw naman to'ng tumatakbo." sabi niya at muling pumasok sa C.R.

Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa pinto. Lumapit ako dito at binuksan ito ngunit nagulat ako nang si Harley ang nandoon at mistulang kakatok na sana.

"Harley? Anong ginagawa mo dito?" bigla naman siyang humawak sa batok niya at ngumiti ng parang nahihiya.

"Yayayain sana kitang maglakad lakad sa resort kung pwede lang naman."

Bahagya akong napaisip. Wala namang masama kung sasama ako kay Harley. After all we're friends. Tumango ako sa kanya at nakita ko ang paglaki ng ngiti niya.

Matapos naming magpahinga ng isang araw sa rest house nila Van ay bumyahe na ulit kami papuntang Subic. May resort kasi do'n na gustong puntahan ni ate Yel.

Apat na kwarto ang nirent namin ngayon. Ako at si Astro ang magkasama sa unang kwarto. Si Yel at si Namin naman sa pangalawa. Si Van at ang apat niya pang kaibigan sa pangatlo. At sila Harley naman sa pangapat.

Pagkarating namin ay namangha na agad kami sa lugar dahil sa sobrang ganda nito. Hindi na talaga dapat ako magtaka kung bakit dito napili ni Yel magbakasyon.

Halos lahat kami gusto ng libutin ang buong resort pero mas pinili muna naming magpahinga. Lahat kasi kami ay pagod pa dahil sa mahabang byahe.

Tiningnan ko ang orasan. Mag a'alas kwatro na pala. Nagbihis na agad ako ng maong shorts at white shirt. Four kasi kami magkikita ni Harley kaya mas minabuti kong mauna na.

"Jeda!" tawag sa akin ni Harley. Pagkarating niya sa harap ko ay yumuko muna siya at naghabol ng hininga.

"Oh bakit para kang hinahabol diyan ng aso?" natatawa kong tanong sa kanya. Pawisan kasi siya at medyo namumutla.

"Hindi aso ang humahabol sa akin. Kabayo. Tatlong foreigner na kabayo." napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Pero bigla kong narealize kung ano ang ibig niyang sabihin kaya tawang tawa ako.

"Lang'ya Harley! Iba talaga alindog mo! Pangworld class." pang aalaska ko dito. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatinad doon.

"Pwede ba tigilan mo na 'yan. Hindi kaya nakakatawa."

"Sorry na boss. Kung nakita mo lang kasi itsura mo kanina matatawa ka talaga."

"Tara na. Punta tayo sa may beach para makita natin yung paglubog ng araw."pag aaya niya sa akin.

Pagpunta namin doon ay maraming tao. May mga nags'swimming. Ang iba nama'y naglalaro sa tabi ng dagat. Habang ang iba rin ay naghihintay katulad namin ng paglubog ng araw.

"Napakaganda dito no." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa dagat at sa mga taong nagsasaya.

"Tama ka. Napakaganda nga dito." bigla akong napatingin sa kanya at nagulat ako nang nakatingin siya sa akin kaya umiwas ulit ako ng tingin.

Tahimik kaming pinagmasdan ang paligid, kasabay nito ang paglubog ng araw.

"Alam mo ba kung bakit kita inaya para mapanood ang paglubog ng araw?" pagsisimula niya. "Dahil kasabay ng paglubog nito ay ang pagsuko ko. Pagsuko ko sa laban ng pag ibig. Pagsuko ko dahil alam kong sa simula palang talo na 'ko."

"Harley." halos pabulong kong sabi habang nakatingin sa kanya. Ngunit hindi niya ako tinitingnan.

"Isa ito sa mga pangarap ko. Ang makasama ang babaeng mahal ko na makita ang paglubog ng araw. At ngayon natupad na." narinig ko ang pagcrack ng boses niya. Hindi ko alam pero naiiyak na ako sa mga sinasabi niya.

"Hindi nga lang katulad ng sa pangarap ko na kaya namin ito papanoorin ay dahil alam namin na sa pagsikat nito kami pa rin ang magkasama." tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngunit ang ngiti na 'yon ay hindi umabot sa kanyang mata.

"Alam ko. Alam kong pinilit mo. Alam kong sinubukan mo at do'n palang nagpapasalamat na ako. Thank you for giving me a chance to love you. Pero siguro nga hindi ako ang nakatadhana talaga sayo." nakita ko ang pagtulo ng luha niya ngunit pinunasan niya agad ito.

"Hindi ko maipapangako na walang magbabago sa samahan natin pero lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Na ako pa rin ang knight and shining armor mo." hindi ko alam pero kusa ng tumulo ang luha ko. Ang bigat.bSobrang bigat sa pakiramdam na makita siyang nasasaktan. "Siguro this will be the last time na sasabihin ko 'to. I love you."

Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya. Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap niya sa akin.

"Paano kita papakawalan niyan kung ganyan ka?" pagbibiro nito pero ramdam ko ang lungkot sa sinabi niya. Alam kong gusto niya lang pagaanin ang loob ko.

"Kainis ka kasi eh! Feeling ko kapag naghiwalay tayo ngayon magbabago na ang lahat. Panigurado iiwasan mo na ko. Iniisip ko pa lang yun nasasaktan na ako." sabi ko sa kanya. Balak niya sanang kumalas pero hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "H'wag. Makikita mo akong umiyak."

"Parang hindi kita laging nakikitang umiyak ah."

"Makikita mo akong umiyak ng dahil sayo." sabi ko sa kanya kaya napatahimik siya.

Masakit isipin na nasasaktan ko yung taong walang ginawa kung hindi ang pasiyahin ako. Hindi ko akalain na mangyayari nang ganito kaaga ang lahat.

Bumalik ako sa room ng tulala. Ni hindi ako sumabay sa kanila kumain dahil wala akong gana. Binuksan ko yung T.V. at nanonood muna. Nilipat lipat ko yung channel hanggang sa music channel ako napunta at saktong kanta ng Mythical 5 ang nakaplay doon.

Run for you I wake up
Love for you I wake up
A song for you I wake up
Wake up right now

Bakit? Bakit ngayon pa nangyari ang lahat ng ito. Pinagmamasdan ko lang ang music video nila at sa tuwing tututok ito kay Harley ay tila nagrereplay lang lahat ng nangyari kanina.

Run for you I wake up
Love for you I wake up
A song for you I wake up
Wake up right now

"Jeda dinalhan na kita ng pagkain. Hindi ka kasi nagdi----" tiningnan ko si Astro pero binalik ko din sa screen ang tingin. "May nangyari ba?"

"Astro yung knight and shining armor ko sumuko na." kasabay ng pagsabi ko nito ay ang pagragasa ng mga luha mula sa mata ko. "Hindi ko na alam kung anong mangyayari. Natatakot ako Astro."

"Shhhh."  aniya at niyakap ako. "Jeda hindi ko alam kung ito ba yung tamang pagkakataon para itanong 'to. Ayoko rin namang maguluhan ka sa kung anong nararamdaman mo."

"Ano ba 'yon?"

"Jeda hindi kaya in love ka na kay Harley?"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Posible nga ba? Posible nga bang kaya ako nagkakaganito ay dahil mahal ko na si Harley.

Operation: Make him straightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ