Chapter Four

5.2K 261 46
                                    

Chapter Four

Hurt

Hindi pa din ako mapalagay dahil sa post ni Van maging sa comment ng kaibigan niya. Ano kaya ang ibig sabihin non? Sino ba yung babaeng tinutukoy niya? Sino ang bumalik na mukhang sobrang halaga sa kaniya? Hindi ko man lang siya matanong dahil sobrang busy na namin. Mahal na mahal kasi kami ng mga prof namin at sabay sabay nagbigay ng projects.

Nandito ako ngayon sa may sulok ng isang garden at kumukuha ng mga larawan para may mapost ako sa instagram. Wala din kasi si Astro dahil may sikreto daw siyang pinagkakaabalahan. Hay itutuloy ko pa ba yung plano ko o h'wag na lang. Naputol ang aking pagiisip ng mayroon tumawag.

"Hello Astr--"

'"Jeda saang lupalop ka ba nagsusuot at hindi kita mahanap huh?"

"Nandito lang naman ako s---'"hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko.

"Bilisan mo! Si Van kasi naaksidente sa practice nila. Dinala na siya sa hospi---'.

"A-ano?! Saang ospital yan?"

Hindi ko naman maiwasan magpanic. Ano ba kasing iniisip ng lalaking yun? Hindi naman siya ganito kaclumsy eh.

"Sa Shrine Med. Puntahan mo na. Bilis!"

'Nagpaalam na ako dito at agad na humanap ng sasakyan. Mag dadalawampung minuto na akong naghihintay pero wala pa rin akong masakyan. Pilit akong pumapara ng mga taxi nang may humintong motor sa tapat ko.

"Sakay na." sabi nung nakasakay sa motor

"Huh? Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. Malay ko ba kung ako kinakausap mamaya feeler lang pala ako.

"May nakikita ka pa bang iba?" Luminga linga naman ako at nakitang wala. Tatanggi na sana ako ng isuot niya sa akin ang helmet.

"Ano tutunganga ka pa ba diyan?" Sumakay na ako. Baka sabihin pa niya choosy ako at tsaka kailangan ko na talaga makita si Van.

"Kapit ka sa akin." aniya.

Ako naman itong takot mahulog kaya nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya pero kinuha niya ito at inilipat papunta sa kanyang bewang niya. Pinaandar na niya nang mabilis ang motor dahilan upang mapakapit ako sa kaniya nang mahigpit. Narinig ko naman siyang tumawa.

"Miss nandito na tayo. Masyado ka naman atang nag-eenjoy sa pagyakap sa akin." idinilat ko ang mata ko at agad inalis ang pagkakayakap sakaniya

"Excuse me lang pero hindi kita type tsaka sa susunod nga mag-ingat ka sa pagd'drive. Akala ko mamatay na ako sa bilis mo magpatakbo." pagtataray ko sa kaniya. Akala ko pa naman mabait.

"Sorry po ah at salamat kasi umangkas ka sa akin kasi kung hindi baka nandoon ka pa din hanggang ngayon." sarkastiko nitong saad. Bigla naman akong tinamaan ng hiya sa sinabi nito.

"T-thank you." sabi ko sa kaniya at ibinigay ang helmet.

"No problem." inialis niya din ang kaniyang helmet dahilan upang makita ang kaniyang mukha.

"T-teka.. ikaw yun---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil iniharang niya yung hintuturo niya sa bibig ko.

Seriously?! Ano ba meron ngayon at hilig nila atang putulin lahat ng sasabihin ko.

"I'm Harley at your service." take note kinindatan niya pa ako at umalis na din siya. Akala ko pa naman malaanghel yung lalaking yun may pagkamayabang din pala. Pero in fairness para talaga siyang model ng toothpaste. Natigil ako sa pagpapantasya sa ngipin ni toothpaste guy or should I say Harley nang maalala kung bakit ako nandito.

Hinanap ko agad ang room kung saan nakaconfine si Van. Nakita ko siya na nakikipagusap sa isa sa mga kasamahan niya. Napansin ko din yung kanang kamay niya na may cast. Nang makita nila ako ay agad na nagpaalam na yung kasama niya.

"Akala ko ba ang katangahan iniiwan sa bahay?" Pagtataray ko saaniya. Kainis kasi magkikita na lang kami sa ganitong situation pa.

"Anong ginagawa mo dito?" Bakas ang malamig na tinig niya

"Kakain. Nakakahiya naman kasi sayo kung bibisitahin kita eh." sarkastikong saad ko dito.

"Nakakahiya pala eh. Umalis ka na."

Nagulat ako sa naging sagot nito.

"ano bang problema mo at nagkakaganyan ka?!"

"Ikaw. Ikaw ang problema ko."

"Ako? Paano naging ako?"

"Wala. Umalis ka na magpapahinga pa ako"

"Van bakit ka nga nagkakaganyan?"

"Gusto mong malaman?! Osige pagbibigyan kita. Simula lang naman ng dumating ka sa buhay ko nagkandagulo gulo na ang lahat. Masyado kang pasakit at pabigat. At isa pa h'wag mo na ituloy yung plano mo na gawin akong lalaki dahil kung sakaling man mangyayari yun sisiguraduhin kong hindi ikaw dahilan dahil you're not worth changing for" hindi ko namalayan na tumulo na ang kuha ko. Hindi ko akalain na nagsisimula pa lang ang lahat pero agad na niyang tinapos.

"G-gano'n ba?"

Napatingala ako upang hindi bumagsak ang luha ko ngunit maging ito ay trinaydor ako kaya umalis na agad ako dahil ayoko na makita niyang nasasaktan ako.

Ang akala ko crush o mission lang ang lahat ng ito pero hindi ko akalain na sa kahit ganoong kaikling panahon ay minahal ko na pala siya. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ang ganito ng dahil sa kaniya.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now