Chapter Forty

1.7K 45 2
                                    

Chapter Forty

I love you

Lumipas ang lingo at mas lalong tumibay ang pagsasama namin ni Van. Katulad nga ng sinabi ni Nami ay umalis siya ng bansa para magpagamot. Mas naging busy naman ang Mythical 5 ngayon lalo na at narelease na ang kanilang comeback album. Minsan nga ay naawa na ako sa lima dahil kinakailangan nilang balansehin ang kanilang oras para sa pagiging artist at pag-aaral.

Sa ngayon ay may pasok na kami para sa second sem kaya minsan na lang kami magkita ni Van. Magkaiba na kasi kami ng schedule pero nabibigyan pa din naman naming ng time ang isa't isa.

"Mate pasensya na. Late na kasi kaming pinalabas ng prof namin."

Nginitian ko naman siya bilang assurance na okay lang. "Hindi mo naman kasalanan yun eh. Ano? Tara na?"

Tumango naman siya kaya naglakad na ako papunta ng parking kung saan nakapark yung kotse niya. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ito sa kanya.

Naisipan namin magdate ngayong araw dahil wala naman kaming pasok bukas. Siya talaga nakaisip no'n. Namimiss na daw niya kasi ako.

"Daan muna kaya tayo sa bahay niyo." Napakunot naman ako ng noo sa suggestion niya.

"Bakit pa? Okay lang naman suot ko ah."

"Basta." Nakangiti niyang sabi.

Kaya dumaan muna kami ng bahay. Nagulat naman ako na pagpasok namin  ay nagdire-diretso siya sa kwarto ko. Naabutan ko ito na nageempake ng gamit ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta nga." Sabi niya nang hindi man lang ako pinapansin at tuloy-tuloy lang sa kanyang ginagawa. Pagkatapos niya ay dinala na niya ito at hinila na ako palabas. Nilock ko naman na ang apartment at sumama na lang sa kanya.

Halos isang oras na kaming nasa byahe kaya nang nasa may NLEX na kami ay dumaan muna kami sa Jollibee para bumili ng pagkain.

"Matulog ka muna at medyo mahaba-haba pa ang magiging byahe natin." Sabi niya at dahil masunuring dyosa ko ay natulog muna ako.

"Ishi promise mo sa akin kapag lumaki na tayo, mgapapakasal na tayo ah." Sabi ng batang lalaki

Tumango naman ang babae. "Oo naman Rashie! Tayo naman ang nakatdhana para sa isa't-isa eh."

Nagpinky swear pa sila tanda ng kanilang promise. Nakita naman ng batang babae ang lalaki na nakatingin sa isang litrato.

"Sino ang mga kasama mo diyan Rashie?" nakita niya kasi na may dalawa pang bata sa litrato.

"Mga kapatid ko. Namimiss ko na nga sila eh. Na kayla lolo at lola kasi sila ngayon. Hayaan mo kapag nagbakasyon sila dito ipapakilala kita sa kanila."

"Buti ka pa may kapatid. Ako kasi nag-iisang anak lang nila mama. Sabi kasi ni papa bawal na kasi si mama magkaroon ng baby."

"Okay lang 'yan Ishi. Nandito naman ako para sayo."

Matapos nito ay hinatid na ng batang lalaki ang babae.

"Jeda gising na." bigla naman akong naalimpungatan at napatingin sa paligid.

"Nandito na tayo?" tanong ko sa kanya habang nag-uunat. Ngumiti naman siyang tumango nang natauhan ako sa kung nasaan kami ngayon. "Van nasa Bataan tayo?"

"Oo. Naisip ko kasi na baka gusto mo silang makita at bisitahin."

Bigla naman akong naexcite sa sinabi niya at lumabas. Pumasok na agad ako sa ampunan at binati si manay. Tuwang tuwa din akong binati ng mga bata.

"Ate nasaan na yung gwapo mong kasama?" tanong ni Buboy. Naramdaman ko naman ang saktong pagdating ni Van.

"Sino naman 'yan ate? Bakit hindi na si kuya Harley ang kasama mo?"

Napatingin naman ako kay Van at nakita kong napawi ang ngiti sa mga labi niya. Mabuti na lang at tinawag muna ang mga bata dahil nagdala din pala ng mga pagkain at regalo si Van para sa mga bata.

"Pumunta kayo ni Harley dito?" alanganin naman akong tumango at tiningnan ang reaksyon niya.

Huminga lang siya ng malalim at hindi na nagsalita.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya. Hindi na kasi siya nagsasalita simula kanina.

"Hindi naman ako galit. Naiinis lang ako kasi akala ko pa naman ako yung unang tao mong makakasama mo dito but it turns out na may nauna na pala."

"Alam mo, hindi man ikaw yung unang tao na nakasama ko pumunta dito. Ikaw naman yung unang tao na nagparamdam sa akin ng ganito." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi ko kaya alam ko na sapat na ang mga 'yon para hindi na siya mag-alala pa.

Ilang oras din kaming nagtagal sa ampunan. Agad din naman na nakaclose na ni Vam ang mga bata dahil sa mga dala-dala niyang mga regalo at pakikipaglaro sa kanila.

"Hija kamusta ka na?" tanong sa akin ni manang.

"Ayos lang po ako. Kayo po?"

"Ayos lang din kami dito. Masaya ako na makitang masaya ka na." niyakap ko naman si manang at nagpasalamat sa kanya sa pag-aalaga at pagtitiyaga niya sa akin.

"Manay, Jeda kinakailangan na natin umalis." Pagpapaalam ni Van.

Malungkot man na hindi kami magtatagal dahil may puuntahan pa daw kami, nangako na lang ako na babalik din ako doon sa oras na magkaroon ako ng libreng oras.

"Masaya ka ba?" tanong sa akin ni Van. Nilingon ko naman siya tumango. Nagulat ako nang halikan niya ang aking mga kamay. "I love you."

Hindi ako nakapagsalita sa gulat dahil sa sinabi niya. Tila ba nagkakarerahan na ang aking puso sa sinabi niya at halos gusto ko ng magwala sa sobrang kilig.

Iginilid naman niya ang sasakyan at tningnan niya ako na tila ba isa akong ice cream na tinutunaw sa titig.

"Are you okay?"

"O-oo naman. Nagulat lang naman ako kasi ngayon mo na lang sinabi iyo---." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinalikan niya ako. Kung noon ay halos manigas na ako sa kinalalagyan ko. Ngayon hinayaan ko na ang sarili ko na sumabay sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam nalang ang oras na ito.

Halos dalawang minuto na ata kaming naghahalikan bago kami bumitaw. Parehas na kaming naghahabol ng hininga.

"I." halik niya sa noo ko.

"Love." Halik niya naman sa tungki ng ilong ko.

"You." Halik niya sa labi ko na medyo nagtagal pa.

" Halik niya sa labi ko na medyo nagtagal pa

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Napagiti naman ako sa ginawa niya. "I love you too." Sabi ko sa kanya.

Operation: Make him straightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن