Chapter Thirty Two

2.1K 62 4
                                    

Chapter Thirty Two

Muse

Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Damn it. Hindi ko akalain na seseryosohin niya ang tanong ko. It was supposed to be a joke.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Wala ni isang nagsasalita. Wala ni isang gumagalaw. Tila ba yung light na atmosphere ay binalot na ng awkwardness dahil sa katangahan ko.

"Siguro nga huli na ko." paninumula niya. Napatingin ako at nagtama ang tingin naming dalawa.

"Tell me Jeda. Am I too late?" hindi pa rin ako nagsasalita at nakatingin lang sa kanya. Tumango siya at mapait na ngumiti. "Siguro nga."

Tumayo na siya at papaalis na sana nang hawakan ko ang kamay niya. Napahinto siya at napatingin dito. Hinarap ko siya at ngayon ay magkatapat na kaming dalawa.

"Why did you conclude without knowing my answer?" tiim kong tanong sa kanya.

"Dahil alam ko na ang sago---"

"Bakit Van? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Ikaw ba ang nakakaramdam?!" hindi ko na napigilang sumigaw.

"Jeda look. Mahal kita at ang tanging gusto ko kang ay maging masaya ka. At kung ang kasiyahan na yun ay nahanap mo na sa iba. Hindi ko ipagkakait yun sayo. After all ako naman ang may kasalanan ng kahat." sinampal ko siya.

"Gusto mo 'kong maging masaya? Bakit Van mukha ba akong masaya sa ginagawa mo ngayon? Van mula noon wala akong ginawa kung hindi ang ipaglaban ka. Pero ngayong ikaw na lalaban, bakit ang bilis mong sumuko?!"

Nakatingin lang siya sa akin kaya sinamantala ko na ang lahat. Inilabas ko na lahat ng hinanakit ko sa kanya.

"Ganoon ba ang sinasabi mong pagmamahal Van? Ganyan ka ba kabilis sumuko? Ganoon nalang ba kadali sayo para iwanan ako?" pinalis ko ang aking luha at akmang aalis na sana nang bigla niya akong hilahin. Nagulat ako nang maramdaman ang malambot niyang labi.

He cupped my face and started to kiss me. Halos hindi pa rin nagproprocess ang lahat. We're just fighting a while ago and now we're kissing.

Tinapos niya ito nang maramdaman niya na para akong natuod sa kinakatayuan ko. Jeda, shit! Kinuha niya first kiss mo. You should knock him out or at least slap him.

"Jeda I'm sorry." hindi ko alam kung bakit nanlumo ako sa sinabi niya. Pinagsisisihan niya ba na hinalikan niya ako? "I'm sorry dahil nasaktan na naman kita. At I'm sorry din dahil hindi ako nagsisisi na hinalikan kita."

''V-Van." nanginginig kong tawag sa kanya. "A-ano ba tayo? Ba-bakit mo ko hinalikan?" great Jeda. Napakatalino mo talaga. Ito ba yung nagagawa nung kiss niya. Feeling ko nagmamalfunction na utak ko eh.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan Jeda. Ano na ba tayo ngayon?" napaiwas naman ako ng tingin. Feeling ko kasi nagkakasala ako kapag tinitingnan ko yung labi niya eh.

"I-ikaw bigla biglang humalik tapos hindi ka sigurado." nakasimangot kong sagot.

"Ako sigurado na sayo. Kung ako tatanungin gusto ko na maging tayo pero baka ayaw mo pa eh."

"Hindi mo man lang ba ako liligawan?"

"Niligawan mo na 'ko eh. Kailangan pa ba 'yon?" napairap naman ako. "Pero Jeda did you like the kiss?"

Feeling ko nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa tanong niya.

"Mukha ba akong nagenjoy?"pagtataray ko sa kanya.

"Mukha naman. Hindi mo nama kasi ako sinampal. Isa pa, is that your first time? Ni hindi ka man lang nagrespond." halos magluwaan ang mata ko sa mga tanong ni Van. Lasing ba siya or what.

Operation: Make him straightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon