Chapter Twenty Eight

2.1K 68 5
                                    

Chapter Twenty Eight

Flags and Codes

Maaga kaming gumising para makahanap na ng mga flags. Feeling namin kasi hindi na namin kakayanin kung mananatili pa kami dito. Paglabas namin ay tila normal lang ang lahat. Pero hindi ko alam kung bakit tila kinakabahan ako sa mga mangyayari. Knowing na ginawa ang camp site na ito dahil fan ang may ari ng Hunger Games at Maze Runner paniguradong may thrill ang gagawin nito.

"Saan tayo magsisimula?" tanong ni Kris.

"Subukan muna kaya natin banda doon." turo ko sa may bandang kanan. Umagree naman silang dalawa.

Naunang maglakad si Harley, since mas magaling siya mag observe. Baka kasi may patibong na naman sa lalakaran namin. Nakakadala na.

Nagulat kami nang biglang nagliparan ang mga ibon sa taas. Tila may isang hum din ng babae ang umalingawngaw. Feeling ko narinig ko na yun noon.

Bigla na lang naghiwalay ang inaapakan naming lupa at halos muntikan pa akong mahulog sa pagkataranta. Napatingin ako sa baba at nakita kung gaano ito kalalim. Napahiwalay din sa amin si Harley kaya mas lalo ata kaming mahihirapan nito.

"Sa tingin ko mas maganda kung maghihiwalay muna tayo." panimula ni Harle kaya tiningnan namin siya ni Kris ng di makapaniwalang tingin. "Mas mabuti na din ito. Kung maghihiwalay tayo mas malilibot natin ang buong lugar at mas madali nating mahahanap ang mga flags."

Noong una ay hindi pa kami pumayag ngunit wala na din kaming nagawa dahil may point siya at pare-parehas lang din naman kaming lahat na gustong makaalis dito. Ewan ko ba kayla Astro, bakit dito pa nila napiling mag outing.

Habang naghahanap kami ay may nakita kaming papel na may nakalagay na tila ba ay isang clue.

One. Two. Three. Just remove one and you're going to see.

Napakunot kami bigla sa nakalagay. Just remove one and you're going to see?

"Niloloko lang ata tayo nito eh." inis na sabi ni Kris. "Kapag inalis mo yung one magiging two and three. Ano 'to? 23? So ibig sabihin niya walang forever?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Baka naman kasi hindi literal yan. Malay mo ibang one ang tinutukoy." nagisip ako ng mga possible answers. I'm not into deciphering codes but I'll try to.

Pinaulit ulit ko ang naging clue.

One. Two. Three. Just remove one and you will see.

One. Two. Three. Just remove one and you will see.

One. Two. Three. Just remove one and you will see.

Hindi kaya... Napatingin ako sa itaas at nakita ang hinahanap ko. Tama nga ang hinala ko.

One. Two. Three. Just remove one and you will see.

Hindi literal na one ang tatanggalin kung hindi isang letter. So kapag tinanggal ko ang h na letter ay magiging Tree na lamang siya. When it comes to one and two,sinama lang nila ito para lang maguluhan kami.

"Kris nasa puno na iyon yung flag oh." turo ko kay Kris. Medyo mataas ang puno na ito. Mabuti na lang at may lahing unggoy ang kasama ko kaya nakuha niya din ito.

"May nakuha na naman akong clue." sabi niya at binigay sa akin ito.

SYYJRÑPH

Take time to step back.

"Ano na naman ito?" frustrated kong sabi. "Bakit ba ang hihirap nang mga binibigay nilang clues."

"Malay ko ba. Basta ako taga-kuha lang."

Take time to step back? Panigurado na hindi nanaman ito literal pero paano. Kung sa normal na ABC kaya.

S-R
Y-X
Y-X
J-I
R-Q
Ñ-N
P-O
H-G

Napaupo na lang ako nang marealize na hindi iyon ang pattern. Napatingin ako sa kasama ko.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Nagahahanap ng signal."

"Para?"

"Tetext ko yung manager namin na sunduin na kami." tila may lumabas na bulb sa itaas ng ulo ko nang sabihin niya iyon.

"Kris pwede mahiram yang cellphone mo?" napakunot siya sa una pero binigay niya pa din ito. "May tagalog keyboard ka ba?" inislide niya lang saglit ito at naging tagalog na.

S-A
Y-T
Y-T
J-H
R-E
Ñ-L
P-O
H-G

Halos mapatalon ako sa tuwa nang makuha na namin ang tamang sagot. Ngayon ay kailangan nalang namin ito hanapin. Aalis na sana kami nang may marinig kaming mga yabag kaya nagtago muna kami sa isang puno.

Nakita namin na may mga taong nakamaskara ang tila may hinahanap.

"Pre wala ata yung iba dito."

"May hinahabol daw sila King sa kabilang dako. Maagaw na daw sana nila yung flag kaso nagmatigas yung lalaki. Tara na."

So may mga nangunguha pa pala ng flags. Ibang klase naman talaga oh.

Nang makasigurado na kami na wala na yung mga lalaki ay hinanap na namin yung log na tinutukoy nito. Mabuti na lang at hindi kami nahirapan at nakuha ito. Kalakip ng flag na ito ay isa na namang code.

XVIXIXIIIIIIXII

"Stay"

Tapos meron sa baba na lalaki at babae na nasa loob ng puso.

"Walang'ya! Pinagtritripan lang ata tayo nito eh!" inis na sabi ni Kris.

"Mas maganda kung magsosolve ka din kaysa mainis ka diyan." sabi ko sa kanya.

Nakarinig na naman kami bigla ng mga yabag kaya nagtago ulit kami. This time sa may halamanan naman.

"Yel ano ba kasing trip mo at dito mo pa napili ha?"

"Bakit ba napakareklamo mo? Masaya naman ah tsaka para may thrill." rinig kong sabi ni Yel. Lalabas na sana kami mula sa pagtatago nang sumigaw bigla si Yel.

"Guys andiyan na yung mga nangunguha ng flags!"

Sumilip kami ng kaonti para makita ang sitwasyon. Mabilis na tumakbo sila Yel upang makatakas. Habang kasunod naman nila ang hindi bababa sa sampung lalaking nakamaskara.

Nagulat ako nang may tumakip sa aking bibig at hinila ako palabas ng halamanan. Pumalag ako pero wala pa ding nangyari.

"Sh*t Jeda. Ako lang 'to." bulong niya sa akin kaya napanatag ako.

"Bro paano ka nakatawid dito?"

"Sa paghahanap ko ng mga flags ay nakahanap din ako ng tulay papunta dito. Ilan na nahanap niyo?"

"Dalawa pa kang ang hirap kasi magdecode eh." sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Decode? Para saan?"

"Para mahanap yung flags. Bakit?"

"Wala naman akong natagpuan na gano'n nung nahanap ko yung mga flags ah." pagpapakita niya ng mga flags. Binilang ko ito at nakakuha na siya ng pito. Ibig sabihin isa na kang ang hinahanap namin.

Tila naramdaman ko naman na may patak ng basa sa braso ko kaya napatingin ako sa taas. Narinig ko namang napamura si Harley at agad niya akong hinila.

"Jeda listen to me. Nandito ako." nagpapanic niyang sabi sa akin pero lumilinga linga pa rin ako sa paligid. "Close your eyes."

Tila wala pa rin akong naririnig. He cupped my face. "Jeda please listen to me. Close your eyes."

Hindi ko alam pero sumunod ako sa kanya at kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

Rinig ko ang buhos ng ulan ngunit mas namayani ang pagkakarinig ko sa tibok ng kanyang puso. I don't know pero this is the first time na nabasa ako sa ulan ng hindi nagbrebreak down.

This is the first time na natuwa ako dahil sa ulan. At dahil iyon sa kanya.

Dahil iyon kay Harley...

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now