Brand X

15.5K 356 121
                                    

Jeda

Dinig ang kasiyahan at ang tawanan sa mga taong nasa paligid ko. Amoy na amoy ang alak at sigarilyo at kitang kita ang iba't ibang ilaw sa buong lugar. Lahat masaya. Lahat nagdidiwang maliban sa akin...

"So anong plano mo?" Tanong sa akin ng matalik kong kaibigan na si Astro.

"Hindi ko din alam eh." nanlulumo kong sabi at napatingin nalang sa may entrance ng bar na aming pinasukan.

"Girl, labing walong taon ka ng nakatapak sa mundo pero wala pa din masayang nangyayari sa buhay mo. Ni hindi ka pa nga na i-inlove dyan."

"Tsk. Palibhasa ang dami mong lalaki eh. " sabi ko nalang sa kanya.

"Let's have a deal." sabi niya kaya napatingin nalang ako habang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. " 'Yung pang sampung lalaking papasok diyan sa pinto ang lalapitan mo and magpapakilala ka."

"Ayoko nga! Mamaya drug addict pa edi napahamak pa ako."

"Ay sa bagay, eh anong gusto mo?"

Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil napatitig nalang ako sa pang-sampung lalaki na pumasok sa bar at ang masasabi ko lang, WOW.

"Earth to Jeda! Earth to Jeda!" bigla naman akong nahimasmasan at napatingin sa kanya habang siya ay nakakunot ang noo.

"Akala ko lumipad na utak mo papuntang moon eh. An'yare ba sayo ha?"

"W-wala! wala..." nagkibit balikat siya at ininom ng tuluyan ang vodka na natitira sa kanyang baso.

"Teka nga, so ano na ba? Dapat may maging target ka na. Jusko! Magcocollege na tayo at lahat lahat, nga nga ka pa din. " at dahil may tama na din ako may biglang sumagi sa isip ko. Siguro tama nga siya na masyado ng boring ang buhay ko at mas maganda kung may thrill naman.

"Alam ko na!" sabi ko sa kanya ng nakangiti

"Anong alam mo na?"

"Gusto ko magmahal ng bakla." nakangiti kong sabi sa kanya pero nawala ito nang bugahan niya ako ng iniinom niya.

"Nababaliw ka na ba?! Epekto ng alak?" Pinunasan ko ang mukha ko habang umiiling iling.

"Bakit? Anong masama sa naiisip ko?"

"Tinatanong mo kung ano ang masama? Gaga! sa dinami rami ng mga lalaki sa mundo bakit bakla pa ang naisip mo."

"Para may thrill tsaka syempre titingnan ko kung kaya bang baguhin ng power of love ang isang bading."

"Eh saan ka naman maghahanap ng bakla na mamahalin at babaguhin mo dahil sa POWER OF LOVE na yan" inemphasize niya talaga yung power of love. Tsk, palibhasa hindi naniniwala.

"Edi sa mga magiging kablockmate natin."

"Gaga paano pag wala?"

"Ewan ko basta hangga't maari kablockmate natin."

"Sabi mo eh. Goodluck nalang sa power of love na sinasabi mo. "

Madaling araw na din namin napagdesisyunan na umuwi. Naghiwalay na din kami since may kanya-kanya kaming sasakyan. Nang makita ko ang lalaki kanina pasakay na sa kanyang sasakyan at dahil wala naman akong magawa at wala na din ang amats ko naisipan ko na lang na sundan siya hanggang sa makarating kami sa isang building.

Agad naman siyang umakyat habang ako naman ay patuloy lang siyang sinusundan hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo niya at halos mawalam ako ng lakas nang ilabas niya ang isang pink bag.

Ano ba kasi 'tong pinaggagawa ko? Makauwi na nga lang.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced or utilized in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without permission in writing from the publisher.

Plagiarism is a crime.

This story is unedited, so expect typo, graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and whatsoever.

© aurierarey

Xtreme Series#1

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now