Epilogue: Part One

2.6K 48 9
                                    

Van

"Seriously?!" Hindi ako makapaniwala sa gustong ipagawa sa akin ng mga kaibigan kong ito. Actually, I'm having a doubt now kung kaibigan ko ba talaga ang mga ito.

Every three months naglalaban kaming magkakaibigan ng iba't ibang sports. Ang matatalo ay may dare na kailangang gawin sa loob ng tatlong buwan hangga't hindi pa napapalitan ang talo.

"You wanted me to wear, speak and act like a gay?!" These guys really know how to piss me off.

"Dude wala tayong magagawa. Kapag naman kami ang natatalo ginagawa namin yung dare ah." Nakangising sabi ni Rex.

"You even made me spend my three months in jail because of your fucking dare." Sabi ni Vince na ikinatango naman nilang lahat.

Wala na akong nagawa kung hindi pumayag. "All of you will pay for this. When am I going to start?"

"Later, 8pm.The Bar." Maikling sabi ni Frost.

Tumango na ako at umalis na. Baka hindi ako makapagtimpi at mapagsasapak ko na ang mga 'to.

Katulad ng sinabi nila ay nagkita-kita kami sa The Bar. I wore a pink long sleeves na tinernuhan ko ng pink bag. Mabuti na lang talaga at nag-iwan si Yel ng mga gamit niya sa condo.

Pagkakita nila sa akin ay nagsipulan na ang mga walang hiya. Napairap na lang ako sa kanila at hindi sila inintindi.

Buong gabi ay bugnot na bugnot na ako sa kanila. Pasalamat sila at natalo ako kung hindi kanina ko pa pinagsasapak ang mga ito.

Hindi na ako nagtagal pa at umuwi na rin pagsapit ng alas'dose. Paniguradong aabutin na ng umaga ang mga 'to. Wala rin naman akong magagawa eh. May pasok rin bukas kaya mas maganda kung makakapagpahinga na ako.

Kinaumagahan ay halos nagmamadali na akong mag-ayos ng sarili dahil tinanghali na ako ng gising.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng condo dahil ibang Van na naman ang gagawin ko.

Pagpasok ko ng room ay nandoon na ang lahat. Mabuti na lang at wala pang professor. Nakipagkwentuhan muna ako sa mga bago kong classmates, syempre using my gay voice and language nang maagaw ng isang babae kong kaklase ang buong atensyon ng klase.

"Ooopppss... Sorry!" Sabi niya habang nakapeace sign. Napailing nalang ako. Cute.

Pumasok na rin ang prof namin at inayos ang seating arrangement. Magkatabi kami ng babaeng tumawa kanina. I don't know but I really like her smile. Napag-alaman ko rin na ang pangalan niya ay Jeda. Syempre on act pa rin ako sa pagiging bakla ko.

Habang dumadaan ang mga araw ay naging close na rin kami ni Jeda at ng best friend niyang si Astro. Hindi ko alam pero naeejoy ko na rin ang dare na ibinigay sa akin ng mga kaibigan ko. Siguro dahil sa pag-aakalang bakla ako ay mas naging kumportable na rin sila sa akin lalo na si Jeda.

"Naks ang kapitana natin, nakangiti ngayon!" Panunukso ni Pierre.

Napatingin naman silang lahat sa akin.

"For the first time in forever!" Gatong pa ni Xander na ikinatawa ng lahat.

"Babae 'yan no?" kantyaw ni Vince.

"Problema 'yan bro. Hindi mo pa siya pwedeng ligawan hangga't hindi pa ikaw nakakatatlong buwan sa pagbabakla na 'yan."

Hindi ako nakapagfocus sa naging practice namin dahil sa sinabi ni Rex kaya nagkaroon ako ng minor injury. Dinala ako sa Shrine Med. Hindi naman gano'n kalala ang natamo ko pero kinakailangan ko daw munang magstay dito. Dinalaw rin ako ni Jeda pero pinagtabuyan ko siya.

Operation: Make him straightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon