Chapter Thirty Nine

1.6K 57 1
                                    

Chapter Thirty Nine

Sorry

"Kumusta na ang pakiramdam mo Jeda? Mabuti na lang pala dumating ako. Ang taas taas ng lagnat mo kanina."

Pinilit ko naman tumayo at ngumiti. "Ayos lang ako. Salamat nga pala."

Pinitik naman niya ako sa noo kaya napahawak ako sa dito."Ikaw talaga. Paano na lang pala kung hindi ako dumating."

Pumunta muna siya panandalian sa labas kaya pumikit muna ako ngunit bigla ba naman akong pitikin sa noo. "Tama na tulog. Kumain ka muna at nang makainom ka na ng gamot."

"Talagang pinanindigan mo na ang pagiging knight and shining armor mo sa akin ah." Pagbibiro ko sa kanya.

"Naaawa kasi ako sayo." Pabiro niya ring ganti ngunit tila may tama ito sa akin. Napansin niya naman ang pagkawala ng ngiti ko. "Bakit? May nangyari bang hindi maganda? Nag-away ba kayo ni Van?"

Umiling naman ako at tiningnan ang pagkain na hinanda niya sa akin. "Harley siguro kaya ka sumuko sa akin dahil napagod ka na no. Dahil sa mga ginawa ko na masasakit, napuno ka na at sumuko."

"Gano'n ba kaliit ang tingin mo sa akin?" napatingin ako sa kanya ngunit iniwasan niya na tumingin sa akin at mas piniling humiga sa kama. "Hindi ako tumigil dahil pagod na ako. Tumigil ako kasi nakikita ko na masaya ka na sa kanya. Tumigil ako kasi hindi ako yung karapat dapat para sayo."

"Paano mo nalaman na siya ang karapat dapat sa akin? Paano mo nalaman na masaya ako sa kanya?"

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko sabay inilagay sa kaliwang parte ng dibdib ko. "Dahil dito." At sunod naman niyang inilagay sa mga mata ko. "At dito. Kita sa mga mata mo ang kasiyahan Jeda."

"Bakit gano'n? Parehas kayo ni Frost. Handa kayong magparaya para lang sa mga taong mahal niyo. 'Yon ba ang konsepto ng pag-ibig?"

"Maraming konsepto Jeda. Marahil nagkataon lang na may dalawa kang kakilala na parehas ang konsepto ngunit hindi nangangahulugan na 'yon lang ang konsepto nito. Jeda kung hindi mo mamasamain, nag-away ba kayo ni Van?"

Napayuko ako sa tanong niya. Agad na bumalik ang imahe ni Van at Nami sa utak ko.

Namayani ang katahimikan sa buong kwarto. "Nakita ko sila Harley. Inutusan ni Nami si Van na halikan siya. Akala ko.. akala ko hindi gagawin 'yon ni Van pero nakita ko siyang yumuko papalapit kay Nami."

"Nakita mo bang hinalikan siya ni Van?"

"Hindi na ako nanatili do'n. Ayokong makita."

May kinuha siya sa kanyang bulsa at binigay sa akin. Isang panyo. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Agad akong tumingala para pigilan ito at pilit na ngumiti.

"Pinakinggan mo ba siya nang gusto niyang magpaliwanag sa'yo?"

Umiling naman ako bilang sagot.

"Jeda hindi naman sa kinakampihan ko si Van. Pero sa tingin ko mas maganda kung pinakinggan mo siya. Hindi maganda na magdesisyon ka ng dahil lang sa kung ano ang nakita mo. Mas maganda kung papakinggan mo muna siya bago ka humantong sa isang desisyon. Desisyon na maaaring makapagpabago ng lahat."

Matapos ng aming naging pag-uusap ni Harley ay umalis na siya dahil ipinapatawag na daw siya ng manager nila. Napagpasyan ko munang maglinis habang iniisip ang mga sinabi ni Harley nang may kumatok sa pinto.

"Jeda I need to talk to you."

Nagulat ako ng makita ko si Nami. No'ng una gusto ko siyang sabunutan pero naiisip ko ang mga sinabi ni Harley kaya mas pinili ko na pakinggan siya.

Napili niyang sa labas kami mag-usap kaya napadpad kami sa isang parke malapit sa tinitirahan ko. Bakas sa kanya ang pangangayayat at pamumutla. Hindi katulad nang una naming pagkikita halata na ngayon na may sakit siya. Nawala na ang pagiging masayahin niya.

"I'm leaving." Nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin naman siya sa akin ng nakangiti. "For good."

"B-bakit?" 'yan lang ang tanging mga salita na nasabi ko dahil sa gulat.

"I know you were there. No'ng sinabi ko 'yon kay Van, akala ko gagawin niya. Akala ko may pag-asa pa kaming dalawa kaso nagkamali ako. Nagkamali tayo." She paused for awhile. "Lumuhod siya sa akin. Nagmakaawa siya na magpagamot ako nang hindi siya ang dahilan. Sinabi niya na importante pa din naman daw ako sa kanya ngunit hindi na katulad ng dati."

Bigla akong naguilty sa inasta ko kay Van noon. Ito siguro yung sinasabi ni Harley na dapat ay pinakinggan ko muna si Van bago ako nagreact ng ganito.

"He really loves you. Doon ko naisip kung gaano ako kaselfish. Na puro nalang kapakanan ko ang iniisip ko. Kinuha ko yung oras na dapat para sa inyong dalawa. Na hindi ko man lang naisip yung mga taong nagmamahal sa aking sakaling mamatay ako. Jeda I'm really sorry." Nakita ko ang sinseridad sa mata niya kaya kinuha ko ang kanyang kamay at nginitian siya.

"Wala na 'yon. Aaminin ko na nagalit ako sayo pero hindi pa rin maaalis doon na tinulungan mo ako noon. Siguro kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo ay ganyan din ang gagawin ko."

"Pero Nami paano si Frost?" nagulat siya sa tanong ko.

"That guy." Nakangiti niyang bigkas. "Kakausapin  ko siya pagkatapos natin mag-usap. If ever na gumaling pa ako at nandyan pa din siya para sa akin... baka doon magstart ang lahat."

Napangiti naman kaming dalawa sa sinabi niya. Panigurado na magiging maganda 'yon kung sakaling magiging sila talaga at siguradong magiging responsible at mapagmahal si Frost na boyfriend.

"So paano ba 'yan.. I guess this is a goodbye. Kailangan mong kausapin si Van at ako naman pupuntahan si Frost."

Tumango naman ako at nagba'bye na sa kanya.

Habang pabalik ng bahay ay nakita ko si Van na naghihintay. Bakas sa kanya ang puyat at pagod.

"Jeda please listen to m—"

Hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na siya agad.

"You don't need to explain. Sorry Van dahil nagpadalos dalos ako."

Narinig ko naman na tila ay nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko at ginantihan na ang yakap ko.

"Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan. Halos mabaliw na ako lalo na sa mga sinabi mo kagabi."

Hinarap ko siya at nginitian.

"Kaya nga I'm sorry diba." Pagpapacute kong sinabi na ikinatawa niya.

"Pasalamat ka mahal kita." Nakangiti niyang sabi at mabilis na hinalikan ako sa labi.

"Hoy ikaw! Para-paraan ka ah!" sabi ko sa kanya.

"Sus, kunayari ka pa. Alam ko naman na miss mo na lips ko eh." Inirapan ko na lang siya.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now