Chapter Thirty One

2K 71 7
                                    

Chapter Thirty One

Too Late

Napatingin na lang ako kay Astro. Hindi ko pa din alam ang nararamdaman ko dahil kahit mismong ako ay nalilito.

Napabuntong hininga na kang siya at nilapitan ako. "Jeda alam kong kahit ikaw ay naguguluhan sa kung ano ngayon ang nararamdaman mo. Pero hindi pwedeng habang buhay ka na lang maguguluhan dahil tatlo kayong nahihirapan at nasasaktan sa sitwasyon."

"Bakit? Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito? Tahimik lang naman ang buhay ko noon ah. Kung hindi ko siguro tinul---"

"Kung hindi mo siguro tinuloy ang Operation:Make him straight na 'yan ay baka hindi tayo nandito ngayon. Baka hindi natin nakilala ang mga kaibigan natin ngayon. Jeda hindi porke't nasaktan ka ay sakit na lang ang maaalala mo. Bakit? Hindi ka ba naging masaya bago mangyari ang lahat ng ito?"

"Nahihirapan na kasi ako Astro! Ayokong saktan silang parehas! At naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin ko, alam kong may masasaktan at masasaktan ako sa kanila." hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng emosyon ko at napaiyak na lang.

"Pero Jeda hindi mo naman kasalanan ang masaktan sila eh. Una pa lang, alam na nila na kapag nagmahal sila kasunod noon ang mga katagang masasaktan sila." lumuhod siya para magkalevel na kami. "Dahil Jeda hindi lang ang pagpapabago ang Power of Love. Kaya rin nitong gawing matapang ang tao basta para sa pinakamamahal niya. Kaya nitong tiisin ang sakit para lang makitang masaya ang mahal niya."

Parehas kaming tahimik lang. Walang nagsasalita. Alam kong nakikiramdam lang din siya. Bakit? Bakit ngayon pa nangyari 'to?

"Astro posible ba na in love na talaga ako kay Harley nang hindi ko namamalayan?"

Tumango naman siya sa akin. "Posible naman. Maaaring hindi mo lang ito namalayan dahil nakafocus ka lang lagi kay Van."

Napaisip ako sa sinabi niya. Maari nga ba? Yung pagbilis ng tibok ng puso ko sa t'wing may banat siya. Yung mga oras na laging kami ang magkasama. Yung sakit na naramdaman ko kanina sa pagbitaw niya.

"Pero posible ring hindi." pahabol na sagot nito at nginitian ako nang tipid. "Dahil posible ring kaya ka lang nagkakaganyan dahil natatakot ka ng mag isa. Noon, laging si Harley ang takbuhan mo sa tuwing nasasaktan ka. He became your knight and shining armor. He became your comfort zone. Pero dahil sa pagsuko niya. Natatakot ka na magbabago na ang lahat at wala ka ng matakbuhan."

Napanganga ako sa sinabi ni Astro. Tila ba binuhusan niya ako ng malamig na tubig para magising sa katotohanan.

"Jeda maybe you're just afraid of being alone. Pero nandito ako at lalong nandiyan si Van. Hindi ko sinasabi 'to dahil lang sa mas boto ako kay Van. Let's be fair, palayain mo na si Harley para mahanap na niya din ang para sa kanya. Dahil kung lagi kang ganito pare parehas lang kayong masasaktan."

Siguro nga tama siya. Maaaring natatakot lang ako sa mga pagbabago. Pero hindi pa din maaalis no'n na mahal ko si Harley. Hindi man katulad ng pagmamahal ko kay Van pero alam kong mahal ko na din siya.

Lumipas ang araw at katulad nga ng inexpect ko ay hindi na niya ako gaanong pinapansin. Hanggang ngitian na lang tapos aalis na siya.

Lumipad na din papuntang America si Yel after ng trip namin dahil may aasikasuhin pa daw siya.

Kaya heto ako ngayon nakatambay lang sa bahay at walang ginawa kung hindu ang manood ng koreanovelas. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang nangyari. Yung feeling na nawalan ka ng isa sa malalapit mong kaibigan.

Nagvibrate naman bigla yung cellphone ko at napairap na lang nang makita ang pangalan ni Van. Wala talagang araw na hindi niya ako kinukulit. Ni hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa o mainis eh.

Mas minabuti ko nalang na hindi sagutin iyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ako tinigilan.

"Ano kelangan mo?" pambungad ko sa kanya.

"Wala man lang hello or  hi?"

"Van kung mang aasar ka lang, ibababa ko na 'to."

"May dalaw ka ba? Bakit ang sungit mo?"

"Ibababa ko na talaga 'to."

"Teka lang!" hinihintay ko nalang siyang magsalita. Narinig ko naman ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya. "7pm, sa gitna ng park niyo. Hihintayin kita."

6:45 pa lang ay naghihitay na ako sa gitna ng park. Mahirap na. Baka mamaya magalit na naman sa akin si Van kapag siya na naman ang naghintay.

Napatingin nalang ako sa paligid. Napakatahimik ngayon dahil wala masyadong tao. May mangilan ngilan pero mostly ay magpapamilya. Buti na nga lang at hindi magjojowa ang mga nandito kung hindi kanina pa ako nabibitter dito.

Napatingin naman ako sa relo at napansing dalawampung minuto na pala ang nakalipas. Bakit kaya ang tagal dumating no'n? Hindi porke't sanay na akong maghintay sa kanya ay lagi na lang niya akong paghihintayin. Mahirap kaya maghintay lalo na't hindi mo alam kung may hinihintay ka ba talaga.

Nagulat ako nang may biglang nagtakip ng mga mata ko. Balak ko pa sana pumalag pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Anong nangyayari? Bakit may ganito? Van nasaan ka na ba?

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Tiningnan ko ang damit ko dahil iba na ito. Ano ba talagang nangyayari? Nasaan na ba ako?

Paglabas ko ay sobrang dilim ng lugar. Sobrang tahimik din. Wala kang maririnig kung hindi ang mabilis na tibok ng puso ko at ang yabag na ginagawa ko. Bigla akong napayakap sa sarili ko dahil sa pagihip ng hangin. Napakalamig naman.

Pagbaba ko sa unang palapag ay may naaninag na akong liwanag. Sinundan ko ito at hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Your hand fits in mine like it's made just for me
But bear this in mind, it was meant to be
And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me...

Punong puno ng ilaw ang mga puno na nasa paligid namin at sa gitna nito ay isang blanket ang nakalatag kung saan naroroon si Van na kumakanta habang naggigitara.

I know you've never loved the crinkles by your eyes when you smile
You've never loved your stomach or your thighs, the dimples in your back at the bottom of your spine
But I'll love them endlessly

He's just wearing tokong and a fitted shirt pero sobrang gwapo na niyang tingnan. Lalo na't nakangiti siya habang kumakanta.

Lumapit na ako sa kanya ngunit tahimik lang ako. Ang ganda ng lugar. Ang ganda ng panahon.

I won't let these little things
Slip out of my mouth
But if I do
It's you
Oh it's you
They add up to
I'm in love with you
And all these little things

Matapos noon ay ibinaba na niya ang gitara at tiningnan ako. Hindi ko alam pero nang magtagpo ang mga mata namin ay halos hindi na ako humihinga. He literally took my breathe away.

"Jeda, okay ka lang ba?" nag aalala niyang tanong at tumango na lang ako. Triple sh*t Jeda bakit hindi ka man lang makapagsalita.

"Ganyan ba kalakas ang tama mo sa akin Jeda at hindi ka makapagsalita?" pabiro niyang sabi kaya tiningnan ko sa siya ng masama.

"Gaano ka kasiguradong in love pa din ako sa Van? Tell me." hamon ko dito.

Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi at nagsukatan kami ng tingin.

"Bakit Jeda? Am I too late? In love ka na ba sa iba? In love ka na ba kay Harley?"

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now