Chapter Sixteen

3.5K 159 28
                                    

Chapter Sixteen

Someday

Mamaya pang hapon ang program para sa anniverary ng university meaning mamaya pa yung performance namin. Nagbihis muna ako ng tamang damit para lumabas at makapag gala gala muna at makabili ng almusal.

Dumaan naman muna ako sa tindahan para makabili ng aalmusalin. "Ate pabili nga pong yosi."

"Anong yosi ineng? Aba'y bata ka pa ah." sabi sa akin ni ateng tindera.

"Yung HOPE po. Baka sakaling magkaroon na ako ng pag-asa sa kanya." sagot ko kay ateng tindera kaya napailing siya.

"Gamot gusto mo?" Tanong sa akin ni ate dahilan para mapangunot ang noo ko. "Gamot para sa puso mong nasasaktan. Mukha kasing may pinagdadaanan ka eh." napangiti na lang ako. Aba't galing din humugot ni ate ah.

"Joke lang naman yun ate. Ito naman, hindi mabiro. Pabili na lang po ng pambura."  hirit ko ulit. "Yung mabisang pambura ng feelings ko sa kanya."

Natawa naman sa akin si ateng tindera. " Alam mo hija hindi mo naman kinakailangang burahin ang feelings mo para sa kanya eh. Ang kailangan mo ay acceptance. Tanggapin mo na lang na minahal mo siya at ngayon kinakailangan mo naman na tanggapin na wala siyang nararamdaman sayo at kailangan mo ng magmove on."

Grabe naman magpayo si ate, tagos tagusan. Feeling ko babagay siya kay Shawn kung saka-sakali kaso mukhang imposible naman na magkakilala sila. Maliban na lang siguro kung ako gagawa ng paraan.

"Sige ate, salamat po sa payo. Alis na po ako." ngumiti naman si ate kaya umalis na din ako.

Habang naglalakad ako sa daan ay may nabunggo ako. "Ay sorry po." paghingi ko ng tawad sa nabunggo ko. Bigla naman akong tinaasan ng balahibo nang makita ang nabangga ko.

Isa siyang matandang babae na nakaitim na suot. Mayroon din siyang belo at sobrang dusing ng mukha niya. Ang sama din niyang tumingin sa akin. Siguro dahil nabunggo ko siya. "Lola sorry po. Hindi ko sinasadya."

" Buksan ang iyong mata sa mga bagay na hindi mo nakikita. Ang buhay ay patuloy na aagos kaya h'wag kang padalos dalos. Kung ayaw mong malunod, kung ayaw mong mahuli ang lahat gawin mo ang nararapat." Mapatapos niyang sabihing ito agad na siyang naglakad at umalis.

Anong ibig niyang sabihin? Bakit ba lahat ng taong nakakasalamuha ko ang lalalim magsalita? Hindi ba nila alam na ng internal bleeding sa ulo ko.

"Students ready na ba kayo?" Tanong ng emcee.

Lahat naman ng estudyante ay naghiyawan. Halata mo ang excitement sa kanilang mga mukha lalo na ang mga freshmen.

"Wow ang taas naman ng energy ng mga Luxurians pero alam kong mas tataas pa yan lalo na kapag nalaman niyo kung sino ang mga special guests natin."

Nagbulungan naman ang lahat at nagtataka kung sino ang bisitang tinutukoy ng emcee. Ako? Ito nanonood lang din pero hindi katulad nila na nag-eenjoy, ako naman ay kinakabahan. Paano ba naman kasi kakanta ako sa ganitong kadaming tao.

"Ang tanong handa na ba kayo?" Pampaexcite na tanong ng emcee lahat naman sila ay nag hiyawan. "Kung gano'n h'wag na natin itong patagalin pa dahil kahit ako ay naeexcite na sa kanilang pagbabalik. Ladies and gentlemen lets give around of applause for the Mythical 5!"

Yung kaninang hiyawan ay mas lalong lumakas. Sa sobrang lakas nga'y aakalain mong nasa concert ka na. Pagkalabas nila ay lalo pang nagsisigaw ang mga babae feeling ko nga mabibingi na ako eh. Ang sarap pag lalagyan ng scotch tape yung mga bibig.

"Hello Luxurians!" may energy na bati ni Elijah. Grabe ibang iba sila kapag nasa stage. Ramdam na ramdam mo talagang artista silang lahat. "Thank you for the warm welcome and this time hindi muna ako ang kakanta." Yung iba naman ay parang nanlumo sa sinabi niya kaya natawa na lang siya. "Huwag naman kayong ganyan. Ayaw niyo bang marinig kumanta si Harley?"

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now