Chapter Forty Two

1.6K 49 4
                                    

Chapter Forty Two

Useless

Months passed. Hindi ko naramdaman na isang sem na naman pala ang dumaan.

''Waahhh! 2nd year na tayo sa pasukan!" masayang sabi ni Astro na ikinatawa ko.

"Ito naman. Masyado kang OA. Pinagtitinginan na tayo ng tao oh." sabi ko sa kanya.

Nasa garden kami at katatapos lang ng last class namin for this school year. Hindi man ako katulad ni Astro na sinigaw 'yon pero parehas lang kami ng nararamdaman. Mas makapal lang talaga ang mukha ng babaeng ito.

"Ay nako bes! Halos patayin na tayo ng mga professors natin eh. Jusmiyo! Kung hindi ako nakapasa dito madedeads na ako kay ate Astreid not to mention na may asungot pang nakatira sa apartment. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive eh." sabi niya na ikinatawa ko nalang.

"Hanggang ngayon ay hindi pa din kayo nagkakasundo ni Red?" I ask her in disbelief.

Inirapan naman niya ako.

"Well.. Hindi naman sa hindi nagkakasundo pero hindi lang talaga natatapos ang araw nang hindi kami nag-aaway." sabi niya sa akin. "Kayo ni Van? Kumusta na?" pag-iiba niya ng usapan.

"Change topic ka." biro ko dito.

"Just answer it." pairap niyang sabi. Ilang beses na siyang umiirap ngayong araw. Hindi kaya nahihilo ang babaeng 'to sa ginagawa niya.

"Okay naman kami. Gano'n pa rin. Hindi lumilipas ang araw na hindi niya ako pinapakilig." sagot ko kay Astro while reminiscing everything after we got home.

Flashbacks

"Hey." pag-agaw niya sa atensyon ko. Nakatingin ako sa labas. Ang bilis naman ng oras parang kanina lang kami dumating tapos ngayon aalis na kami. "You, okay?"

Tumango naman ako sa kanya.

"Nakakalungkot lang na aalis na tayo agad. Nakakamiss din kasi tumira sa probinsya." sabi ko sa kanya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko. "Don't worry. Babalik tayo dito. Okay?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Talaga?!"

Bigla akong nahiya kay Van. Ano ba 'yan! Bakit 'di ko napigilan maexcite.

He chuckled. "Ang cute naman ng mate ko."

Napairap nalang ako at tumingin nalang sa labas. Ayan na naman tayo eh. Scene wrecker talaga kahit kailan.

'Your hand fits in mine like it's made just for me
But bear this in mind, it was meant to be'

Nagulat ako ng bigla siyang kumanta kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa daan pero kita ang ngiti sa kanyang labi.

'And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me...'

Hinalikan niya ang kamay ko. Halos wala ng pagsinlan ang kilig ko pero hindi ko ito ipinapakita sa kanya dahil baka mamaya maging scene wrecker na naman siya.

'I know you've never loved the crinkles by your eyes when you smile
You've never loved your stomach or your thighs,'

Nagulat naman ako kay Astro nang bigla niya akong batukan. "Hoy babaita! Kung magrereminisce ka lang din naman pala ngayon edi sana hindi mo na ako inayang sumama kumain."

"Sorry naman." sabi ko sa kanya habang hinihinmas ko ang batok ko. Ang sakit din kaya niya mambatok.

Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa school. Ice'celebrate lang daw namin ngayon ang pagkakapasa namin at syempre para makapagkwentuhan na din kami. Masyado na kasi kami naging busy this sem to the point na wala na kaming time para gumala. Kahit kami ni Van, after nang Bataan escapade namin ay minsan na lang kami nagkikita. Kung minsan nga ay nags'skype na lang kami talaga.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now