Chapter Seventeen

3.2K 125 13
                                    

Chapter Seventeen

Over

Some of us think holding on makes us strong; but sometimes it is letting go.
                -Hermann Hesse

Kasalukuyan ko ng inaayos ang gamit ko nang nabunggo ko yung diary ko at kumalat ang pictures namin ni Van noong nasa Skyranch kami. Agad ko itong inipit sa diary at tinago sa cabinet. Sa mga oras na ito ay ayaw ko muna iyon makita. Nagbeep ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino nag message.

From: K. Harley

Alam kong broken hearted ka my damsel and distress pero h'wag mo naman hintayin na pumuti ang uwak bago ka lumabas ng bahay mo. Tandaan, may pasok pa tayo. Mamaya na ang drama.

Napangiti naman ako sa text niya kaya agad ko na kinuha ang gamit ko at lumabas na. Nang nakita niya akong lumabas ay ngumiti siya at kumaway.

"Akin na 'yang bag mo." sabi niya at dali itong kinuha kaya hindi na din ako nakatanggi. "Hindi kita tatanungin kung okay ka lang dahil obvious naman na hindi. Lagi mong tatandaan na nandito lang lagi ako kaya h'wag mo yun kakalimutan. Okay?"

"Opo itay at tsaka paano ko naman makakalimutan yun kung lagi mo 'yan sinasabi sa akin." pabiro kong sabi. Mabilis lang ang naging biyahe namin dahil hindi traffic sa dinaanan namin. "Salamat Harley ah."

"No problem ika---" napatigil siya nang pakikipagusap sa akin nang magring ang phone niya. "Sige. Papunta na ako diyan. Oo, hinatid ko lang si Jeda." ibinaba na niya ito at tiningnan ako. "Alis na ako ah. Hinahanap na ako ni witch eh." Tumango naman ako sa kanya at ibinigay yung helmet.

Naglalakad na ako sa corridor nang maisipan ko munang magpahangin sa garden tutal ay maaga pa naman. Nagulat ako nang makita siyang nandoroon. Paalis na sana ako ngunit hinabol niya ako at hinawakan nang mahigpit ang aking kamay.

"Bitaw." malamig kong sabi sa kanya.

"Jeda, I'm so sorry. Triny kong humabol pero nahuli na ako. Hindi ko namang planong iwan ka sa ere eh. Sadyang may importante lang akong ginawa."  pag eexplain niya.

Marahas kong kinuha ang aking kamay at tiningnan siya nang matalim. "Van tama na. Tanggap ko naman na tanga ako dahil naisipan kitang paibigin at gawing lalaki. Pero Van yung pagmukhain mo akong tanga sa harap ng maraming tao, yung iwan mo akong magisa na nagpeperform. Van sobra naman ata yun" galit kong sabi sa kanya.


"Kaya please lang huwag ka munang magpapakita sa akin. Dahil sa mga oras na ito... Galit lang ang nararamdaman ko sayo. Pagod na kasi ako Van. Pagod na pagod" pakiusap ko dito. Hindi ko na napigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata.

"Jeda tingnan mo ako. Isang bakla, baklush, lambutin at hindi na natin mababago yun. Mas maganda na siguro kung lumayo ka na lang sa akin dahil hindi ako yung taong makakapagpasaya sayo." aniya

Tumawa naman ako at tumingin sa kanya nang matalim. "Alam ko Van, don't worry from now on the Operation: Make you straight is now over." matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay umalis na agad ako.

Ang sakit talaga sa dibdib na yung taong mahal mo ay kailanma'y hindi mapapasaiyo. Leche naman kasi tadhana pamali mali pa tapos yung kaibigan naman niyang si kupido mukhang malabo ang mata sarap icheck up sa EO eh.

"Miss yung mukha mo ang sarap iplantsa, lukot eh." napatingin ako sa nagsalita at lumakhi ang mga mata ko ng makita kung sino iyon.

"Jasper?" Gulat kong tanong.

"The one and only." nakangisi niyang sabi at tumabi sa akin.

Si Jasper ay isa sa mga kaibigan namin ni Astro noong high school. Lagi kaming magkakasama noon kaya lang kinakailangan niyang mag-aral sa ibang bansa kaya nahiwalay siya sa amin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Umupo naman siya sa tabi ko at nagpout. "Grabe ka naman sa akin tababoy. Kakarating ko lang tapos pinapalis mo na agad ako." madramang litanya niya kaya binatukan ko siya. "Aray! Ang bigat naman niyang kamay mo. Kung sabagay tababoy ka nga kasi." panunukso nito.

"Aba't talagang... Hoy yatot, hindi naman talaga ako mataba sadyang patpatin ka lang." ganti ko sa kanya.

Tumayo naman siya at pumunta sa harapan ko sabay nag poposing ng mala-Jake Cuenca. Umakto naman ako na parang nasusuka kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Parang kanina lang pinagbagsakan ka ng langit at lupa tapos ngayon inaasar mo na ako." sabi niya at umupo na din sa tabi ko.

"Hindi kasi sayo bagay yatot eh. By the way, paano mo naman nalaman na nandito ako? At kelan ka pa umuwi?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Kaninang lang naman din ako dumating. Dumiretso na nga agad ako sa school niyo ni Astro para makapagbonding tayo kaso sabi ng guard lumabas ka daw at parang umiiyak kaya hinanap kita. Bakit ka nga pala malungkot?" Biglang nawala ang ngiti ko sa tanong niya at naalala nanaman ang nangyari kanina.

"Wala, may nangyari lang kasi na hindi maganda at ayoko muna sana iyong pag-usapan." tumango naman siya at tumayo.

"Tara, mag ice cream muna tayo." pag aaya niya. Ito ang isa sa mga gusto ko sa kanya kahit mapangasar siya alam niya kung kailan siya titigil.

Double dutch ang inorder ko habang rocky road naman ang sa kanya kung nandito lang siguro si Astro paniguradong coomies and cream ang oorderin non. Halos nakakadalawang baso na ako nang maramdaman kong sumakit ang ngipin ko.

"Okay ka lang?" Nag aalala niyang tanong. Tumango na lang ako at inubos yung ice cream.

"You know I read a status on Facebook that a dentist once told him that letting go is like pulling a tooth. When it was pulled out, you were relieved, but how many times your tongue run itself over the spot where the tooth was? Probably, a hundred times a day. Just because it wasn't hurting you doesn't mean you didn't notice it. It leaves a gap and sometimes you see yourself missing it terribly. It' going to take a while, but it takes time. Should you have kept the tooth? No, because it causing you too much pain. Therefore, move on and let go."

Spell nganga. J-E-D-A, grabe talaga 'tong si yatot sumakit lang ngipin ko ang haba na agad ng sinabi pero in fairness may natutunan ako sa kanya.

"Tara na, hatid na kita sa inyo." sabi niya at tumayo na.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now