Chapter Forty Four

1.5K 48 4
                                    

Chapter Forty Four

Break up

Halos hindi ako nakatulog sa pag-iisip. Makakaharap ko na ang dad ni Van. Ang The 'Mighty Delgado' kung tatawagin pagdating sa business ay makakaharap ko na. Kung hindi ko lang talaga alam yung nararamdaman ni Van, hindi na ako sisipot eh. Feeling ko ngayon na ang panahon ng paghuhukom. Papasa kaya ako sa kanya? Matatanggap kaya ako ng dad niya?

Nagtext si Van sa akin na eight o'clock niya daw ako susunduin at doon daw kami maglulunch. Six pa lang pero naligo na agad ako at naghanap ng isusuot. Six-thirty na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon kung ano ba talaga ang susuotin ko. Kaya napagdesisyunan ko ng tawagan si Astro at mabuti na lang ay napapunta ko siya dito.

"Pasalamat ka talaga at bestfriend kita." bungad niya agad sa akin pagbukas ko ng pinto.

Simple pink dress ang pinili niya sa akon. Siya na din ang nagbraid ng buhok ko at nagmake up.

"Astro ano tawag sa ganitong style ng pagma'make up? Ang ganda ah parang hindi halata." sabi ko sa kanya. Mukhang tama lang talaga na siya ang tinawagan ko.

"No make up style tawag diyan. Para maenhance lang ang beauty mo." sabi niya at tiningnan ako ng kabuuan. "Perfect." nakapalakpak niyang sabi.

"Thank you bes ah. Baka kung ano nangyari sa akin kung wala ka. Kinakabahan kasi talaga ako eh."

"Nako! Wala 'yon! Ano ba naman ang gisingin ako ng maaga. Okay lang talaga." she said with sarcasm na ikinairap ko na lang.

Naputol kami sa pag-uusap nang marinig namin na may kumatok sa pinto. Biglang lumakas na naman ang tambol sa puso ko dahil feeling ko sinusundo na ako ni kamatayan.

"Ako na ang magbubukas." sabi niya at pumunta na sa living room. "Jeda bumaba ka na diyan! Nandito na prince charming mo!"

Napailing na lang ako sa sinabi ni Astro at bumaba na. Nakita ko naman agad si Van na nakangiti habang nakatingin sa akin. Nang makalapit na ako sa kanya ay inakbayan niya ako at binulungan.

"You look stunning."

"Hoy! Nandito pa ako. Baka makalimutan niyong dalawa." pagsingit na naman ni Astro na ikinairap ko. Mahal ko talaga 'tong babaeng ito eh. Pero minsan naiisip ko na ding tahiin ang bibig niya.

"Van may curfew si Jeda. Eksaktong alas'otso dapat nandito na 'yan." sabi niya na tila ba ay nanay ko. "Ikaw babae. Umuwi ka ng maaga. Dito muna ako mags'stay."

Matapos ng mahaba niyang litanya ay pinaalis na niya agad kami.

Dumaan muna kami sa drive thru dahil biglang tumunog ang tiyan ko. Nakalimutan ko nga pa lang kumain sa sobrang kaba. Mas pinili ko na lang munang tumahimik na kumain habang nakatingin sa labas. Nagulat ako nang biglang tumawa si Van kaya napatingin ako sa kanya.

"Nababaliw ka na?" nakakunot kong tanong sa kanya.

Saglit naman siyang tumingin sa akin at muling tumingin sa daan ng may ngiti pa rin sa labi. Ano kaya problema ng lalaking ito?

"Wala lang. It's just... masyadong halata na kabado ka. To the point na parang ka ng constipated ." sabi niya kaya hinampas ko siya ng malakas sa hita niya. "Ouch! What did I do? Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung nakikita mo lang yung mukh---- Ouch!" paghahampas ko na naman sa kanya.

"Isa pa Van! Kapag hindi ka tumigil bababa ako. Bahala kang humirap sa ate at daddy mo ng mag-isa." pagbabanta ko sa kanya.

Mabuti nalang at nadaan sa takot ang loko at hindi na nagsalita. Pero bakas pa rin sa kanya ang ngiti sa labi. May mga ilang beses pa nga na nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin ngunit binalewala ko lang 'yon.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now