Chapter Thirty Three

1.8K 62 3
                                    

Chapter Thirty Three

Genie

"Ahhh! Bakla ka! Bakit ni hindi mo man lang ako ininvite o sinabihan?" pagmamaktol ni Astro nang maikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.

"Imagine kasama mo ang Xtreme ng dalawang araw. Dalawang araw yun Jeda!"

"Eh hindi ko naman kasi alam na kasama sila at mags'stay pa kami do'n ng isang araw. Kinidnap lang nila ako."pagpapaliwanag ko sa kanya. "Kumalma ka nga!"

"Jeda paano ako kakalma? Sabihin mo nga. Jusmiyo! Tapos ngayon, inadd at tinag ka pa nila sa mga photos."

Nagkaroon kasi kami ng groupie at selfie matapos namin magbasaan. Remembrance daw at 'yon daw ang patunay na official muse na ako ng Xtreme. Ewan ko ba sa mga 'yon, ang daming pakulo.

"Astro may Red ka naman eh."panunukso ko sa kanya. Umakto naman siya na para bang nasusuka sa pinagsasabi 'ko.

"Jeda gusto mo ipagtimpla kita ng kape? Para kabahan ka naman sa sinasabi mo."

"Sus! Ang gwapo gwapo kaya ni Red. Sikat pa tsaka mabait. Saan ka pa?"

"Yung totoo, magkano binayad sa'yo ng unggoy na yun? Grabe ka kung makapuri eh. Tumitindig balahibo ko sa'yo!"

"Hindi mo lang matanggap kasi totoo." pang aasar ko sa kanya.

"Nako Jeda, tigil tigilan mo 'ko. Hindi ko gusto mga lumalabas diyan sa bibig mo. Feeling ko ipinakulam ka na ng lalaking 'yon.''

Napailing na lang ako sa ka in-denialan ni Astro. Samantalang halos lahat kami na nakapaligid sa kanila ay alam na may nararamdaman na sila sa isa't isa. Sadyang parehas pa lang silang hindi ito matanggap.

"Ewan ko sayo Astro! Humahanap ka pa ng ibang gwapo eh meron naman malapit sa'yo. Nasa apartment mo pa."naiiling iling kong sabi.

"Whatever Jeda."

Inaasikaso ko na ngayon ang mga requirements ko para sa next semester. Isang linggo na lang din kasi bago ito magsimula. Napagdesisyunan namin na sabay sabay kaming lahat mag enroll pero may mga naging biglaang lakad ang lahat.

Matapos ng isang madugong pilahan ay sa wakay nakaenroll na din ako. Napansin ko naman na maganda ang panahon kaya napagpasyahan ko na munang maglakad. Nakita ko naman ang isang billboard kung saan ang model ay si Harley. Kamusta na kaya siya? Matagal na din pala ang huling pag-uusap namin.

Napagpasyahan ko ng umuwi nang makaramdam ng pagod. Napansin ko naman na may kotseng nakaparada sa harap ng apartment ko. Paglapit ko sa may gate ay may biglang humawak sa aking balikat kaya agad ko itong sinunggaban.

"Aray Jeda! Masakit! Ganyan mo ba ako kamiss?" natatawa niyang sabi samantalang ako ay parang naging tuod.

"Ha-Harley?"

"The one and only" sabi niya at kumindat pa. "Namiss kita ah."

Muntik na akong mapairap sa sinabi niya. "Naks! Ramdam ko nga namiss mo ako eh. Akalain mo yun?" I told him in a sarcastic tone.

Miss na pala niya ako pero ni hindi man lang nagpaparamdam. Kahit hi man lang!

"Mukhang mas namiss mo 'ko ah."pabiro niyang sabi kaya sinuntok ko siya nang mahina sa tiyan. "Aray! Ang sadista mo ah."natatawang sabi niya.

Eto ang isa sa pinakanamiss ko. Yung kulitan naming dalawa.

"Kamusta ka na?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Eh kung papasukin mo muna kaya ako at tsaka na tayo magtanungan. Grabe ka talaga sa akin."

Doon ko narealize na kanina pa pala kami nag-uusap sa labas. Binuksan ko naman na agad yun at pinatuloy siya. Naghanda na rin ako ng merienda, knowing this guy paniguradong magdedemand yun ng kung ano ano bago sagutin ang mga tanong ko.

"So kamusta ka na nga?"

"Kung ako ang kinakamusta mo, medyo stress at pagod. Masyado na kasi hectic ang sched namin dahil sa comeback namin. Kung saan saan na ata kami pumunta makapagpromote lang." halata naman dito ang pangangayayat, marahil ay hindi ito nakakakain nang maayos dahil sa puno ang schedule.

"Kung yung puso ko naman... I'm still trying to move on." bigla kaming natahimik. "Hindi naman kasi gano'n kadali yun pero unlike before hindi na ako umaasa na hihigit pa tayo sa pagiging magkaibigan."

"Harley..." yun lang ang nasabi ko. Nginitian naman niya ako pero hindi nabawasan yung sakit sa pakiramdam ko dahil ang mga ngiti na yun ay hindi tulad ng dati... yung ngiti na abot hanggang mata.

"Jeda you don't need to be sorry. Wala kang kasalanan." pagpapagaan niya ng loob ko.

Gusto kong bumawi sa kanya. Kahit sa maliit na paraan lang. Kahit sa ganoon lang ay mabawasan ko yung bigat na nararamdaman niya.

"Free ka ba ngayon? What I mean is wala ka bang schedule ngayon?'' pag-iiba ko ng usapan.

"Wala. Binigyan kami ng isang araw na day off. Bakit?"

"Sa araw na ito ay ako ang magiging genie mo. At bibigyan kita ng tatlong kahilingan! Kaya dapat maging maingat ka dahil sa oras na makapagwish ka na, hindi mo na maibabalik 'yon." sabi ko sa kanya habang umaacting na parang genie katulad ng nakikita ko sa mga palabas. Natawa naman siya sa mga pinaggagawa ko kaya napangiti na din ako. Mukhang effective ah.

Humawak naman siya sa kanyang baba at mistulang nag iisip para sa una niyang kahilingan. Mukhang sineseryoso nito ang pag iisip ng wish at kinakailangan niyang maghanda dahil dito. Hindi niya alam kung baliw na ba siya o sadyang parang may light bulb na lumabas sa itaas ng ulo ni Harley at mukhang hindi niya din magugustuhan ang sasabihin nito.

"Kailangan... Magcross-dress tayong dalawa bukas. Since we'll be having our first friendly date after what happened."

"What?! Are you serious?" gulat kong tanong sa kan'ya. Lalabas kami ng gano'n.

"Do I look like I'm joking?" seryoso niyang sabi kaya napabuntong hininga nalang ako. "Seven am pupunta na agad ako dito. For my second wish, please kahit bukas lang. H'wag mo munang ipamukha sa akin na si Van ang laman ng puso at isip mo. Please give me that day. Kahit yun lang."

Tumango na lang ako. "Your wish is granted." nginitian niya lang ako at nagpaalam na siya.

Hanggang ngayon alam kong hindi pa rin siya nakakamove on but I know he's trying. He's doing his best just to save our friendship.

Napatingin ako sa phone ko at nakitang may 3 missed call at 5 na messages. Lahat yun ay galing kay Van kaya tinawagan ko na siya.

"Van?"

"Nakauwi ka na? Bakit hindi ka nagrereply? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?" Bakas ang pag aalala sa boses nito.

"Dumalaw kasi si Harley. Nagkamustahan lang. Nakasilent phone ko kaya hindi ko napansin."

Naging tahimik naman sa kabilang line pero rinig ang sunod sunod na paghinga ni Van.

"Gano'n ba? May gagawin ka ba bukas? Gusto mo sumama? Mat gagawin kasi kami ng Xtreme."

"Van ano kasi eh... Nakaoo na ako kanina kay Harley na sasamahan ko siya bukas. Bawi nalang ako sa susunod." alangang sagot ko dito.

"Gano'n ba? Sige. Pakasaya ka na lang." ramdam ko ang pait sa boses niya na ipinag-alala ko. Alam kong galit siya dahil dito kaya tinawagan ko siya pero hindi na niya ito sinagot.

Bigla namang may lumabas na dalawang text sa akin.

From: KnA Harley

See you tomorrow. Good night:)

Sinunod ko naman yung isa pang message na galing kay Van.

From: Alpha V

I'm tired. Matutulog na 'ko.

Napabuntong hinga na lang ako at itinago na yung phone. Alam kong galit siya pero sana naman intindihin niya ako. Kung papapiliin man ako, alam kong siya pa rin naman ang pipiliin ko. Sadyang, kailangan lang ako ngayon ni Harley at baka kainin ako ng konsensya ko kapag hinayaan ko lang yun nga gano'n.

Ang hirap naman! Ang hirap maging maganda. Char

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now