Chapter Thirty Four

1.6K 60 1
                                    

Chapter Thirty Four

Help

Hindi ko mapigilang mafrustrate habang nakatingin sa salamin. Never kong naisip na magsusuot ako ng damit panglalaki at ang masaklap pa ay lalabas ako ng gan'to. Kainis kasi yung lalaking 'yon. Hindi ko naisip na pagtritripan ako no'n. Mukhang ginantihan ako dahil sa ginawa ko siyang Hailey dati.

May kumatok naman sa pinto kaya agad na akong lumabas. Nakita ko si Harley na nakabihis babae na agad kong ikinatawa. Hindi dahil sa hindi bagay sa kanya kung hindi sa pose niya.

"Hay nako! Kanina pa ako naghihintay ah! Alam mo bang masamang pinaghihintay ang mga babae." maarte niyang sabi na dahilan nang pagngiwi ko. Para siyang ipis na inipit sa boses niya.

"Buti sana kung babae talaga siya." pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka?"nakataas kilay niyang tanong kaya inirapan ko na lang siya.

Masyado atang tinopak ang lalaking 'to at dinala pa talaga ako sa isang mall. Parehas kaming pinagtitinginan hindi dahil sa nakacross dress kami kung hindi dahil sa...

'Ang gwapo naman nung lalaki.'

'Bagay sila.'

'Grabe! Match made in heaven silang dalawa.'

Jusmiyo! Ni hindi man lang ba nila napansin na babae ako. Ang nakakairita pa ay kinikilig pa yung iba girls sa akin. Like duh! Di kaya kami talo.

Tiningnan ko naman ang kasama ko at nakita kung gaano siya naaliw sa nangyayari. Parang dati lang ayaw niya ng ganito ah.

"Hoy Harley masyado mo naman atang ineejoy 'to." pabulong kong sabi sa kanya at pasimple siyang kinurot sa tagiliran.

"Aray!" biglang sigaw niya kaya napatingin lahat ng tao sa amin. "Aray honey! Natapilok ako." pagarte niya na ikinairap ko. Nakisabay na lang ako at tinulungan siyang makaupo.

"Chill ka nga lang Jeda. Hindi mo ba naeenjoy ang pagtatago mo ng katauhan."

"Hindi ko naman kasi kailangang magtago. Hindi katulad mo." nagpout naman siya sa sinabi ko. "Isa pang pout mo, hihilahin ko na 'yang nguso mo." saway ko sa kanya. Kung akala niya cute siya sa ginagawa niya. Pwes, tama siya kaya naiinis ako. Insulto sa akin na ang lalaking ito ay maganda pa kaysa sa akin na totoong babae.

'Ay kawawa naman yung babae, mukhang LQ sila.'

'Grabe naman yang lalaking 'yan.'

Napairap nalang ako sa mga naririnig ko. Wala ba talaga silang magawa sa buhay at nakikichismis pa sila. Mga wala namang alam sa nangyayari tapos ang galing makielam.

"Ano bang gusto mong gawin?"

"Manood nalang kaya tayo ng movie." suggest ko sa kanya. At least doon kahit papaano tahimik.

"Sige. Ano ba gusto mong panoorin?"

"The Purge na lang. Hindi ko pa kasi napapanood yung 3 no'n eh." tumango nalang siya at bumili ng ticket at snacks.

Pinagmasdan ko lang siya habang nasa sulok. Nang may kumalabit sa akin. Tiningnan ko naman yun at nakita ang isang lalaki na nakangiti.

"Miss kapatid mo ba yung babae na kasama mo?"napataas naman ako ng kilay.

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" mapanuri kong tanong.

"Balak ko sanang magpakilala eh."nahihiyang sabi ng lalaki habang hinihimas himas niya ang kanyang batok

Operation: Make him straightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon