Chapter Nine

4.3K 206 26
                                    

Chapter Nine

Safe and Sound

Nagpapractice na kami ngayon ng kakantahin namin. Mabuti nalang at naging okay na din yung atmosphere. Kasalanan ko ba na OTWOLista ako at hindi ko mapigilang matuwa nang malaman kong pumayag siya na 'yun ang ipeperform namin. Biruin mo ako si Leah tapos siya naman si Clark. Ang pinagkaiba nga lang bakla siya habang si Clark naman hindi.

"Hoy babae! Magconcentrate ka nga, uulit na naman tayo." iritang irita na siya sa akin dahil pangatlong beses na kaming umuulit.

"Sorry naman po. Sige na, iplay mo na." nagulat ako nang tumayo siya sa may T.V at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi ko mapigilang humanga sa baklitang ito. Lalaking lalaki kasi ang dating niya basta't hindi lang siya mag sasalita at aaktong pang baklush.

Nang magsisimula na siyang kumanta ay ibinukas niya ang kaniyang mata at nakatitig lang sa akin na tila ba nangungusap.

Just smile for me and let the day begin
You are the sunshine that
Lights my heart within

Tumayo naman ako at sinimulan na ding kumanta. Tila tumigil ang oras at ang tangi ko lang nakikita ay siya at ako.

I'm sure that you're an angel in disguise
Come take my hand and together we will ride

Tuluyan na kaming magkalapit at coffee table nalang ang naghihiwalay sa amin.

On the wings of love

Up and above the clouds

The only way to fly is

On the wings of love

Nagulat na lang kami nang biglang namatay ang ilaw at kasabay nito ang pagbuhos ng ulan. Wala akong makita sa paligid dahil gabi na din.

"Van? Nasaan ka?" Ilang beses ko pa siyang tinawag pero wala man lang ako narinig. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero kasabay ng pag kulog ay ang pagbalik din ng mapait kong ala-ala. Ang mga ala-alang matagal ko ng kinalimutan.

"Van please naman oh. Magpakita ka na!" Naiiyak kong sabi. Napaupo na ako sa sahig dahil bumabalik na naman ang nangyari. Naramdaman kong may yumakap sa akin sa likod. Hindi ko man nakakikita alam kong siya iyon. Ilang oras kaming nanatili sa ganoong pwesto. Alam kong naghihintay lamang siya na magkwento ako.

Five years old ako nang mangyari ang lahat. Galing kami sa isang party kasama ang aking mga magulang. Gabi na noon at umuulan pa.

"Mommy bukas pasyal ulit tayo." nakapuppy eyes kong sabi.

"Sige anak. After natin mag church pupunta na tayo sa EK. Gusto mo ba yun?" Nakangiting sabi ni mommy habang binibihisan na ako ng pantulog.

"Yehey! Gagala ulit kami." nagtatalon kong sabi. Nagulat kami nang may marinig kaming putok ng baril. Agad akong yinakap ni mommy.

"Ariela itakas mo na ang anak natin!" Narinig kong sigaw ni Daddy. Agad naman akong itinago ni mommy sa isang secret door papunta sa music room. Doon kami madalas na nagpipiano ni mommy.

"Anak ipromise mo kay mommy na hindi ka lalabas ng room na 'yan hanggat nandito pa yung mga bad guys ha." naiiyak na sabi ni mommy.

"Paano  ka mommy tsaka si daddy?" Umiiyak na tanong ko dito.

"Shhh.. H'wag ka na umiyak. H'wag kang mag-alala sa amin ng daddy mo. Lagi mong tatandaan na lagi lang kaming nasa tabi mo kahit anong mangyari." lumabas na siya ng kwarto at isinara ito.

Nakarinig naman ako ng pagtatalo. Alam kong boses ni mommy yung naririnig ko.

"Nasaan siya Ariela?! Ilabas mo siya!" narinig kong sabi ng lalaki.

"Iñigo h'wag mong idamay si Jaydiah nagmamakaawa ako."

"Buhay ng anak ko ang nawala dahil sa inyo kaya buhay din ang kabayaran! Ilang beses akong nagmakaawa sa inyo para lang buhayin niyo ang anak ko pero ano ang nangyari? Wala! Namatay siya. Pinatay niyo siya!" Tinakpan ko ang bibig ko sa mga narinig ko.

"Nagkakamali ka. Alam nating hindi na siya maililigtas. Ginawa namin ang lahat pero hindi ni kinaya ni Rai. Walang may gusto sa mga nangyari kaya parang awa mo na patawarin mo na kami." Narinig kong sabi ni mommy pero matapos nito ay nakarinig na naman ako ng putok ng baril at namayani na ang katahimikan.

Maingat kong binuksan ang pinto at ang unang tumambad sa akin ay ang wala ng buhay na katawan ng aking ina. Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya.

"Mommy! Gising ka na mommy!" Niyugyog ko pa siya. Sunod nito ay nakarinig na ako ng sirena ng pulis inakay na nila ako palabas. Nakita ko ang mga nagkukumpulang tao pati na ang katawan ng walang buhay na katawan ng aking ama. Lalapit pa sana ako pero dinala na nila ako sa ambulansya.

"Van limang taon lang ako noon pero bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng iyon? Bakit kinuha nila sa akin ang mga magulang ko?" umiiyak kong saad.

"Marahil ay may dahilan ang Diyos kaya nangyari ang lahat. Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari mabuti pa rin Siya sa atin dahil kailanman ay hindi Niya tayo pinabayaan."

I remember tears streaming down your face

When I said, "I'll never let you go"

When all those shadows almost killed your light

Nagulat ako nang bigla na lang siyang kumanta. Naririnig ko ang lakas ng ulan at kulog sa labas ngunit hindi katulad kanina ay guminhawa na ang pakiramdam ko.

I remember you said, "Don't leave me here alone"
But all that's dead and gone and passed tonight

Kasabay ng pagkanta niya ay ang malakas na pagtibok ng aking puso. Tila napawi lahat ng aking takot.

Just close your eyes

The sun is going down

You'll be alright

No one can hurt you now

Come morning light

You and I'll be safe and sound

Marahil tama nga siya dahil kahit sobrang saklap na ng aking pinagdaanan ay may Van Delgado na dumating sa buhay ko upang pawiin ang lungkot na nadarama ko...

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now