Chapter Seven

5K 231 37
                                    

Chapter Seven

Passenger seat

Late na akong nagising mabuti na lang at walang pasok. Kumukulo na ang sikmura ko kaya napagdesisyunan ko na lang na kumain sa labas. Naligo muna ako at nagready na. Nakakahiya naman kasi kung nakapajama akong lalabas.

Paglabas ko ay may nakita akong BMW Z4 na sasakyan. Bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang napakamanly na lalaki. At ang lalaki na yun ay si Van. Nakaleather jacket, ang panloob nito ay black shirt at sa baba naman ay black pants at black rubber shoes.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya habang sinasara yung gate.

"Yung project, remember?" Tumango tango naman ako. Nagulat naman ako nang bigla na lang niya akong hilahin at ipinasok sa sasakyan. Heto na naman po kami sa hilahan at hatakan. Umikot na siya at pumasok ng sasakyan.

"Kung hindi pa kita hinila malamang kanina pa tayo makakarating."

Hindi ko alam kung bakit napakamanly niya kumilos at magsalita. Feeling ko nga hindi si Van yung kasama ko ngayon eh. Hindi kasi siya yung Van na babakla bakla, as in sobrang seryoso niya lang.

Tahimik lang kami habang bumabyahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sabi naman niya magpaplano na kami para sa project namin. Pipili kasi kami ng ipeperform its either singing or dancing. Nakatingin ako sa labas ng biglang kumulo yung tiyan ko. Nakita ko siyang nakangiti kaya nahiya ako.

"Hehe.. Sorry hindi pa ako kumakain eh." nahihiyang sabi ko dito.

Umiling iling lang siya at lumiko nalang bigla. "Mukha nga."

Nagdrive thru kami sa may Jollibee. "Isang Aloha, XL na fries, 2pcs Chicken, Burger Steak, sundae at ice tea"."

"Okay po, sir." umalis na yung babae at inasikaso na ang inorder niya.

"Hindi ka pa din kumakain?" Tanong ko sa kaniya. Ang dami niya kasing inorder.

"Para sa'yo lang 'yan. Alam ko namang malakas kang kumain eh."

"Hindi kaya." pagtatanggi ko kahit tama naman siya sa sinabi niya. Dumating na yung order namin at inabot niya ito sa akin. Nagbayad na din siya at nagdrive na.

"Kunyari ka pa eh. Kaya mo ngang kumain ng apa---sdfghjkl" hindi ko na naman narinig ang sinabi niya dahil pabulong nanaman ito. "Oh ano hindi ka pa ba kakain? Akala ko ba gutom ka?" Kumain naman ako at tama nga siya kayang kaya kong ubusin yung mga inorder niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe. Ginising niya ako kaya nag-inat ako at lumabas ng sasakyan. Binasa ko ang sign na nakalagay.

"Paradizoo?! Nasa zoo tayo." gulat kong tanong sa kaniya. Ang sabi gagawa kami ng project tapos nandito kami ngayon sa zoo. Sabihin niyo nga sinong hindi magugulat.

"Bakit anong problema mo sa zoo?"

"Ang sabi mo kanina pag-uusapan na natin yung project tapos dito mo ako dinala. Ni hindi mo man ako ininform. Tingnan mo nga suot ko oh short tapos t shirt."

"Next week pa naman yun ipepresent eh. Sa ngayon mag-enjoy muna tayo."

"Pero paano naman yung suo---" pinutol niya ang sasabihin ko at nilagay nalang yung leather jacket niya sa akin.

"May problema ka pa?" Umiling ako at tumabi na sa kaniya papuntang entrance.

Naghorse back riding agad kami. Noong una ay ayaw niya pa kaso inaasar ko siya na takot kaya nakiride na. Nang gumalaw yung kabayo ay bigla niya akong yinakap dahilan ng aking pagkagulat.

"A-ano bang problema mo?"

"Gan'to muna tayo habang nakasakay dito. Natatakot kasi akong mahulog"sabi niya sa akin habang nakayakap. Ikaw natatakot pa lang mahulog samantalang ako nahulog na. Nahulog na sayo.

Pagkatapos naming sumakay sa kabayo ay naglibot libot na kami. Madami kaming nakitang iba't ibang uri ng hayop at ang pinakabest part doon para sa akin ay yung nagpakain kami ng milk sa mga baby goat. Nang mapagod na kami sa kalilibot ay pumunta muna kami sa café nila at kumain.

Inaya na ako ni Van na umalis na kami dahil may iba pa daw kaming papasyalan. Labag man sa aking loob na iwanan yung mga animals ay wala din akong magagawa. Wala akong masyadong dalang pera at baka iwanan niya pa ako at maglakad pauwi.

Nakarating na kami sa aming susunod na destinasyon at ito ay sa People's Park in the Sky. Manghang mangha ako sa lugar na ito as in breath taking talaga yung view na ito. Pinicturan ko yung lugar at syempre hindi mawawala ang selfie moments ko. Magpipicture pa sana ako pero hinila nanaman ako ng kasama ko.

Nagrent kaming dalawa ng bike pero noong nalaman niya na hindi ako marunong ay inangkas niya na lang ako. Tuwang tuwa ako habang nagbibike. Ang ganda na nga ng view, hindi pa ako nahihirapan.

"Naks naman mahal na prinsesa tuwang tuwa ka diyan ah." sarkastiko niyang sinabi sa akin.

"Sino ba nagisip at nagpilit na magbike tayo?" ganti kong sabi dito.

Hindi na siya nagsalita dahil alam naman na niyang matatalo siya sa akin pagdating sa barahan. Si Harley lang naman kasi ang talagang mahilig na mambara sa akin.

Napagod na siyang magpedal kaya pumunta naman kami sa fish spa. Hindi ko mapigilan tumawa dahil sobrang nakakakiliti talaga yung pagkagat ng mga maliliit na isda sa paa namin. Tiningnan ko naman si Van kung nag-eenjoy siya. Mas lalo akong natawa nang makita yung itsura niya. Nakakagat labi kasi siya at halatang nakikiliti din. Tiningnan niya ako nang masama kaya ibinalik ko na lang ang tingin sa mga maliliit na isda.

Inabot na kami ng gabi sa park. Ang buong akala ko ay uuwi na kami pero nagdrive ulit siya at nakapunta sa Skyranch. Sumakay kami ng iba't ibang rides katulad ng roller coaster, anchors away at carousel.

"Sakay tayo ng ferris wheel." pag-aaya niya sa akin. Pumayag naman ako dahil excited din ako makita ang view kapag nasa taas na.

Nakasakay na kami at tuwang tuwa akong pinagmasdan ang paligid. Nagpipicture naman ako ng lugar at nagselfie na din habang yung kasama ko naman ay nakatingin lang sa labas.

"Selfie tayo." aya ko sa kaniya. Pumayag naman siya pero nag low battery na ako kaya hindi na natuloy. Natapos yung ikot sa ferris wheel na bagsak ang mukha ko.

Napansin niya ata ito kaya pumunta kami ng photo booth at doon nagpapicture. Tiningnan ko ang mga kuha namin. Itatago ko na sana ito nang mapansin kong wala na siya sa tabi ko. Hinanap ko agad siya nang makitang tumatakbo siya papalapit sa akin.

"Saan ka nanggaling?" Tanong ko sa kaniya.

"May kinuha lang ako sa sasakyan. Akin na muna yung pictures." ibinigay ko naman ito sa kaniya at nakitang pinicturan niya ito gamit cellphone niya pero hindi siya marunong kaya ako na lang ang kumuha ng pictures. "Para may remembrance. Tara uwi na tayo."

"Sige." pagsang-ayon ko sa kaniya. Gabi naman na kasi at mahaba pa ang byahe namin. Bonus na lang kung hindi traffic.

Nasa bandang Cavite na kami nang maisipan niyang buksan yung radio. Ako naman ay nakatingin lang sa labas habang nakikinig sa kanta.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car

Hindi ko alam kung bakit pero bakit feeling ko masyado naman ata kaming pinaglalaruan ng tadhana biruin mo sa lahat ng kanta 'yan pa mismo.

And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Ipinikit ko na lang ang mata ko at nagbabaka sakali na makakatulog at maiiwasan ang sitwasyon na ito pero hindi ko magawa. Para bang may nagtutulak sa akin na h'wag matulog.

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Nagulat ako nang sinabayan niya yung kanta. Nanatili lang akong nakapikit at nakikinig sa kaniya. Sabihin niyo ng feeler o assuming ako pero feeling ko talaga para sa akin yung kanta niya.

Van Delgado why are you doing this to me?!

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now