Chapter Fourteen

3.9K 172 27
                                    

Chapter Fourteen

I'm sorry

Gumising ako ng maaga para makapaghanda na. Bukas na ang performance task namin pero hindi pa din kami nakakapag-usap ni Van. Plano ko na ngayon siya kausapin at linawin ang lahat.

Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng apartment. Nagulat ako nang may isang bulto ng lalaki sa may pader. Napahawak ako bigla sa puso ko sa sobrang gulat. Napansin niya naman ako at ngumiti. Si Harley lang pala akala ko naman kung sino.

"Oh ganyan ba ang epekto ko sayo kapag nakikita mo ako?" Nilapitan ko naman siya at kinurot sa tagiliran. "Aray naman Jeda! Kung kinikilig ka sabihin mo lang. Hindi mo na ako kailangang saktan."

"Ewan ko sayo Harley. Ang aga-aga binibwisit mo na ako." sabi ko sa kanya at nauna ng maglakad. Hinabol naman niya ako at sumabay sa akin. Tiningnan ko naman ang paligid at hinanap ang motor niya. "Nasaan na motor mo?"

"Hindi ko muna dinala gusto ko kasi na matry magcommute kasama ka." napairap na lang ako pero aaminin ko may konting kilig akong naramdaman sa sinabi niya. "Uyyy kinikilig na siya." panunukso niya sa akin kaya naglakad na ako nang mabilis. Ayoko kasi na makita niyang tumatalab yung mga banat niya sa akin.

At dahil mas matangkad siya sa akin mabilis niya akong naabutan at sinabayan sa paglalakad. Dumating naman na kami sa may sakayan ng jeep at naghihintay ng masasakyan.

Pansin sa tao ang pagkagulat nang makita nila si Harley sa sakayan. Sino nga ba namang artista ang mag iisip na magcommute samantalang alam naman niya na may chance na pag kaguluhan siya ng mga tao.

Mabuti na lang at dumaging na ang sasakyan namin at sinadyang pumwesto sa may bukana lang. "Psst." Tawag ko sa kanya dahil magkaharap kami. Nakita ko naman na yung ibang mga babae ay nag uunahan para makaupo sa tabi niya kaya tinawag ko na siya.
Napatingin naman siya sa akin nang nakakunot ang noo.

"Bakit?" Mahinang sabi niya. Nag mwestra naman ako na umupo siya sa tabi ko pero kumunot lang ang noo niya. Unti unti namang napupuno yung jeep kaya hinila ko na siya palapit sa akin at pinaupo siya sa tabi ko. Bale siya ang nasa pinakabukana habang ako naman ang katabi niya.

Nakita ko naman yung babae na kaninang katabi niya na masama ang tingin sa akin ngunit binale-wala ko yun. Talandi kasi. "Kung nakakamatay ang tingin panigurado patay ka na." bulong niya sa akin.

Tiningnan ko naman siya ng masama. "At kung nakakamatay ang tingin panigurado ikaw ang uunahin ko." nagpeace sign naman siya. Nakita ko naman na hindi na siya kumportble dahil masikip na talaga. Ito ang isa pang problema sa mga barker eh. Sisigaw ng tatlo pa or kahit ilan hindi niya man lang makita na masikip na. May mga bagay kasi na dapat hindi pinagpipilitan.

Binigyan ko siya ng panyo. Tinaggap naman niya ito at nagpunas ng pawis sa mukha niya. Napansin ko naman yung babae na kaharap niya na kung kiligin ay akala mo mangingisay na. Ako na ang nagbayad para sa aming dalawa. Akalain mo ba naman sasakay lang siya ng jeep puro tag iisang libo at limang daan ang dala. Halatang rich kid 'tong lalaking ito.

Bumaba na kami nang nasa may tapat na kami ng school at halos matawa ako dahil sa sobrang pawis niya. "Araw araw ka bang nagcocommute?" Sabi niya habang nagpupunas ng pawis. Nakita ko naman na yung mga nasa harap ng estudyante na nakatingin sa kanya at pinipicturan siya. Kahit saan talaga agaw atensyon ang lalaking ito.

"Oo, bakit?"

"Grabe. Buti nakakaya mo yun araw araw." hindi niya makapaniwalang sabi dahilan para mapatawa ako.

"Rich kid ka kasi." sabi ko sa kanya at nagumpisa ng maglakad.

Mabuti na lang talaga at magdesisyon akong maaga pumasok. At least, wala akong hinahabol na oras.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now