Chapter Nineteen

2.8K 123 13
                                    

Chapter Nineteen

Yel

Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko kinakailangan ko silang sundan. Mabuti na lang at maagang nagdismiss si sir at triny ko silang hanapin sa buong campus ngunit nabigo ako. Nang maramdaman ko ang tawag ng kalikasan ay dumiretso agad ako papunta sa CR. Sa kasamaang palad ay malayo na ang aking napuntahan sa main campus kaya dadaan na lang ako sa shortcut na tinuro nila Harley sa amin.

Padiretso na sana ako nang makarinig ng nag uusap. Noong una ay hindi ko ito pinansin ngunit tila pamilyar ang boses ng mga ito kaya nag tago ako at nakinig sa kanilang usapan. Hindi ko alam kung bakit parang umurong bigla yung dapat kanina ko pa nilabas.

"Robi bakit ba ayaw mo akong kausapin? Nandito na naman ako ah. Tinupad ko naman yung pangako ko sayo na babalik ako." biglang nanlaki ang aking mga mata dahil ang taong magkausap pala ngayon ay si Van at Anastasia.

"Pwede ba Yel tigilan mo na ako." iritableng sagot ni Van. Sinilip ko naman silang dalawa at nakita kong papaalis na si Van kaya nag tago ulit ako.

"Bakit Robi? Kaya ka ba nag kakaganyan dahil doon sa seatmate mo kanina?" muli akong sumilip at nakitang napahinto si Van sa paglalakad ngunit nakatalikod pa din ito mula sa kinatataguan ko. "Akala mo ba hindi ko alam yung mga nangyayari dito."

Wala pa ding reaksyon si Van ngunit nakita ko ang pagkakagigil nito sa kanyang mga kamay. "Ano Robi sumagot k---"

"Oo." pagpuputol nito kay Anastasia. Napatakip naman ako ng bibig sa narinig ko. "Oo. Kaya ako nagkakaganito ngayon dahil sa kanya." This time humarap na ito kay Anastasia.

Nakita ko naman na tila hindi makapaniwala si Anastasia sa narinig niya. "Naiintindihan ko na."

"Tama ka. Galit ako sayo. Nasaan ka no'ng mga pagkakataon na kailangan kita? Nasaan ka no'ng wala na akong matakbuhan?" bakas sa kanyang tinig ang hinanakit niya.

Lumapit si Anastasia kay Van at niyakap ngunit kumalas agad si Van. "Van I'm sorry. Alam kong may pagkakamali ako pero nandito na ako ngayon oh. Bumalik na ako."

"Yel sorry din." Nakita ko naman na napatakip si Anastasia ng mukha at hindi ko alam kung bakit imbes na maawa ako ay galak ang nararamdaman ko. "Pero hindi pa kita kayang patawarin ngayon. Hindi pa ngayon."

Hinawakan niya ang kamay ni Van. "You might not trust me but please give me a chance and time. Papatunayan ko sayo na wala ng mas mahalaga pa sa akin kung hindi ikaw."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan dahil ngayon ay nakatingin na lang si Van kay Anastasia. Gusto ko sanang umalis na ngunit tila ba may pumipigil sa akin para gawin ito.

Nakita ko ang paglambot ng mukha ni Van. Niyakap siya ni Anstasia at hindi na ito pumalag pa. Van  for the nth time you chose to break my heart again.

Tila isang karerahan ng kabayo ang pagbagsak ng aking luha at para bang sumikip ang dibdib ko. Wala man akong lakas ngubit pinilit ko pa din tumakbo. Tumakbo papalayo sa kanila. Tumakbo papalayo sa nagbibigay ng sakit sa puso ko.

Napatigil na lang ako sa pagtakbo ng may mabangga ako. Dahil sa lakas ng impact ay napaupo nalang ako at hindi na ipinilit pang tumayo. Doon ko na ibinuhos lahat ng sakit nararamdaman ko.

"Sometimes holding on does more damage than letting go." napatingin naman ako sa nagsalita ngunit dahil sa sinag ng araw ay hindi ko siya makita.

Bumaba naman siya ng level ko kaya nakita ko na ang buong mukha niya. "Yatot?" Hindi siya nagsalita sa halip ay niyakap nalang niya ako.

"Am I too late?"bulong niya ngunit hindi ko yun pinansin. Magbestfriend lang kami ni Jasper kaya alam kong walang malisya yun.

Hinatid niya din ako sa classroom dahil may klase pa kami. Pero mukhang mali ang desisyon kong pumasok dahil hindi rin naman ako makapagconcentrate.

"Jeda" tawag sa akin dahilan para matauhan ako. Inilibot ko ang tingin sa classroom ngunit wala ng tao maliban nalang sa akin at ang tumawag sa akin. "Are you okay? Why are you crying?"

"Anastasia" hindi makapaniwala kong sabi. Oo, kaming dalawa na nga lang ang natira ngayon sa classroom at tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ako sa pangalan ko?

"Oh bakit ganiyan yung mukha mo, Parang hindi maipaliwanag?" Natatawa niyang tanong. "Creepy ba? Kasi alam ko na agad yung name mo." umiling naman ako bilang sagot.

"Bakit pala nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhh, ikaw talaga pinunta ko. Gusto ko sana kasing humingi ng favor kung okay lang sana."  sabi niya sa akin.

Hindi ko naman siya matanggihan dahil mabait naman siya at wala akong dahilan para kaayawan siya. "Okay lang naman. Ano ba yun?"

"I wanted to be close with Van." hindi ko alam kung nahalata niya ba na biglang napawi ang ngiti sa aking mukha. "Well, matagal na din kasi noong mula kaming nagkaroon ng bonding. Ayaw naman niya magstay sa house ni dad and lalong ayaw naman niya na sumama sa akin sa America. Ewan ko ba sa kapatid kong yun kung bakit ang arte."

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. "Ibig bang sabihin magkapatid kayo ni Van?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya ng nakangiting sagot. "Pero papaano?" Naguguluhan kong tanong.

Napatawa naman siya sa naging reaction ko. "Sasabihin ko sayo pero secret lang natin to ah?" Tumango naman ako. "Screen name ko lang naman talaga ang Anastasia Prescott Yun na yung tawag sa akin ng mga tao kaya hindi ko na nagagamit yung real name ko."

Grabe ang hirap pala kapag nasa mundo ka ng showbiz. Feeling ko hindi ko kakayanin yung ginagawa nila at isa pa parang nawawalan na din sila ng karapatan na mabuhay ng kung ano talaga sila dahil kahit saan sila magpunta ay may nagmamasid pa din sa kanila.

Tumayo siya at inabot ang kamay niya. "By the way I'm Viel Rillet Delgado, nice to meet you miss?"

Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya. "Jeda... Jeda Decena" pagpapakilala ko.

"So dahil magkakilala na tayo, ibig sabihin magkaibigan na tayo at dahil magkaibigan na tayo at umoo ka kanina. Tutulungan mo na ako sa kapatid ko. Okay ba yun?" Grabe ang daldal niya pala. Hindi ko akalain na may ganito siyang side. Akala ko talaga maarte at mataray siya.

"So anong tatawag ko sayo? Anastasia or Viel?" Pagtatanong ko.

"Yel na lang para unique. Isa pa 'yun ang tawag sa akin ng mga taong kaclose ko." sagot niya.

"So Yel alam mo na ba na yung kapatid mo ay kalahi mo?" Pagtatanong ko muli. Bigla naman siyang napatakip ng bibig at tiningnan ako ng hindi makapaniwala.

"You mean bakla siya? Imposible." natatawa niyang sagot. Ilang minuto lang ay bigla nanaman siya nagkaroon ng energy. Grabe magkapatid nga sila, parehas silang bipolar. "Hmm.. Pwera na lang kung.. Jeda alam ko na." masayang sabi niya.

Napakunot naman ako ng noo. "Huh? Anong alam mo na?"

"Alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan. Iba ka pala girl ah." sambit nito.

Nakangunot ang noo ko at hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi ni Yel. Magkapatid nga sila. Parehong magulo.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now