Chapter Forty Five

1.5K 49 7
                                    

Chapter Forty Five

Decision

"Jeda please kausapin mo 'ko!" dinig kong sigaw ni Van habang kinakatok ang pinto. Ramdam ang pagmamakaawa at pagkadesperado niyang makausap ako ngunit nanatili lamang ako sa aking pwesto.

Umupo ako sa lapag at idinukmo ang aking ulo sa aking tuhod. Tila isang sirang plaka na nagpla'play ang lahat. Simula ng magkakilala kami ni Van ngunit bigla itong mapapalitan at ang makikita ko na lang ay ang pagkamatay ng aking mga magulong.

"Jeda anong nangyayari dito? Bakit ayaw mong pagbuksan si Van? Nag-away ba kayo?" tanong ni Astro pagkalabas niya ng kwarto. Marahil ay nagising ito dahil sa ingay nang pagkakakatok ni Van.

Umiling naman ako bilang sagot. Pilit kong pinipigilan ang luha na nagbabadya na namang tumulo ngunit tila trinaydor ako ng mga ito. Nakita ko ang pagkagulat ni Astro nang makita akong umiiyak at rumehistro agad sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"T-teka, bakit ka umiiyak? P-parang kanina lang okay pa kayo ah." kahit mahina man ang pagkasabi niya sa mga huling salita ay dinig ko pa din ito.

Believe me Astro, kahit ako hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang ayos kami. Parang kanina lang masaya pa kami.

"A-Astro... Astro.." tanging 'yon lang ang nasabi ko. Niyakap niya agad ako at inalo.

"Shhh.. Jeda I really don't know what happened. Pero nandito lang ako palagi para sayo." patuloy na pagpapatahan niya sa akin. Para akong isang bata na mas lalong umiiyak sa sinabi niya. All I need is her comfort.

Siya lang naman ang malalapitan ko. Siya lang naman ang makakapitan ko. Siya lang naman kasi ang pamilya ko. Kung hindi lang pinatay ng tatay ni Van ang mga magulang ko.

"Astro naaalala ko na ang lahat." with that she stiffened. "Na-nakita ko na ang lalaking pumatay sa mga magulang ko."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at kita ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Papaanong nangyari 'yon?" halos bulong na lang na nasabi niya.

"A-ang papa ni Van. Si-siya ang pumatay sa mga magulang ko." tila hindi pa nauubos ang luha ko dahil may nagbabadya na namang lumabas.

"A-anong.. Paanong..." halos hindi niya din alam ang sasabihin dahil miski siya ay nagulat sa aking sinabi.

"Nakakatanga diba?" mapait kong sabi. "Nakakatanga talaga kumilos 'yang tadhana na 'yan. Kung bakit sa lahat ng pwede kong mahalin si Van pa? Kung bakit sa lahat pa ng pwede niyang maging tatay, yung lalaki pang pumatay pa sa mga magulang ko!"

Astro

Halos buong magdamag umiyak si Jeda. Hindi ako lubos makapaniwala sa mga nangyari. Tama si Jeda, masyado ngang mapaglaro ang tadhana. Masyadong mapait ang kanilang tadhana.

Matapos ng ilang oras ay nakatulog na din si Jeda. Agad kong tinawagan si Harley upang pumunta dito. Nakatulog kasi si Jeda sa may salas. Hindi ko naman siya kayang buhatin.

Naglinis linis muna ako ng bahay. Nang magtatapon na ako ng basura ay naabutan kong nakaupo si Van sa may sulok.

"Van..."paggising ko sa kanya. Pupungas pungas naman siyang tumayo.

"A-Astro.. Si Jeda? Kailangan ko siyang makausap." bakas sa kanya ang pagod. Siguro ay kanina pa siya naghihitay dito.

"Van alam mo naman ang sitwasyon diba? Hindi pa ito ang tamang oras para makapagusap kayo. Alam ko na nasasaktan ka pero sa inyong dalawa ay mas nasasaktan siya. Kaya pwede ba na bigyan mo muna siya ng panahon?"

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now