Chapter Twenty Two

2.8K 85 2
                                    

Chapter Twenty Two

Perfect Yours

"Ate ano ba talaga ibig sabihin nung sinabi ni Van?" pangungulit ko dito.

Kanina ko pa siya tinatanong pero puro tawa, iling at kibit lang ang natatanggap ko sa kanya.

"Hindi ko din alam. Malay ko ba sa baklang yun." Natatawa niyang sabi.

"Ate naman eh." Alam ko namang alam niya yung sinabi ni Van at ayaw niya lang itong sabihin. "Ibang klase talaga kayong magkapatid. Feeling ko tuloy hindi maganda sinabi niya."

"Alam mo, huwag na ngang intindihin yun. Ang mas magandang gawin ngayon ay irampa 'yang beauty mo. Nako, sayang naman kung tayong tatlo lang makakakita niyan." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nun rarampa ako? Hala, hindi pa naman ako marunong. "Hindi ko naman alam na may pagkaslow ka Jeda."

"Slow talaga yan ate." Singit nung isa.

"At kelan ka pa nakapunta dito?" Tanong ng ate niya pabalik.

"Ngayon lang. Bakit? Wala namang masama na pumunta ako dito ah."

"Kung sabagay mas okay na din na nandito ka. Tutal aalis din naman tayo ngayon at bawal kang umangal kung ayaw mong makita si dad ng wala sa oras." Pananakot ni Yel kay Van. Grabe, under niya talaga yung kapatid niya.

Wala na kaming nagawa ni Van at sumama pumunta ng mall. Labag mana sa aming mga kalooban pero parehas kami ni Van na under ng ate niya.

"So saan niyo gustong pumunta?" Nakangiti niyang tanong sa amin. "Oh, bakit abot hanggang lupa ang mga nguso ninyo?"

"Eh bakit ba kasi kailangang kasama pa ako dito ate? Alam ko naman na puro shopping lang ang gagawin mo dito eh." Iritableng sabi ni Van.

"Don't worry kapatid, hindi ako magsho'shopping ngayon. Alam niyo, gusto ko lang naman kayo makabonding dahil hindi din naman ako magtatagal sa Pilipinas." Napansin ko naman na biglang lumambot ang ekspresyon ni Van.

"Alam ko na pwede nating gawin." Pambabasag ko sa katahimikan. Tiningnan naman nila akong dalawa. "Bakit hindi muna kaya tayo mag videoke sa Timezone tapos kumain muna tayo then picture picture."

"Hmmm, that's a good idea. What do you think Van?" Pagtatanong ni Yel sa kanyang kapatid.

"As if naman may choice ako." Sagot naman ni Van.Papasok na sana kami ng Timezone nang may pumigil sa aming tatlo.

"Good Afternoon po. Gusto ko lang po sana maimbitahan kayo sa shop namin. Bagong bukas lang po kasi ito at mayroon kaming ginawang maliit na paligsahan. Kinakailangan po namin ng dalawang partners na pwedeng mag duet at gagamit ng isa sa mga instruments namin. Kung sino ang may pinakamaraming votes ang panalo." Mahaba niyang pagpapaliwanag.

"Ano naman mapapanalunan namin kung sakaling kami ang mananalo?" Curious na tanong ni Van.

Nagulat kami ni Yel dahil sa tanong niya. Hindi namin akalain na magiging interasado siya dito.

"Makakapili po kayo ng isa sa mga instruments na aming binebenta at maari niyo itong iuwi for free." Napatango-tango na kami dahil hindi biro ang magiging prize. "So gusto niyo po bang sumali?"

"Sige, sasali kami." Sagot ni Yel kaya napatingin kami ni Van sa kanya. "I mean sila pa. Sasali silang dalawa." Turo niya sa amin ni Van. Nakita ko naman siyang kumindat. Ibang klase talaga.

Dumating kami sa harap ng shop at nag-start na din pala sila. Mayroon limang contestants kabilang kami ni Van at masasabi ko na magagaling din sila.

Operation: Make him straightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu