Chapter Twenty One

2.9K 90 5
                                    

Chapter Twenty One

Make over

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar sa akin. Matapos akong mawalan ng malay ay hindi ko na alam kung ano ang susunod na nangyari. Ngunit ang pinakamalaking-palaisipan para sa akin ngayon ay kung sino yung mga bata na nasa panaginip ko at ano ang koneksyon nila sa akin. Bakit ko sila napanaginipan. Hala! Hindi kaya minumulto nila ako?

Biglang may pumihit ng door knob at unti-unti itong nagbukas kaya agad akong nagtakip ng kumot. Nako naman, hindi naman ako gano'n kasamang tao bakit kailangan na mangyari pa sa akin ito. Halos hindi ako magkandaugaga sa loob ng kumot dahil nakakarinig ako ng yabag ng hindi ko kilalang tao. Kung hindi siya multo, baka mamaya... Baka mamaya isa naman siyang rapist oh kaya---

"Waaaahh!!!" Sigaw ko ng biglang may humawak sa akin. "Multo! Rapist! Tulungan niyo ako!" Nakapikit kong sigaw at tila nagwawala sa kama. Natauhan na lang ako ng may bumatok sa akin.

"Gaga, anong rapist ka diyan." Dinilat ko ang kaliwa kong mata at nakita ang baklang lalaki na nakapameywang. "Oh ano? Natauhan ka na ba? Gaga ka kasi. Hindi tayo talo noh." Walang hiya ito, kasalanan ko bang may mabagal effect pa siyang pagpasok.

"Alam mo nakakadalawa ka na ah. Kainis!" Bulyaw ko sa kanya. "Nasaan ba kasi ako?"

"Wow naman bruha ka. Thank you kasi nahimatay ka lang naman at ako itong anghel na sobrang bait kaya heto tinulungan kita. Sorry sa pang-aabala ha." sarkastiko niyang sabi sa akin dahilan para mapairap ako.

"Edi thank you."

"Huwag na nakakahiya naman. Mukhang labag sa loob mo eh. Bumangon ka na diyan. Kanina ka pa hinihintay ni ate." Sabi niya sa akin at lumabas na ng kwarto.

Pagkaalis niya ay nag-ayos ako ng pinaghigaan dahil kahit papaano naman ay may hiya pa namang natitira sa katawang lupa ko. Matapos ay nag-ayos na ako ng sarili at bumaba na rin.

Naabutan ko si Yel at Van na nag-uusap at nang marinig nila ang pag-baba ko ay bigla silang tumigil. Lumapit agad sa akin si Yel at niyakap ako.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo? Are you okay? Do you want me to call our doctor?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin dahilan para mapangiwi ako.

"Ate h'wag kang OA. Hindi pa 'yan mamatay." Mataray na sabi ni Van.

"Ahhh.. Oo nga Yel. Okay lang naman ako tsaka hiyang-hiya naman ako sa kapatid mo baka masyado na akong nakakaistorbo." Pag'paparinig ko kay Van.

"May hiya ka pa pala?" Sabi niya nang mahina na sapat na para marinig ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Van will you please stop teasing Jeda." Pagbabawal nito sa kanyang kapatid dahilan para magdabog na parang bata si Van at umakyat sa taas. "Jeda sorry na. May pagkachildish kasi talaga ang kapatid ko. Anyway, tuloy pa ba tayong mag-shopping or mas gusto mong magpahinga nalang muna?"

"Mas gusto ko sana munang magpahinga eh." Medyo alanganin kong sagot sa kanya. Nakita ko naman na medyo nalungkot siya sa naging sagot ko. "Pero kung okay lang naman sayo at kung hindi naman ako makakaabala. Dito na lang sana tayo sa inyo. Alam mo na, bonding time." Suggest ko sa kanya.

Bigla naman nagningning ang mata niya sa sinabi ko at nagtatalon. Minsan talaga gusto ko ng isipin may saltik ang pamilya ni Van eh. "You know what, you're right. Bakit pa nga ba tayo aalis kung pwede naman tayo magbonding dito. You're genius!"

"Hindi naman. Parang 'yun lang." Nahihiya kong sabi sa kanya. "Ano pala unang gusto mong gawin natin?" Pagtatanong ko sa kanya.

Nagmwestra siya na tila nag-iisip kung ano ang gagawin hanggang sa parang may nagpop-up na bulb sa ulo niya. "Alam ko na. Tara punta muna tayo sa room ko." Bago pa ako makapagreact ay hinila na niya ako papunta sa loob ng kwarto niya.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now