Chapter Twenty Nine

2K 58 2
                                    

Chapter Twenty Nine

Ikaw

Nagising ako sa isang puting kwarto. Ramdam ko ang bigat ng aking ulo. Pinilit kong bumangon ngunit hindi ko rin kinaya dahil nahihilo pa ako. Narinig kong may nagbukas ng pinto kaya nagkunwari akong tulog.

''Jeda." panggigising sa akin ni Van pero nagkunyari pa rin akong tulog.
Narinig ko naman siyang nagbuntong hininga.

"Talaga bang wala akong kwenta? Bakit ba tuwing kailangan mo ng tulong laging si Harley ang nasa tabi mo?" dahil lagi mo akong tinutulak palayo.

"Bakit mas pinili mong tumabi kay Harley kaysa sa akin?" dahil lagi lang akong nasasaktan kapag ikaw ang pinipili ko.

"Bakit feeling ko, sa kanya ka lang sumasaya?" dahil lagi mo akong pinapaiyak.

"Bakit hindi mo makita na nagseselos ako sa inyong dalawa?" dahil ayokong umasa.

"At bakit sa kabila ng paglalagay ko ng yelo sa paligid ko ay natunaw mo pa rin ito? Bakit mahal na kita?" halos nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi niya. Mahal na ako ni Van? Totoo ba ito o panaginip?

"Hindi ka nanaginip dahil hindi ka naman talaga tulog." pagsagot niya kaya napadilat ako. Nakita ko naman siya na seryosong nakatingin sa akin kaya alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Actually kagigising ko lang din Van eh." depensa ko sa kanya.

"At least you already know what I feel and I'm serious, Jeda. Mahal na kita." hindi ko alam kung ilang beses na kong napamura sa isip ko. Idagdag pa ang sobrang bilis na pagtibok ng puso ko. "Are you okay? May masakit ba sayo?" nag-aalala niyang tanong.

"Okay lang ako. Masyado lang akong nabigla."

"I understand. Naiintindihan ko naman kung hindi ka naniniwala pero handa apkong patunayan Jeda."

"Pero paano si Nami?" bigla siyang sumimangot sa tanong ko.

"Bakit naman siya nasama sa usapan?"

"Hindi ba't kayong dala----"

"Ano bang pangalan mo?" pagputol nito sa akin.

"Jaydiah Louisse Decena."

"May Nami ba sa pangalan mo?"

"Wala."

"Yun naman pala eh. Jeda ikaw yung mahal ko. Wala na kong pake kay Nami dahil ex ko na lang siya."

Nagulat kami nang marinig ang pagsara ng pinto. May taong nakikinig sa amin.

Nami's P.O.V

Nandito kami ngayon sa isang rest house nila Van. Nagkaroon kasi ng emergency kaya napagdesisyunan na ng lahat na h'wag ng ituloy ang camp.

"Frost pakitingnan nga kung gising na si Jeda para sabay sabay na tayong makakain." utos ni ate Yel.

Tatayo na sana siya nang magvolunteer ako  na lang ang tatawag sa kanila. Nakita ko naman ang pagikot ng mata niya. Hanggang ngayon galit pa din siya sa akin.

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko na nag uusap si Van at Jeda.

"Pero paano si Nami?" mistulang hindi nila napansin ang pagbukas ko ng pinto.

"Bakit naman siya nasama sa usapan?"

"Hindi ba't kayong dala----"

"Ano bang pangalan mo?"

"Jaydiah Louisse Decena."

"May Nami ba sa pangalan mo?"

"Wala."

"Yun naman pala eh. Jeda ikaw yung mahal ko. Wala na kong pake kay Nami dahil ex ko nalang siya."

Masakit. Masakit marinig na hindi ka na mahal ng mahal mo. Pero mas masakit pala marinig at malaman mo na kaya hindi ka na niya kayang mahalin ay dahil may mahal na siyang iba.

Dahan dahan kong isinara ang pinto at tumakbo na palayo. Hindi muna ako dumiretso papunta sa kanila dahil gusto ko munang ilabas 'to. Feeling ko anytime sasabog na lang ako kapag hindi ko pa ito iniyak.

Dumiretso ako sa may garden at iniyak ang lahat. Bakit? Bakit kailagan mangyari sa akin 'to? Masaya naman ako dati ah. Maayos naman ang lahat. Kung hindi lang sa peste kong sakit ay hindi mangyayari ang lahat ng ito!

"Masama sayo ang sobrang pag iyak. Baka mamaya mahirapan ka niyan huminga." sabi ni Frost.

"Iiyak ko man 'to o hindi, mamatay pa rin ako."napabuntong hininga naman siya at nagulat ako nang yakapin niya ako.

"Bakit ba lagi mong sinasabing mamamatay ka na? Hindi ba't nangako ka na babalik ka. Nangako ka na gagaling ka."

"Para sa'n pa Frost?! Wala na. Wala na akong babalikan pa."

"Ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo. Kami Nami. Ano ba'ng tingin mo sa amin? Hindi ba kami mahalaga sayo? Hindi mo ba naiisip kung anong sakit ang mararamdaman namin kung sakaling mawawala ka? Nami all these years alam mong mahal kita. Pero mahal mo si Van kaya nagparaya ako. Ngayon.. Ngayon na may chance na ako para mahalin ka, ngayon ka pa bibigay? Bakit ba napakaunfair mo?!"

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa 'kin at nakita ko ang pagpunas niya ng luha niya.

"Nami lumaban ka naman kahit hindi na para sa akin. Kahit para sa pamilya mo na lang." bigla akong nanghina.

Ngayon ko na lang ulit siya nakitang umiiyak. Si Frost na laging tahimik at may mataas na pride. Nakaluhod sa akin ngayon at nagmamakaawa. Nagmamakaawa na lumaban ako sa sakit ko.

"Frost." mahina kong tawag sa kanya.

This time ako naman ang yumakap sa kanya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyon na yun.

"H'wag kang mag alala Nami. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ka. Gagawin ko ang lahat para magkaroon ka ng dahilan para lumaban. Kahit hindi ka na maging akin. Makita lang kitang masaya na nabubuhay, okay na ako doon." sabi niya at umalis na.

Papunta na sana ako ng kwarto nang makasalubong ko si Jeda. Kahit na alam kong siya ang dahilan kung bakit hindi na ko kayang mahalin ni Van, hindi ko pa din magawang magalit sa kanya.

"Nami okay ka lang ba?" tumango naman ako bilang sagot. "Sure ka? Parehas kasi kayo ni Frost na hindi nakasabay sa amin eh."

"Jeda pwede ba tayong mag-usap?" No'ng una'y nakita kong nag aalangan pa siya pero sa huli'y tumango na din.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now