Chapter Fifty

3.2K 76 17
                                    

Chapter Fifty

The Plan

Naalimpungatan na lamang ako nang maramdaman kong tila buhat buhat ako ng isang tao.

Naalala ko na naman ang nangyari. Kinuha ako nila ma'am Irish. Siya ang nagpakuha sa akin. Posible kayang alam na niya ang lahat.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makita dahil nakapiring ako. Tila mapait nalang akong napangiti. Hindi nga siguro kami ni Van ang nakatadhana para sa isa't isa.

Noon ay ipinaglayo na kami dahil sa mga nangyari sa aming mga magulang. Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, ikakasal na siya sa iba.

Hindi na rin siguro malaman pa niya ang nararamdaman ko sa kanya. Para saan pa. Kung sakali man na malaman niya ang lahat ay wala na kaming magagawa.

Tama nga siguro yung sabi sa isang kanta. "Maybe sometimes just love ain't enough." Hindi laging pagmamagal niyong dalawa lang ang bubuo sa isang relasyon.

It also need trust, understanding, patience and commitment. Mga bagay na hindi ko naibigay sa kanya.

Tama na siguro ang mga pasakit na naibigay ko sa kanya noon. Deserve niya ng sumaya. Masakit mang isipin na hindi sa piling ko niya iyon matatamo.

Naramdaman ko ang pagtigil ng bumubuhat sa akin. Marahan niya akong binaba at ngayon ay nakatakap na ako sa lupa. Ramdam ang hangin na tumatama sa aking balat. Nasaan ako ngayon?

"Now we're going to end the operation that you started." sabi ng isang lalaki.

Inalis na niya ang piring sa akin at halos hindi ako makahinga sa nakikita ko. Everything... Lahat ng ito ay ang plinano namin para sa kasal niya.

Tiningnan ko ang aking sarili at nakasuot ako ngayon ng damit na isinukat ko noon nang nagpasama siya sa botique. Lahat ng dinesenyo ko ay naiexecute talaga. This is even my dream wedding.

Nakatapak ako ngayon sa red carpet na maghahatid sa akin sa altar. Tumingin ako sa mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi pamilyar sa akin ngunit kung naririto sila marahil isa sila sa mga naging parte ng buhay ko three years ago.

Napatingin ako sa sa aking kaliwa nang may umangkla sa akin. Si Astro and she's smiling and crying at the same time.

"Bes this is it pancit! You're now going to marry the love of your life. I'm so happy for you." sabi niya at niyakap ako.

"Tigilan niyo na nga ang drama diyan. Naghihintay na ang groom. I think this is the right time. After all he waited for a long time." singit naman sa amin ni Harley.

"Harley." Pabulong kong sabi.

Ngumiti naman siya sa akin. "You're so beautiful. I'm happy for you."

Ginantihan ko siya ng ngiti at niyakap siya.

"Oh baka tama na 'yan. Baka magselos na 'yung naghihintay sa'yo sa altar at magulat ka kinakaladkad ka na do'n." Biro niya habang nakayakap sa akin.

Hindi ko maiwasan na masaktan. Alam ko na may nararamdaman siya sa akin. At sa lahat ng tao na nandito, siya ang pinakanasasaktan. He's just trying to hide it but his eyes failed to.

"Someday Harley. You'll find the girl who'll love you back." Naiiyak kong sabi.

"I know Jeda. I know." Sagot niya at kumalas na sa pagkakayakap. "Tama na drama, okay? 'Wag ka ng umiyak. Papanget ka niyan." Pinalo ko naman siya.

"Okay everyone. The wedding is about to start in a few minutes." Announce ni miss Irish

"T-teka.. So all this time lahat ng ito ay para sa akin talaga? I-ibig sabihin hindi si ma'am Irish ang bride kung hindi ako?" Naguguluhan kong tanong.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now