Chapter Twenty

2.8K 99 3
                                    

Chapter Twenty

Memories

Maaga pa lang pero ring na ng ring ang phone ko kaya bumangon na ako. Napakunot ako dahil unknown number ang tumawag. Ano kaya kailangan nito sa akin? Sino kaya ito? Nagdesisyon ako na hindi ito sagutin at patayin na lang pero paulit-ulit itong nagring kaya no choice na din ako.

"Hello?" Nilayo ko agad yung phone dahil tumili agad yung nasa kabilang linya.

"OMG! Akala ko hindi mo sasagutin yung call ko eh. By the way, this is Yel, remember?" Napangiwi naman ako bigla.

"Yel ikaw pala 'yan. Bakit ka pala napatawag? Saan mo nakuha number ko?"

"Wala lang. Gusto ko lang iconfirm kung ito talaga ang number mo. Anyway, kita na lang tayo later ah. Bye."

Napatingin ako sa nay kalendaryo. Wala naman kaming pasok kaya saan kaya kami magkikita. Kagabi pa ako nababagabag kung ano ba magiging plano niya. Parehas kasi silang magkapatid. Hindi malaman kung anong tumatakbo sa isip. Kung ang kapatid niya ay Math siya naman ay Physics.

Pipikit na sana ulit ako para matulog nang tumunog nanaman yung phone ko. Halos mapabato na ako ng unan dahil gusto ko munang matulog. Alas tres na ata ako nakatulog sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa mga darating na panahon. Idagdag pa yung finals namin next week.

Pinatay ko na lang yung phone ko para sure ng walang makakaistorbo sa akin at natulog na ulit.

Ala-una na din akong bumangon dahil kailangan ko ng magligpit at mag ayos ng bahay. Chineck ko yung phone ko at binuksan na ito para makita kung may mga tumawag or nag message sa akin. Hindi ko akalain na biglang dadagsain ng notifications ang phone ko at halos mag hang na ito.

May five messages na galing kay Astro, tatlo kay Harley and the rest ay kay Van. Sa totoo lang I didn't expect na imemessage  niya ako knowing na ayaw niya ako makausap o makita.

Una kong chineck yung kay Harley at kinumusta lang ako. Masyado na kasi silang busy for their comeback kaya hindi na din kami nagkikita. Si Astro naman nagkwento lang about kay Red at kung gaano daw ito kawalang hiya.

Ngayong bubuksan ko na yung message ni Van. Parang nagkakarerahan na naman ang pagtibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Ganito ba talaga ang epekto kapag mahal mo ang isang tao kahit paulit-ulit ka na niyang nasasaktan.

From: Van

Susunduin kita diya. 4pm sharp, siguraduhin mo lang ready ka na pagpunta ko. Ayoko ng pinaghihintay.

Magrereply na sana ako ng nagmessage ulit siya sa akin.

From: Van

H'wag ka mag-isip ng kung ano. Inutusan lang ako ni Yel.

Bigla naman nag-init yung mukha ko sa message niya. Hindi porke't mahal ko siya ay magfefeeling na agad siya. At isa pa, wala naman talaga akong iniisip na malisya eh.

To: Van

Wala akong iniisip na kung ano. Sige, hihintayin na lang kita mamaya.

After ko magreply sa kanya ay sakto namang pagtawag ni Harley sa akin.

"Hello Harley?"

"Hello Jeda pwede ka ba mamaya? Wala na kasi akong gagawin mamaya. Gusto ko sanang mamasyal kasama ka."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko man siyang samahan pero nakaoo na ako sa isa.

"Harley ano kasi eh... M-may lakad na kasi ako mamaya pwede bang sa ibang araw na lang?" Alanganin kong sagot. Biglang tumahimik ang kabilang linya kaya medyo nalungkot ako. Kung bakit ba naman kasi sabay pa sila ngayon.

"S-sige mukhang busy ka ata. Sa susunod nalang, Bye Jeda."

Hindi ko alam pero biglang bumigat yung nararamdaman ko ngayon. Feeling ko sobrang sama kong kaibigan kay Harley. Ngayon na nga lang ulit kami magkikita tapos hindi pa ako makakapunta.

Mas minabuti ko na lang maligo at magbihis. Magaalas-tres na din nang makaramdam ako ng gutom kaya mas minabuti ko na lang mag oat meal at nagsurf nalang sa internet pampalipas oras habang hinihintay si Van. Una kong sinearch si  Yel at doon ko napatunayan kung gaano siya kaganda at kasikat. Pero sa kabila ng kasikatan niya ay hindi siya mayabang at maarte.

Sumunod kong sinearch ang Mythical 5. Bata palang pala sila ay sikat na sila at gwapo. Marami na ding babaeng nalink sa kanila at hindi naman yun nakakapagtaka.

Napansin ko naman na malapit na mag alas 'kwatro kaya lumabas na ako. Paglabas ko, wala pa siya kaya umupo nalang muna ako sa may sidewalk. May mga batang nagtatakbuhan at yung isa ay nadapa kaya lumapit ako sa kanya para tulungan. Umiiyak na siya kaya pinakalma ko muna ito. Nakita ko naman yung lalaki na lumapit sa amin.

"Tahan na Iya, ibibigay ko naman 'tong chocolate sayo. Gusto ko lang naman makipaglaro sayo." sabi ng lalaki na nakapagpangiti sa akin.

"Pwe-pwede naman sana sabihin eh." sumisinghot na sabi nila. "Makikipaglaro naman ako sa'yo." dagdag pa nito

"Sorry." sabi nung batang lalaki.

"Apology accepted." nakangiting sabi nung batang babae at nagyakapan na sila. Napangiti na lang ako sa kanila nang biglang sumakit ang ulo ko. "Ate okay ka lang?" Puna sa akin ng babae kaya tumango ako at babalik na lang sana sa kinauupuan ko kanina nang biglang magdilim ang paningin ko.

 "Ate okay ka lang?" Puna sa akin ng babae kaya tumango ako at babalik na lang sana sa kinauupuan ko kanina nang biglang magdilim ang paningin ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ishi punta tayo doon sa may pool." sabi ng isang batang lalaki na nakapangprinsipe na costume.

"Rashie baka pagalitan tayo nila mama kapag pumunta tayo doon." pagbabawal ng babae na nakacostume na pangprinsesa.

"Ishie naman eh. Sige na, please." pagpapacute ng lalaki. Sandaling nanahimik ang babae at tumingin sa lugar kung nasaan ang kanilang mga magulang at tumingin ulit doon sa batang lalaki.

"Sige na nga. Pero bawal makulit ah kasi malalim doon." pagpayag ng batang babae.

"Talaga?" Paniniguradong tanong ng lalaki kaya tumango naman yung batang babae. "Yehey!"masayang sabi ng batang lalaki at hinawakan ang kamay nung batang babae. "Tara na Ishi baka nagbago pa isip mo."

Pumunta sila sa may likod ng bahay kung saan makikita ang pool na kanina pa hinihirit ng batang lalaki. Nilublob nilang dalawa ang kanilang mga paa doon.

"Ishi sana paglaki natin magkasama pa din tayo." nakangiti niyang sabi sa batang babae. "Sana marinig na ni Lord yung wish ko na mawala na yung sakit mo."

"Ano ka ba Rashie, h'wag mo na ngang intindihin yung sakit ko." may malungkot na sabi ng batang babae. "Diba sabi mo may mga kapatid ka na nasa probinsya, kapag nawala na ako nandoon pa naman sila."

"Pero iba pa rin Ishi... iba pa rin kapag nasa tabi kita"

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now