Chapter Twenty Three

2.7K 75 12
                                    

Chapter Twenty Three

Xtreme

Hindi ko alam kung bakit araw araw na lang ay parang hindi ako nawawalan ng bisita at ang ikinaiirita ko pa ay ala'singko palang ng madaling araw ay binubulabog na ako. Ang sarap sabunutan at sipain papunta kung saan man siyang lupalop nanggaling.

Wala na rin naman na akong nagawa dahil halos murderin na niya yung pagkatok sa apartment ko kaya tumayo na ako. "Sino ba naman kasing kutong-lupang bwisita yan?!"

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Astro na may dala-dalang maleta.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bes, wala na kasi akong alam na pwedeng mapuntahan eh. Pwede bang dito muna ako?" Tiningnan ko siya at ang gamit na mga dala niya. Ano kaya naging away ng dalawang yun? "Jeda hindi mo man lang ba ako papatuluyin?"

"Tuloy." sabi ko sa kanya at dumiretso kami sa may salas. "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya ng nakameywang. Hindi naman siya sa akin makatingin nang tuwid.

"Nag-away nanaman ba kayo?" Tanong ko muli sa kanya ngunit hindi na naman niya ako sinagot kaya huminga na lang ako nang malalim. "Look Astro, hindi kita pipilitin na sabihin or sagutin lahat ng tanong ko. I just want you to know na nandito lang ako para sayo."

"Thank you Jeda ah."

"Sige na matulog muna tayo. Inaantok pa ako eh. Aga aga mo kasi mambulabog." Sabi ko sa kanya.

Nagising ako dahil sa isang mabangong amoy ng pagkain. Tiningnan ko ang aking orasan at nakitang mag-a'alas diyes na din pala. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko doon si Astro na nag-aahin na sa lamesa.

"Jeda, gising ka na pala. Kain na tayo." pag-aaya niya sa akin.

"Nag-abala ka pa Astro."

"Nahihiya na kasi ako sayo eh."

"Nako, h'wag ka ngang mahiya ka sana." pabirong sabi ko sa kanya dahilan para mapa'pout siya.

"So kumusta ang buhay buhay? Tagal na nating hindi nakakapag-usap ah. Balita ko nga nagiging close na ulit kayo ni Van." panimula nito.

"Hindi naman sa close pero nawala na din yung awkwardness sa amin dahil kay Yel. Astro may tanong ako sayo." napakunot naman ang noo niya sa akin. "Kapag ba nagkagirlfriend noon ang isang bading, may posibilidad pa kaya siya maging lalaki ulit?"

"Si Van ba ito?" Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. "Nagkagirlfriend man siya or hindi maari pa din siya maging lalaki or mainlove sa isang babae. Pero hindi natin din maiaalis ang posibilidad na kaya siya nag'girlfriend ay para mapagtakpan ang kanyang pagkabakla."

"Pero Astro may mga kabarkada siya nung highschool and until now, conected pa din sila."

"Really? Nabanggit ba ni Yel kung ano yung name ng barkadahan nila or kung anong klase iyon?" Miski si Astro din pala ay macu'curious sa past ni Van.

"Yeah. Ang sabi ni Yel ay dating varsity player si Van. Xtreme pa nga daw yung name ng grupo nila dahil lagi silang nanalo." bigla naman parang may lumitaw na bulb sa ulo ni Astro na parang may naiisip siyang plano. Hindi ko nga lang alam kung kalokohan ang tumatakbo sa utak ng lokaret na ito.

"Search kaya natin."

"Hindi ba parang napakastalker natin nun?"

"Sus, hindi naman nila malalaman eh."

Kinuha na niya mula sa kwarto ang laptop ko. Iba talaga kapag best friend eh, basta kuha na lang wala ng paalam. Alam niya din password ng laptop ko kaya nabuksan niya na ito at sinearch. At first, hindi ko sinakyan yung trip niya pero bigla nalag siyang nagtitili kaya napatingin ako sa laptop.

Operation: Make him straightWhere stories live. Discover now