"Quiro!" Natawa ang binata ng halos saluhin niya ang bigat ni Shivon. Ibinalik niya rin ang higpit ng yakap nito, ilang minuto rin nilang yakap ang isa't-isa bago bumitaw si Shivon. Hinaplos nito ang mukha ni Quirobin. "Kamusta ka na?"
Matalik na kaibigan ng kanyang namayapang ina ang ina ni Quiro. So, since when she was born in this world they became friends instantly. Lumaki siyang kasama ito, nagkalayo lamang sila ng kababata ng magpasya ang mga magulang nitong magaral ito ng highschool sa Manila at college sa ibang bansa.
"Just the same, Ilah. Just the same." Hindi maipagkakailang, namiss talaga niya ang dalaga.
"Quiro?" Natigilan ang dalawa ng marinig nila ang Don, kaagad naman itong lumapit sa kanila at nakipagkamay sa anak ng Mayor ng lungsod. "Kamusta iho?"
"Ito tito, kababalik ko lang din. Napabisita lang ng malaman kong umuwi si Ilah." Magalang nitong sagot sa Don.
Tumango tango ang matanda. Nangunot naman ang noo ni Shivon ng may makitang kung ano sa mga mata ng ama pero isinawalang bahala niya na iyon. "Ganoon ba, samahan mo kami sa pananghalian. Dito ka na kumain."
Pinaunlakan naman ng binata ang yaya ng Papa niya. Napagpasyahan nilang maglakad-lakad muna hanggat hindi pa tapos ang paghahanda ng tanghalian. Lumabas sila at naglakad-lakad sa hardin ng rancho.
Kanina niya pa nararamdaman ang mga titig ni Quiro, pero ng magangat siya ng mukha para salubungin ang mga mata nito, kaagad naman itong nagiwas. Napangisi siya ng makita niya ang pamumula ng pisngi at tenga nito.
"So, kamusta ang California?" Tanong niya saka hinawakan ang bulaklak na nadaanan.
"California pa rin." Natawa ito ng kaunti. "Ikaw? Kamusta?" Pagkuwa'y tanong nito.
Napabuntong hininga si Shivon. Ano bang dapat niyang isagot? "Ito..." Iwinasiwas niya ang kamay sa sarili. "Ganoon pa rin."
"I—I... I know what happened." Bigla ay lumiko ang sinabi nito.
Happened.
Surely, alam nito ang nangyari. Siguro ay nakwento ni Ina nito ang balita sa kana. Sino ba naman sa lungsod ang hindi nakakaalam sa nangyari sa kanya? Alam ng lahat na iniwan siya sa altar. But then, dito, hindi siya pinagtawanan. So, she chose to be here to be healed.
Natawa siya. "Nah. Past is past, ang totoo nga niyan, napatawad ko na sila."
May gulat sa mukha ni Quiro at nahinto pa ito ng sandali sa paglalakad. "You did?"
She nodded and smiled. "Yeah. I did."
"I'm sorry. I'm not here when—"
"It's fine, Quiro. Everything is... everything is now fine."
"Then why are you here?" Quiro questioned her. "Nandito ka sa rancho kapag malungkot ka. This is your safe heaven. Are you sure that everything is fine?"
Hindi pa rin nagbabago si Quiro. Sa isip-isip niya. Hindi pa rin ito pumapalpak na alamin ang nararamdaman niya. Katulad ng dati, kilalang-kilala pa rin siya nito.
"Well, I came back to Manila a year ago. Akala ko kasi, stable na ang puso ko. Stable na ako." Pagsisimula niya. "I met this guy at a bar."
They decided to sit under a tree. There she told everything that happened, from the start when she first met him until now.
"So, he's here?" Nagtaas ng kilay si Quiro. "To woo you?" She shrugged her shoulders in response. "Well, in my opinion... You should take him back. He must've love you so much."
"Why'd you say so? He hurt me—"
"Pareho lang kayong may pagkakamali, Ilah. Alam mo bang, nakakabaliw ang maghintay ng walang kasiguraduhan?" Malayo ang naging tangin ni Quiro, para bang mayroon itong inaalala. "Hindi mo alam kung babalikan ka pa ba, kung babalik pa ba siya. O di kaya, may kabuluhan pa ba ang paghihintay mo. You left him without even saying anything, at sa kwento mo, hindi naging maganda ang naging engkwentro niyo nang huli kayong magkita. So, what is he suppose to think? He kept on expressing his feelings towards you by his actions, maybe he's hoping that you'll notice it too. He's afraid of rejection, I can tell."
That makes her think.
"And for him, he should've wait for you. Hell, he even said that he loves you. Isn't he? Dapat, kung mahal mo ang isang tao, handa kang maghintay. Hindi iyon isang bagay na agad agad na lang na... Kinakalimutan. Hindi iyon agad na nawawala. Love is a strong word."
She nodded. And for the first time in days that she hated Declan, ngayon lang din naklaro ang utak niya. Utak niya lang, dahil ang puso niya naman ay laging kampi kay Declan. Her smile widened.
"Thank you." Iwinasiwas ni Quiro ang kamay pero para lang matigilan ng dambahan siya muli ng yakap ni Shivon. Napahiga ang binata na nasa itaas niya si Shivon. "Thank you!"
Napahalakhak siya. Feels like the old days when they were younger.
Pero sa isang iglap nahinto ang pagtawa ni Shivon. Napanganga siya ng maramdamang nakalutang na siya at nasa bisig na siya ni Declan. Naguumigting ang panga nito at ang mga mata'y nanlilisik.
"Well, why are you so happy huh?" Tanong nito sa kanya pagkatapos ay ibinaba siya nito.
"I—" Napanganga siya muli kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.
Hindi na siya nakahulma pa ng sasabihin ng lamukusin ni Declan ang damit ni Quiro kaya't napatayo ang huli sa pagkakahiga sa damuhan. Sinundan ito ni Declan ng malakas na suntok na tumama sa ilong ni Quiro.
"Declan!" Lalapitan niya sana ang dalawa ngunit nahapit na siya ni Declan at kinaladkad na siya nito papalayo sa nakahilatang si Quiro na dumudugo ang ilong.
***
AN: Sana, nandiyan pa rin kayo.
ImperfectPiece
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
Chapter 52
Start from the beginning
